You are on page 1of 31

C a t c h Up

Fr i d a y
Pagbasa ng mga kwento

Pagbasa ng mga salitang may


tatlong hanggang apat na pantig
Ano-ano ang ginagawa mo
tuwing araw ng Sabado?
Katulad din ba ng kay Ian?

Basahin natin sa kuwentong


“Ang Sarap Talaga”.
Ang Sarap Talaga!
Ako si Ian. Ang tawag nila sa akin ay
Ian Masipag. Sa umaga, pagkagising ko
agad kong inaayos ang aking higaan at
mag-isa na akong maglilinis ng aking
katawan.
Habang naghihintay ako na maluto
ang aming almusal, tinutulungan ko si
Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa
aming hardin.
Kapag si Ate naman ay nakikita kong
naglilinis sa loob ng aming
bahay, tinutulungan ko siya sa
pagpupunas ng mga mesa.
Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa
pagpapakain ng kaniyang mga alagang
manok.
Pagkatapos naming kumain ng
almusal, ako lagi ang tagalinis ng mesa.
Matapos kong tulungan ang aking
pamilya, lalabas na ako ng aming
munting bahay upang makipaglaro sa
aking mga kaibigan. Ang sarap talaga
kapag araw ng Sabado!
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang ginagawa ni Ian pagkagising
niya?
2. Ano ang ginagawa niya habang
naghihintay na maluto ang almusal?
3. Paano niya tinutulungan ang kaniyang
Ate?
4. Ano ang ginagawa ni Ian at ng
kaniyang Tatay?
5. Saan pumupunta si Ian matapos ang
kumain ng agahan?
6. Dapat bang tularan si Ian?Bakit?
Basahin muli ang kuwento ni Ian.
Tukuyin ang mga salitang ginamit dito
na may tatlo at apat na pantig.
Tatlong Pantig Apat na Pantig
Masipag kaibigan
umaga naghihintay
katawan nakikita
almusal pagdidilig
pamilya inaayos
DIFFERENTIATED
ACTIVITIES
Laro

Pangkat 1: Intervention Group

Oo o Hindi (YES/NO)
Maghanda ng mga salitang may tatlo
hanggang apat na pantig. Isulat ito sa papel
o flashcard. Tutukuyin ng bata kung ang
salitang babasahin ng guro ay may tatlong
pantig o hindi. Maglagay ng linya sa gitna.
Sa magkabilang bahagi lagyan ng oo at
hindi.
Pangkat 2: Enhancement Group
BUUIN MO

Pangkatin sa dalawa.
Bigyan ng mga kataga ang mga bata na
aayusin nila upang makabuo ng salita.
Pangkat 2: Enhancement Group
BUUIN MO

Pangkatin sa dalawa.
Bigyan ng mga kataga ang mga bata.
Unahan sa pagbuo ng mga salita na may
tatlo o apat na pantig sa loob ng ibibigay na
oras.
Pangkat 3: Enrichment Group
HULAAN MO
Pangkatin sa dalawa.
Maghanda ng mga salitang may tatlo o apat na
pantig sa flahcard. Unahan ang bawat pangkat
sa paghanap ng mga salitang tumutukoy sa
ibibigay na kahulugan ng guro.
PANGKATANG PAGBASA NG KWENTO

Basahin ang kuwento.

Nang Tumawa si Lolo Tasyo


Jasmin Flores
Isulat sa loob ng kahon ang mga
salitang ginamit sa binasang kwento
ayon sa hinihinging bilang ng mga
pantig.
Tatlong Pantig Apat na Pantig
Snake and Ladder

Tumawag ng tatlong bata na maglalaro.


REPLEKSYON
Kamusta ang iyong karanasan sa
pagbabasa ngayong araw?

Ngayong araw, ang aking binasa ay


tungkol sa _________________.
Ang pinakagusto kong bahagi ng ginawa
namin ngayon ay
____________________.

You might also like