sinasalaman ang mga detalye ng isang produkto, okasyon, o miski isang ideya na nais ipalaganap ng isang tao, grupo ng tao, o institusyon. FLYER O LEAFLET
• Sa kasalukuyan, madalas ginagamit ang mga
flyer ng mga negosyo upang magkaroon ng "brand awareness" ang mga tao. • Hal., ang pagpapamigay ng flyer ng mga kumpanyang gumagawa ng condominium sa mga mall at iba pang pasyalan. FLYER O LEAFLET
• Ang isang flyer o manlilipad, na tinatawag din
na isang pabilog, polyeto ay isang anyo ng papel advertisement nilayon para sa malawak na pamamahagi at karaniwang nai-post o ipinamamahagi sa isang pampublikong lugar o sa pamamagitan ng mail. FLYER O LEAFLET • Ang mga flyers o leaflets ay paraan ng patalastas kung saan malikhaing inilalapat sa maliit na papel ang mga detalye ng isang produkto, konsepto, paalala o polisiya. Gaya ng mga komersyal sa telebisyon o radio, maging ng mga poster o billboards sa mga tabing kalsada at establisyemento, ito’y nagbibigay daan upang mas mabilis na maibahagi ang impormasyon sa nakararami. FLYER O LEAFLET • Higit pa dito, hindi tulad ng mga naunang nabanggit na pamamaraan ng pagkuha ng atensyon ng mga tao, ang pamamahagi ng mga leaflets o flyers ay higit na mas mura’t madali. Dahil halos magkatulad ang mga kahulugan, ang mga terminolohiyang “leaflets” at “flyers” ay madalas na ipinagpapalit kaya’t dapat tandaan na mas naayon ang tawag na “leaflet” kapag ang isang flyer ay nakatupi. Dagdag pa rito, kadalasang ipinamimigay ng libre ang mga ganitong mga uri ng patalastas.