You are on page 1of 15

WEEK 2

Aralin: Pagpapasalamat, Mahalagang


Sangkap sa Pakikipagkapuwa

Kaugnay na Pagpapahalaga:
Mapagkumbaba
Ang pagiging mapagpasalamat ay isang
magandang birtud na dapat taglayin ng
isang tao.
Kung iyong maipamamalas ang pagiging
isang mapagpasalamat, magiging madali
para sa iyo ang makipagkapwa at
matututo ka na maging
mapagpakumbabang nilalang.
Ang pagpapasalamat ay isang moral na
obligasyon. Ang sinomang nagbibigay ay
nararapat lamang na pasalamatan.
Pagpapakita ng pagiging mapagkumbaba
Ang larawan sa itaas ay hango sa facebook post ng butihing
senador na si Manny Pacquiao. Aniya, nauunawaan niya ang
pinagdadaanan ng mga mahihirap dahil pinagdaanan niya rin
ito. Kaya naman ito ang pamimigay ng bahay at ibang tulong ay
kanyang paraan upang maipakita ang kanyang pasasalamat
para sa lahat ng biyaya na natanggap niya mula sa Diyos. Bukod
pa rito, ang kanyang itinatag na foundation ay namahagi din ng
scholarship at medical assistance para sa mga nangangailangan.
Katulad ni Senador Manny Pacquiao maipamamalas din natin
ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga
kabutihang ginawa ng ibang tao para sa atin at ang kagustuhan
natin na masuklian ang mga ito sa abot na ating makakaya.
Bilang Pilipino, ang birtud ng pasasalamat
ay isa sa mga katangiang binibigyan ng lubos
na pagpapahalaga, dahil kinikilala ang
kabutihan ng kapwa lalo na sa oras ng
pangangailangan..
Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng Kapwa
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong
puno ng biyaya, isang pusong marunong magpahalaga
sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa
kapwa. Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang
pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi lahat ng
mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil
lamang sa sarili mong kakayahan o pagsisikap.
Mahalaga na marunong kang magpakumbaba, at
kilalanin mo na sa tulong ng ibang tao ikaw ay naging
matagumpay.
Ang taong may pasasalamat ay marunong
ding tumingin sa positibong bahagi ng
buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam
niyang may mabuting Diyos na patuloy na
gumagabay sa kaniya.
Ang pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal
at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng
pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula
sa Diyos. Dahil alam mong pasalamatan ang
Diyos na nagbibigay ng iyong mga
pangangailangan at tumutugon sa iyong
panalangin, natututuhan mong gantihan ang
kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa
rin ng Mabuti sa kapwa.
Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat
ay masasalamin sa entitlement mentality. Ito ay
isang paniniwala o pag-iisip na anumang
inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
Makikita rin sa mga kabataan ang entitilement
mentality sa pagiging agresibo nila na makuha
ang kanilang gusto sa panahon o oras na
gustuhin nila. Dahil sa pag-iral ng materyalismo,
inaasahan nila ang kanilang mga magulang na
ibigay ang kagustuhan nila dahil sila ay mga anak
at nararapat na bilhan ng pinakamodernong
gadget tulad ng cellphone, tablet, o laptop. Kung
hindi man nila makuha ang gusto nila, sila pa ang
magsasalita ng masasakit sa kanilang magulang.
TAMA O MALI
GROUP ACTIVITY

Panuto: Basahin ang mga kwento sa ibaba


at punan ng sagot ang tsart batay sa
nabasang mga sitwasyon.
KWENTO PANGUNAHIN SITWASYONG PAANO PAANO KUNG IKAW
G TAUHAN SA KINAKAHARAP NALAMPASAN IPINAKITA ANG NASA
KWENTO ANG BIRTUD SITWASYON
NG PAANO MO
PASASALAMA HAHARAPIN
T ANG
SITWASYON
Gratitude Jar
Sa bawat araw ng iyong buhay, mula sa pinakamaliit katulad ng
pagkakaroon ng bagong gamit o pagkain sa hapag-kainan hanggang
sa mas malalaking biyaya katulad ng pagmamahal na iyong
pamilya o regalo ng pagkakaibigan. Sa gawaing ito, bigyan mo ng
pagpapahalaga ang lahat ng biyayang tinanggap.
Mga kinakailangan kagamitan:
a. Lumang bote
b. Makukulay na papel na may sukat na “2x2”
c. Mga palamuti tulad ng mga lumang butones, beads, ribbon o
glitters
d. Pandikit

You might also like