You are on page 1of 11

MAGANDANG UMAGA!

“Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,


Nakatatanda, at may Awtoridad.”
Sapat na ba ang pagtugon ng “po” at “opo”
upang maipakita mo ang paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad?
Ano ang iyong gagawin kung ang kanilang
ipinag-uutos ay labag sa iyong kalooban?
Ano-ano ang iyong kailangan isaalang-
alang upang maipakita ang marapat na
pagsunod at paggalang sa kanila?
Sa kasalukuyan, isang malaking hamon ang
pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Nakalulungkot ang mga pangyayaring
maraming kabataan na ang napahamak
dahil sa kawalan ng kakayahang sumunod at
gumalang. Maraming suliranin ang
maaaring malunasan kung ang pagsunod at
paggalang ay maisasabuhay.
Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa
salitang Latin na “respectus” na ang ibig
sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,”
na ang ibig sabihin ay naipakikita ang
paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay
ng halaga sa isang tao o bagay. Ang
pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang
nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang.
PARAAN NG PAGGALANG SA MAGULANG
NAKATATANDA AT MAY AWTORDIDAD
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa
mga magulang?
1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.
2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
3. Pagtupad sa itinakdang oras.
4. Pagiging maalalahanin.
5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod
sa mga nakatatanda?
1. Sila ay arugain at pagsilbihan na isinasaalang-
alang ang maayos na pakikipag - usap.
2. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan
at kahilingan sa kanilang lalong ikabubuti.
3. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang
pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
4. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting
halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa
maraming bagay.
5. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya
sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga
karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na
pagdiriwang.
6. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at
mapilit sa kanilang nais kainin, inumin o gawin.
Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan,
kakayahan at damdamin.
Paano lubos na maipakikita ang paggalang sa mga
taong may awtoridad?
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng
Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.
2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may
awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
3. Maging mabuting halimbawa sa kapuwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasya
at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-
aya para sa iyo.
Paggalang Checklist
Panuto: Sa gawaing ito ay iyo namang tutukuyin at
kikilalanin ang mga paraan ng pagpapakita o
pagpapahayag ng paggalang sa magulang,
nakatatanda at awtoridad. Isulat sa sagutang
papel ang mga paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa magulang, nakatatanda at
awtoridad.Pumili sa Galang Checklist na nakalista
sa Matrix. Gawin ito sa sagutang papel.
G A L A N G
Pagkuha ng Pakikinig sa Pagtulong sa Pagtawid sa Pakikipagusap Pagtaas ng
pera sa mga payo ng gawaing bahay maling tawiran. sa kaklase kamay, kapag
magulang lolo at lola. sa magulang habang gusting
kapag hindi nagtuturo ang sumagot sa
nakatingin. guro tanong ng guro.

Pagkalinga sa Pagsagot sa Pagmamano sa Pagsunod sa Paggamit ng Pagbibigay


mga lolo at lola magulang mga mga utos ng salitang “po at pugay sa mga
tuwing tuwing nakatatanda mga magulang. “opo” Doktor na
nagkakasakit. pinapagalitan. tuwing tumutulong sa
makakasalubon may sakit.
g.

Pagpapasal Pagsulat ng Pagtugon sa Pakikipag usap Pagpapaala m Pagsunod sa


amat sa masasama pangangailan sa iba habang sa may ari ng mga batas
pamahalaa n sa tungkol sa gan ng kinakausap ka gamit kung trapiko.
tulong na Gobyerno magulang. ng iyong gusto itong
ibinibigay. magulang. gamitin

You might also like