You are on page 1of 7

ARALIN1:

KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG
IBONG ADARNA
ANG IBONG ADARNA
• Kaiba sa ibang awit at korido,ay katutubong likha kahit ito ay
hinango sa gawa mula sa EUROPA, ASYA, at AFRICA. Ito ang
pinagkaugaliang libangan ng mga Pilipino noong panahon ng
papanakop ng mga Espanyol.

• Ang akdang ito ay isang KORIDO. Kalimitang nagsisimula sa


panalangin, ang mga paksain ay tungkol sa kabayanihan,romansa,at
mga pangyayaring likha ng mayamang guniguni ng may-akda.Ang
mga taludtod nito ay binubuo ng wawaluhing pantig na apat-apat(8-
4:4) at kung inaawit ay marahang kumpas o andante.
Higit sa lahat,itinataguyod sa akda ang pagbibigay
halaga sa sumusunod na mga elemento:

• PAMILYA: Ipinakikita ang isang pamilyang nagmamahalan,at ang ama ang


siyang may hawak ng kapangyarihan at tagasunod lamang ang kanyang mga
anak.

• LIPUNAN: Inilalahad ang pagkakaroon ng pagtutulungan ng mga


tao,magkakaiba man ang kalagayan sa buhay. Gayundin,ang Berbanya bilang
simbolo ng isang lipunang makatarungan.

• DIYOS: Lahat ng mithiin ay makakamit kung ito ay may kasamang pananalig


sa Diyos. Naipakita rito ang kahalagahan ng panalangin at paniniwala sa Diyos
upang makamit at mapagtagumpayan ang mga adhika sa buhay.
SA HULI,
• Masasabi natin ang IBONG ADARNA ay isang
makabuluhang pagtatangkang magamit ang akda
sa makabuluhang pagtuturo sa mga tao,noon man
o ngayon,at walang makakapantay sa tunay na
pag-ibig, kalinisan ng kalooban, at kadalisayan ng
kaisipan.
ANG IBONG ADARNA BILANG
ROMANSA
• Sa panitikang Pilipino, ang metrical romances ng mga
taga-Europa ay masasalamin sa mga awit at korido.
• ROMANCE MODE: ang pangunahing tauhan ay
maituturing na mas makapangyarihan sa iba at sa
kanyang kapaligiran,kaya nga pati ang pagkilos niya ay
maituturing na kamangha-mangha.
SITWASYON NA MATATAGPUAN SA
KABUOAN NG AKDA:
• Ilan sa mga ito ay ang:

• Nagsasalitang ibon(ADARNA) at iba pang mga hayop


• Mga ermitanyong nagpapagaling ng may sakit
• Higante at nagsasalitang serpiyente
• Pagkakaroon ng daigdig sa kailaliman ng lupa
• Hiwaga ng isang pirasong tinapay na pamatid-gutom sa isang
buwang paglalakbay
• Lobong nauutusan

You might also like