You are on page 1of 2

Ang Paalala ni Arnel

Nagmamadali si Arnel.
Tinanghali siya ng gising.
Baka mapagalitan siya
ni Bb. Luis. Alalang-alala siya.
Halos patakbo niyang
narating ang paaralan
kahit na siya’y muntik nang
makagat ng aso dahil
hindi niya napansin
ang paalalang “ Mag-ingat sa aso.”
Nang makarating siya sa paaralan, agad siyang napahinto ng
makitang itinataas pa ang watawat
at umaawit ng Lupang Hinirang ang mga mag-aaral. Bigla
niyang naalala ang kaniyang leksiyon sa Sibika kaya’t tumayo
siya nang matuwid at inilagayniya ang kaniyang kanang kamay
sa tapat ng kaniyang dibdib at nakisabay sa pag-awit.
Nang matapos ang flag ceremony tinungo ni Arnel ang
kanilang silid-aralan , habang naglalakad nakita niya ang
kaniyang kaklase na si Lito na nagtapon ng balat ng kendi sa
sahig kaya’t nilapitan niya ito at sinabing, “ Lito, hindi mo ba
nakikita ang mga babala?,” tumingin sa paligid si Lito at nakita
niya ang mga babala . “ Bawal magtapon ng basura dito.” at
“Itapon ang basura sa tamang lalagyan.”
Napahiya si Lito kaya’t dali-dali niyang pinulot
ang balat ng kendi at agad niya itong itinapon sa basurahan. “
Arnel, labis akong nahihiya sa aking nagawa, salamat at
pinaalalahanan mo ako. “Pinapangako ko na susundin ko na
ang mga
babala.”wika ni Lito.
“Walang anuman,” tugon ni Arnel.
At masayang tinungo ng magkaklase ang kanilang silid-aralan
nang may ngiti sa labi.

You might also like