Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, may
awtoridad at nakaiimpluwensya sa kapwa kabataan.
ESP GROUP 1 11/18/2023
Ang paggalang sa kapwa ay isa sa mga katangian na dapat nating
gawin bata man o matanda. Ang paggalang sa kapwa at pagsunod sa kanila ay hindi lamang nasusunod para sa mga matatanda kundi para din sa mga kabataan. Ito ay nagdudulot ng tiwala, respeto, at pagkakaisa kung igagalang natin ang bawat isa. Mahalaga din ang pagsunod at paggalang sa mga magulang natin sapagkat ito ay parte sa responsibilidad natin bilang mga anak. Ang mabuting gawain ay ipagpatuloy natin at ituro sa mga susunod na henerasyon upang ang pagiging marespeto, masunurin, at magalang ay magpatuloy.