You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Misamis Oriental
Baliwagan National High School

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Markahan- Pangalawang Linggo
Wikang Pambansa
Inihanda ni:
MARICAR C. RANARA
BALIWAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Wikang Pambansa
- Ang Pilipinas isang kapuluang
binubuo ng iba’t ibang pangkat
ng mga Pilipinong gumagamit ng
iba't ibang wika o dayalekto.

- 150 Wikain na umiiral sa Bansa


TIMELINE SA
PAGKAHIRANG NG
WIKANG FILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA
1934- nagtawag ng isang
konstitusyunal convention at ang isa sa
kanilang pinagtalunan ay kung ano ang
itatatag na wikang pambansa.
Nagkaroon ng pagtatalo, wikang
katutubo vs. wikang ingles. Subalit,
tinaguyod ni Lope K. Santos ang wikang
katutubo sa pamamagitan ng paglagay
ng pamantayan na dapat ang wikang
pambansa ay ibatay sa wikang umiiral.
1935-Saligang Batas 1935,
Articulo XIV, Seksyon 3, Ang
Kongreso “ay inaatasang
magpaunlad at magpatibay ng
pangkalahatang Pambansang
Wika na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika”.
Subalit may iilang nag-giit na
umiiral rin sa kapuluan ang wikang
ingles at espanyol na pinaglaban ni
Norberto Romualdez (Leyte). Sa
panahong ito ay wala pang napipili
na batayan bilang wikang
pambansa at wala pa ring ahensya
ang nabubuo upang ito’y
mapangasiwaan at maipakalat.
BATAS KOMONWELT BLG.184
- Nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
- Pangunahing tungkulin nito ang”mag-aral
ng mga dayalekto sa pangkalahatan para
sa layuning mapaunlad at mapagtibay ng
isang pambansang wikang batay sa isa sa
mga umiiral na wika ayon sa Balangkas,
mekanismo at panitikan na tinatanggap at
sinasalita ng nakakaraming Pilipino
Ang wikang pipiliin ay dapat na
tumugma sa pamantayan :

1. Wika ay sentro ng pamahalaan


2. Wika ay sentro ng edukasyon
3. Wika ay sentro ng kalakalan
4. Wika ng pikamarami at
pinakadakilang nasusulat na
panitikan.
1937: Kautusang Tagapagganap
Blg 134
Wika sa Bisa ng batas na ito ay
ipinahayag ni Pangulong Manuel L.
Quezon na ang wikang pambansa
ay ibabatay sa Tagalog. Ngunit
magkakabisa lamang ang nasabing
kautusan pagkaraan ng dalawang
taon, at ganap masisilayan taong
1940.
1940: Kautusang Tagapagganap Blg
263
Ipinalabas ang Kautusang
Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag ring ituturo ang wikang
pambansa sa mga paaralan sa buong
Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19,
1940.
1946: Araw ng Pagsasarili at Batas
Komonwelt Blg 570 (Hulyo 4, 1946)

Pinagkalooob ng mga Amerikano ang


kalayaan ng Pilipinas.
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg.
570 na nagtadhana na simula sa Hulyo
4, 1946 ang Wikang Pambansa ay isa sa
mga opisyal na wika ng bansa.
Nagkaroon ng 2 opisyal na wika Ingles
at ang wikang pambansa na nakabatay
sa tagalog
1959: Kautusang Pangkagawaran Blg 7
(Agosto 13, 1959)

Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g


Edukasyon, Jose E. Romero ang
Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na
nagsasaad na ang wikang pambansa ay
tatawaging Pilipino. Gagamatin ang
wika sa mga tanggapan, gusali,
passaporte, diyaryo, telebisyon at
komiks.
1973: Saligang Batas 1973, Artikulo XV,
Seksyon 3, Blg 2

Ayon sa Saligang Batas 1973 mayroong


dalawang opisyal na wika- Ingles at
Pilipino. Itinakda rin na ang
Pambansang Assemblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adapsyon ng panlahat sa
Wikang Pambansa- na makikilalang
Filipino.
1987: Saligang Batas 1987, Artikulo
XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2, 1987)

Mula sa Pilipino ay pinalitan ito at


kinilalang Filipino. Nagkaroon ng
dalawang opisyal na wika at ito ay ang
Ingles at Filipino.
Pangkatang Gawain:

Bumuo ng isang jingle video recording


ang mga mag-aaral ng kanilang mga
orihinal na kanta o musikal na
komposisyon na naglalahad ng
kasaysayan ng pambansang wika.
-Ipasa sa email
ad:maricar.ranara@deped.gov.ph on
September 14,2023
RUBRIKS PARA SA JINGLE VIDEO RECORDING

Nilalaman Originalidad Interpretasyon Produksyon Pagkakaroon Kabuuan


(Content) (Performance) (Production) ng Mensahe
(Message)

20 puntos 15 puntos 15 puntos 10 puntos 10 puntos 70


puntos

You might also like