Filipino 2

You might also like

You are on page 1of 24

FILIPINO 2

Pangganyak na Tanong:
Bakit nagmamadali si Arnel?
Bakit napahinto si Arnel
nang makarating sa
paaralan?
Ang Paalala ni Arnel
Nagmamadali si
Arnel. Tinanghali siya ng
gising. Baka mapagalitan
siya ni
Bb. Ruiz. Alalang-alala
siya.
Halos patakbo niyang narating ang
paaralan kahit na siya’y muntik nang
makagat ng aso dahil hindi niya
napansin ang paalalang “Mag ingat sa
aso.”
Nang makarating siya sa paaralan, agad
siyang napahinto nang makitang itinataas pa
ang watawat at umaawit ng Lupang Hinirang
ang mga mag-aaral. Bigla niyang naalala ang
kaniyang leksiyon sa Araling Panlipunan
kaya’t tumayo siya nang tuwid at inilagay
niya ang kaniyang kamay sa tapat ng
kaniyang dibdib at nakisabay sa pag-awit.
Nang matapos ang flag ceremony,
tinungo ni Arnel ang kanilang silid-
aralan, habang naglalakad nakita niya
ang kaniyang kaklase na si Lito na
nagtapon ng balat ng kendi sa sahig
kaya’t nilapitan niya ito at sinabing,
“Lito, hindi mo ba nakikita ang mga
babala?”
Tumingin sa paligid si Lito at nakita
niya ang mga babala.

Bawal magtapon ng basura dito.

Itapon ang basura sa tamang


lalagyan.
Napahiya si Lito kaya’t dali-dali
niyang pinulot ang balat ng kendi at
agad itong itinapon sa basurahan.
“Arnel, labis akong nahihiya sa aking
ginawa. Salamat at pinaalalahanan mo
ako. Ipinapangako ko na susundin ko
na ang mga babala,” wika ni Lito.
“Walang anuman,” tugon ni Arnel.
At masayang tinungo ng
magkaklase ang kanilang silid aralan
nang may ngiti sa labi.
Pangganyak na Tanong:
Bakit nagmamadali si Arnel?
Bakit napahinto si Arnel
nang makarating sa
paaralan?
Mga Tanong:
Sino ang magkaklase sa kuwento?
Ano ang ginawa ni Arnel nang maalala
niya ang leksiyon sa Araling Panlipunan?
Bakit nilapitan ni Arnel si Lito?
Kung ikaw si Arnel, ganoon din ba ang
gagawin mo? Bakit?
Gaano kahalaga ang
pagsunod sa mga
paalala at babala?
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng
karatula?

Mga babala at paalala ay


dapat sundin sapagkat
dala nito’y kaligtasan
natin.
Pangkatang Gawain
Tandaan:
Babala- pahayag na dapat na
nagpapaalala na mag-ingat
Paalala- nagbibigay ng panuto o
direksyon ng gagawin.
Lagyan ng tsek ang kahon kung ang mga tauhan
ay sumusunod sa babala at paalala at ekis naman
kung hindi.

1. Nag-iingat sa pagtawid sa kalsada si Aljur.


2. Sinusulatan ni Ron ang pader ng palikuran.
3. Itinatapon ni Carl ang balat ng kendi sa
basurahan.
4. Si Jay ay namimitas ng bulaklak sa plasa kung
kailan niya ibig.
5. Pumipila nang maayos si Julles at Gideon sa
pagbili ng pagkain sa kantina.
Takdang Aralin
Magtala ng limang paalala
at babala na makikita sa
mga pampublikong lugar.

You might also like