You are on page 1of 39

FILIPINO 5

UNANG LINGGO
Araw 1
Pagbibigay ng
Mahahalagang
Pangyayari/
Pagsagot sa Nabasang
Talaarawan
Balik-aral
Ano ang bar graph ?
Ano naman ang pie graph?
Ano ang talahanayan ?
Ano ang makikiata ninyo sa
larawan ?
Ano ang tawag natin sa mga ito
?
Mayroon ba kayong talaarawan
o diary ?
Ano ang nilalaman ng diary o
talaarawan ?
Ang talaarawan ay isang pang-araw-araw
na tala lalo na ng mga personal na
karanasan, saloobin, obserbasyon at
pananaw. Ito ay sinusulat na parang
nakikipag-usap sa isang tao, na maaaring
tawaging “Mahal kong Diary o
Talaarawan” o maaari ring bigyan ng
pangalan na parang isang tunay na tao
ang sinusulatan.aral na napulot mo sa
alamat?
Maaaring pansariling karanasan at
pananaw lamang ang karaniwang
laman ng talaarawan, ngunit ito ay
depende sa sumusulat at sa kapaligiran
ng pagsusulat. Maaaring kapulutan ang
talaarawan ng mahalagang
impormasyon tungkol sa isang
pangyayari sa kasaysayan.
Pagbasa ng Talaarawan
Pagbasa ng Talaarawan
Huwebes, Hunyo 4, 2020

Hindi ako nakatulog kagabi agad dahil nag-isip ako ng mga


pangalan na ibibigay sa apat naming kuting. Napagkasunduan naming
magkapatid na hati kami sa pagbibigay ng pangalan. Papangalanan ko ang
isa na Kitty at ang isa naman ay si Minnie. Bagay na bagay sa kanila ang
mga pangalan na aking ibibigay. Ano kaya ang ibibigay na pangalan ng
aking kapatid sa dalawa pang natitirang kuting?
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Pagbasa ng Talaarawan
Sino ang nagsasalaysay ?
Kailan ito naganap?
Tungkol saan ang inyong
binasang talaarawan ?
Ang inyong mag-anak ay
namasyal sa probinsiya at nais
mong maalala lagi ang
mahahalagang pangyayari sa
inyong bakasyon, anong uri ng
sulatin ang gagawin mo ?
Ano ang talaarawan ?
Ano ano ang maaaring isulat
mo sa inyong talaarawan ?
Basahin at unawain ang
talaarawan. Sagutin ang mga
tanong.
Naisakay ko ang mga anak ni
Mang Teban, kayâ humimpil
muna ako sa kanilang tindahan
upang doon maghapunan.
Sandali lamang akong
nagpahinga dahil kailangan ko
ring bumalik
agad sa biyahe—uwian naman ng
mga nagtatrabaho ang hinahabol ko.
Doon ako nag-aabang sa sakayan
ng dyip—maraming pasahero na
ayaw nang maglakad kapag
ganitong oras.
Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi.
Tulog na ang mag-iina ko pagdating ko.
Nakakapagod ang biyahe, pero
kinakaya ko pa rin. Mabuti na nga
lamang at maraming pasahero dahil
tuloy-tuloy ang kita. May panahon din
kasi ang hanapbuhay namin—kapag
bakasyon at walang mga estudyante,
mahina ang
kita. Iniisip ko na lang na ginagawa ko
ito para sa aking mag-iina. Sila ang
nagbibigay sa akin ng lakas.
Magpapahinga lamang ako ngayong
gabi. Bukas, magbibiyahe akong muli.
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Ano-ano ang mga ginawa ni
Mang Erning sa buong maghapon?
3. Anong katangian ang taglay ni
Mang Erning?
4. Bakit kaunti lamang ang pasahero ni
Mang Erning kapag tanghali?
5. Bilang isang anak, paano mo
masusuklian ang pagsisikap ng iyong
magulang upang ikaw
ay mabigyan ng maayos na buhay?
Sumulat ng inyong talaarawan sa
loob ng tatlong araw. Ilagay ito
sa kuwaderno sa Filipino.
FILIPINO 5
Linggo 1 – Araw 2
Pagbibigay ng
Mahahalagang
Pangyayari/
Pagsagot sa Nabasang
Talambuhay
Balik-aral
Ano ang talaarawan ?
Ano ano ang makikiata sa
talaarawan ?
Ipaayos ang ginulong titik upang
mabuo ang salitang inilalarawan.
Isang anyo ng panitikan na nagsasaad
ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
batay sa mga tunay na tala,
pangyayari, o impormasyon.
Ano ang inyong nabuong salita ?
Gamit ang KWL chart ay aalamin
natin ang alam ninyo tungkol sa
talambuhay.
Ang talambuhay o biography ay
isang anyo ng panitikan na
nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao batay sa mga
tunay na tala, pangyayari, o
impormasyon.
Ang pagsulat ng isang
talambuhay ay may
dalawang paraan: maaari
itong tungkol sa ibang tao o
kaya sa manunulat mismo.
Basahin ang talambuhay.
Sagutin ang mga tanong
kasunod nito.
Kuwento Ko ‘To: Ang Aking
Talambuhay
Kuwento Ko ‘To: Ang Aking
Talambuhay
Ang pagtuturo sa mga bata ay isang
adhikaing hindi mapapantayan ng
kahit anong bagay. Para sa kaniya, ang
pagiging guro ay hindi lamang
propesyon na nagbibigay ng
kabuhayan, kundi isa itong hangarin
na ninanais
makapagbago ng takbo ng buhay
ng isang bata.
Siya ay panlima sa walong anak
ng abogadong si Benjamin B.
Gagni na taga-Pangasinan at ni
Dolores T. Grafil, isang dating
empleyado ng gobyerno na taga-
lungsod ng Borongan.
Ipinanganak siya noong Disyembre
25, apatnapung taon na ang
nakalipas. Nag-aral siya ng kaniyang
elementarya sa Borongan Pilot
Elementary School. Nagtapos siya
ng sekondarya sa Eastern Samar
National Comprehensive High
School
noong 1996. Pinalad siyang
makapasa sa University of the
Philippines in the Visayas Tacloban
College sa kursong Political Science.
1. Kaninong kuwento ng buhay ang iyong
binasa?
2. Paano niya sinulat ang kuwento ng
kaniyang buhay?
3. Ano ang tawag sa tulad ng iyong binasa
na nagsasalaysay ng kuwento ng buhay?
4. Bakit sinasabing hindi mapapantayan ng
kahit anumang bagay ang pagtuturo sa
mga bata?
Nais mong isulat ang inyong
talambuhay. Ano ano ang mga
dapat mong tandaan sa
pagsulat?
Ano ang talambuhay ?
Sagutin natin ang pangatlong kaho sa
KWL chart.
Pangalan:
Edad:
Petsa ng kapangakan:
Lugar ng kapanganakan:
Pangalan ng tatay:
Pangalan ng nanay:
Tirahan:
Pangarap Sa buhay:

You might also like