You are on page 1of 26

__ A N __ __ __ L __ __ __ I __

PANANALIKSIK
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.

Isinilang ang gawaing pananaliksik ng


magsimulang magtanong ang mga
sinaunang mga tao sa mundo hinggil sa mga
bagay-bagay at nagsimula ring maghanap
ng mga kasagutan para sa mga
katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang
mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga
bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula
lamang ang tunay na makabagong gawi sa
pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noong
mga 1500.
PANANALIKSIK
Mga Uri ng Pananaliksik

Pang-akademya
Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sapagkat isinasagawa ito ng
mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik.
Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga
takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng
mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga
talaan. Ginagamit din ang gawaing ito ng mga manunulat ng mga hindi
kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang
kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.
Mga Uri ng Pananaliksik

Pang-agham
Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang
siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham
na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga
pagkaunawa sa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at
iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring
maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas
ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na
mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga
pagkain sa mga bukirin.

Pampamilihan

Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at


sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano
ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang
pagkatapos ng kanilang mga trabaho.
Mga Uri ng Pananaliksik

Pang-edukasyon

May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri
ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.

Pangkasaysayan

Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na
talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay,
mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga
alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga
arkeologo.
Pangwika

Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang


kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa
wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga
mamamayang nasa isang pook.
Indibidwal na GAWAIN

GUMAWA NG CONCEPT
MAP/CLOUD MAP
TUNGKOL SA KATUTURAN,
KAHALAGAHAN/LAYUNIN
AT URI NG PANANALIKSIK.
MARAMING
SALAMAT AT
MAGANDANG
ARAW!!!

You might also like