You are on page 1of 34

Magandang hapon!

Bago tayo mag-umpisa


ay manalangin muna
tayo.
2 Hindi Ka Isang
Aksidente
Ang Diyos ay hindi
nakikipagsapalaran.
- Albert Einstein –
Akong si Yahweh
ang sa iyo ay
lumalang;
tinulungan na kita
mula nang ikaw
ay isilang.
Isaias 44:2A
Bago ka ipinaglihi ng iyong ina, nabuo
ka na sa isipan ng Diyos.
Ikaw ay buhay dahil niloob ng Diyos na
lihain ka.
Tutuparin ng
Panginoon ang
Kaniyang
layunin para sa
akin.
Awit 138:8
Itinakda ng Diyos ang
lahat ng detalye ng iyong
katawan.
Sinadya Niyang piliin ang
iyong lahi, ang kulay ng iyong
balat, ang iyong buhok at ang
iba mo pang mga katangian.
Pinagpasiyahan Niya kung
anong mga kakayahang
dapat ay mayron ka, pati na
ang pagkabukod-tangi ng
iyong pagkatao.
Ang buto ko sa katawan
noong iyon ay hugisin, sa
loob ng bahay-bata doo’y
iyong napapansin; lumalaki
ako roong sa iyo’y di
nalilihim.
(Awit 139:15)
Nakita ng Iyong mga mata
ang aking wala pang
anyong sangkap; at sa
Iyong aklat bawat isa sa
mga iyon ay nakasulat, ang
mga araw na sa akin ay
itinakda.
(Awit 139:16)
Walang anumang bagay sa
buhay mo ang
napagpasiyan Niya ng
pabigla-bigla.
Bago ka pa ipinaglihi
ng iyong ina, nabuo
ka na sa isipan ng
Diyos.
Ang motibo
ng Diyos sa
paglikha sa
Iyo ay ang
pag-ibig Niya.
Niloob Niyang tayo’y
maging anak Niya sa
pamamagitan ng
salita ng katotohanan,
upang Matangi tayo at
maging higit sa lahat
ng Kaniyang mga nilalang.
(Santiago 1:18)
Sapagka't ganito ang sabi ng
Panginoon na lumikha ng
langit, na siyang Dios na nag-
anyo sa lupa at gumawa
niyaon, na kaniyang itinatag,
at hindi niya nilikha na sira, na
kaniyang inanyuan upang
tahanan: ako ang Panginoon;
at wala nang iba.
(Isaias 45:18)
Bakit nag-abala
ang Diyos sa
paglikha ng
sandaigdigan
para sa atin?
Ito’y sapagkat
Siya ay Diyos ng
pag-ibig!
Ikaw ay nilikha upang maging
tanging tampulan ng pag-ibig
ng Diyos! Nilikha ka ng Diyos
para mahalin Niya.
Ang Diyos ay pag-ibig.
1 Juan 4:8
Hindi kailangan ng
Diyos na likhain ka.
Subalit ninais
Niyang likhain ka
upang maipadama
sa iyo ang Kaniyang
pag-ibig.
“Makinig kayo sa akin, lahi ni
Jacob,
    kayong nalabi sa bayang
Israel;
kayo'y inalagaan ko mula sa inyong
pagsilang.Ako ang inyong Diyos.
    Iingatan ko kayo hanggang sa
pumuti ang inyong buhok at kayo'y
tumanda.Kayo'y nilikha ko kaya
tungkulin ko na kayo'y iligtas at
Kung walang Diyos lahat tayo
ay mga “aksidente” lamang at
bunga ng mga di sinasadyang
pagbabago sa sandaigdigan.
Walang tama o mali, at wala na
ring pag-asa pagkatapos ng
maikling buhay mo dito sa
daigdig.
Subali’t may Diyos na Siyang
lumikha sa iyo para sa isang
layunin, at ang buhay mo ay may
malalim na kabuluhan!
Matutuklasan lamang natin ang
kabuluhan at katuturan ng buhay
kapag ang Diyos ang ginawa nating
“reference point” ng ating buhay.
Pakinggan natin ang isang
tula na sinulat ni Russell
Kelfer na naglalahad ng
kabuuan ng lahat ng ito.
Ikaw ay ikaw para sa mahalagang dahilan.
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na layon.
Dinisenyo kang ganap, ikaw ay bukod-tangi,
Espesyal sa paningin ng Diyos, babae ka man o lalaki

Ika'y nagmukhang ikaw para sa natatanging dahilan.


Di nagkamali kailanman ang Panginoon.
Ika'y kanyang hinabi sa loob ng sinapupunan,
Upang maging ikaw, ayon sa Kaniyang kagustuhan.
Mga magulang mo mismo ang Kaniyang pinili,
Maging ano pa man ang iyong naiisip.
Sila ay sinadyang sa plano ng Diyos ay umayon,
Sa kanilang tinataglay ang tatak ng Panginoon.

Dinanas mong sugat, hindi ganoon kadali.


Maging ang Diyos nanangis sa ininda mong hapdi;
Ngunit ito'y Kanyang hinayaan, upang puso mo'y hubugin,
At nang sa paglago mo'y wangis Niya ang iyong kamtin.
Ikaw ay ikaw para sa tanging dahilan,
Ikaw ay hinubog sa pamalo Niyang tangan,
Ikaw ay ikaw, O Kanyangg sinisinta,
Pagkat ang ating Diyos - Siya'y tunay na dakila!
Puntong Dapat Pagnilayan:

Hindi ako isang


“aksidante.”
Talatang Dapat Tandaan:

Ito ang sinabi ng Panginoon niya na lumikha


sa iyo, na nag-anyo sa iyo sa sinapupunan.
Isaias 44:2A
Tanong na Dapat Pag-isipan:

Ngayong nalalaman kong ako’y


nilikha ng Diyos sa katangi-tanging
paraan, anong mga aspeto ng aking
personalidad, pinagmulan at pisikal
na kaanyuan ang kailangang
matutunan kong tanggapin?
Tayo ay
magtatapos sa
isang panalangin.

You might also like