You are on page 1of 9

ANG GAMIT NG GITLING

1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang


pantig ng salitang-ugat

🞆Araw-araw
🞆 Isa-isa
🞆Dala-dalawa
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang
salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig

🞆 pag-ibig
🞆 nag-aral
🞆 tag-init
3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsama

🞆 pamatay ng insekto 🡪 pamatay-insekto


🞆 lakad at takbo 🡪 lakad-takbo
4. Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar,
bagay o kagamitan (brand), ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling

🞆 maka-Diyos
🞆 taga-Baguio
🞆 taga-Luzon
🞆 mag-Sprite
🞆 mag-Ford
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o
tambilang

🞆 ika-3 n.h.
🞆 ika-10 ng Oktubre
🞆 ika-20 pahina
6. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng
praksyon

🞆 isang-kapat (1/4)
🞆 lima’t dalawang-ikalima (5 2/5)
7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng
babae at ng kaniyang asawa

🞆 Gloria Santos-Reyes
🞆 Conchita Ramos-Cruz
8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya

🞆 Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pagbigkas ng mga


salita, parirala at pangungusap.

You might also like