Nakatatanda, at may Awtoridad.” Sapat na ba ang pagtugon ng “po” at “opo” upang maipakita mo ang paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ano ang iyong gagawin kung ang kanilang ipinag-uutos ay labag sa iyong kalooban? Ano-ano ang iyong kailangan isaalang- alang upang maipakita ang marapat na pagsunod at paggalang sa kanila? Sa kasalukuyan, isang malaking hamon ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Nakalulungkot ang mga pangyayaring maraming kabataan na ang napahamak dahil sa kawalan ng kakayahang sumunod at gumalang. Maraming suliranin ang maaaring malunasan kung ang pagsunod at paggalang ay maisasabuhay. Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. PARAAN NG PAGGALANG SA MAGULANG NAKATATANDA AT MAY AWTORDIDAD Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang? 1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon. 2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan. 3. Pagtupad sa itinakdang oras. 4. Pagiging maalalahanin. 5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda? 1. Sila ay arugain at pagsilbihan na isinasaalang- alang ang maayos na pakikipag - usap. 2. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan sa kanilang lalong ikabubuti. 3. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay. 4. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay. 5. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang. 6. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at mapilit sa kanilang nais kainin, inumin o gawin. Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan, kakayahan at damdamin. Paano lubos na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad? 1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad. 2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan. 3. Maging mabuting halimbawa sa kapuwa. 4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya- aya para sa iyo. Paggalang Checklist Panuto: Sa gawaing ito ay iyo namang tutukuyin at kikilalanin ang mga paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad. Isulat sa sagutang papel ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad.Pumili sa Galang Checklist na nakalista sa Matrix. Gawin ito sa sagutang papel. G A L A N G Pagkuha ng Pakikinig sa Pagtulong sa Pagtawid sa Pakikipagusap Pagtaas ng pera sa mga payo ng gawaing bahay maling tawiran. sa kaklase kamay, kapag magulang lolo at lola. sa magulang habang gusting kapag hindi nagtuturo ang sumagot sa nakatingin. guro tanong ng guro.
Pagkalinga sa Pagsagot sa Pagmamano sa Pagsunod sa Paggamit ng Pagbibigay
mga lolo at lola magulang mga mga utos ng salitang “po at pugay sa mga tuwing tuwing nakatatanda mga magulang. “opo” Doktor na nagkakasakit. pinapagalitan. tuwing tumutulong sa makakasalubon may sakit. g.
Pagpapasal Pagsulat ng Pagtugon sa Pakikipag usap Pagpapaala m Pagsunod sa
amat sa masasama pangangailan sa iba habang sa may ari ng mga batas pamahalaa n sa tungkol sa gan ng kinakausap ka gamit kung trapiko. tulong na Gobyerno magulang. ng iyong gusto itong ibinibigay. magulang. gamitin