You are on page 1of 13

MGA PANG-UGNAY NA

GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG SANHI
AT BUNGA,
PANGHIHIKAYAT AT
PAGPAPAHAYAG NG
SALOOBIN
PANG-UGNAY

• Mga salitang pangkayarian na


nagkakabit o nagdurugtong ng salita sa
iba pang salita.
• Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t
ibang pang-ugnay ay higit na
nabibigyang-diin ang layunin sa
pagpapahayag .
1. PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG SANHI AT BUNGA
Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan:
Sapagkat
Pagkat
Dahil
Dahilan sa
Palibhasa
Kasi
naging
1. PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG SANHI AT BUNGA

Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta


Kaya
Kaya naman
Dahil dito
Bunga nito
tuloy
HALIMBAWA:

• Dahil sa malakas na lindol kaya naman maraming


gusali ang nasira.
• Palibhasa hindi siya tumitingin sa kanyang
dinadaanan ay dahilan nito ng pagkahulog niya sa
kanal.
• Dahil sa gabi na siyang umuwi kaya naman
pinagalitan siya ng kanyang ina.
2. PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA
PANGHIHIKAYAT
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon
 Totoo
 Oo
 Mabuti
 Sigurado
Halimbawa:
Ang kabayanihan ng dalawa ay totoong nakatulong ito sa kaayusan ng lugar.
Sigurado akong tatahimik na ang pulong Mindanaw dahil may bayani nang
handang magligtas
2. PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA
PANGHIHIKAYAT
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol:
 Hindi
 Ngunit
 Subalit
 Datapwat
 Bagamat
Halimabawa:
Ang nangyaring paglusob ng mga halimaw ay lubhang nakakatakot ngunit
nandoon ang dalawang bayani na handang lumaban para sa ikaliligtas ng lahat.
3. PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA
PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN
 Sa palagay ko
 Hinuha ko
 Kapag
 Pag
 Kung
 Gayon
 Sana
 Basta
Halimbawa
Sa palagay ko ang kanyang ginawa ay tama.
• Ano ang mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at
bunga?
• Ano ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
panghihikayat na pagtutol at pagsang-ayon?
• Ano ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagpapahayag ng saloobin?
I. Salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay sa bawat
pangungusap.
1.Ang dalawang bayani ay nanalo laban sa mga halimaw dahil sa
kanilang tibay at lakas ng loob.
2. Dahil sa kabayanihan ni Indarapatra at Sulayman ay naging
payapa ang kanilang lugar.
3. Sa palagay ko, ang pagmamahal sa kapwa ang nanaig sa kanila.
4. Hindi naman mananalo ang dalawang magkapatid kung wala
silang pananalig sa kanilang Bathala.
5. Nanalangin nang mataimtima si Inadarapatra sa Bathala para
buhayin ang kanyang kapatid.
6. Sa totoo lang, kahnga-hanga ang epikong Indarapatra at
Sulayman.
7. Sapagkat humanga ang diwata kay Indarapatra ay
pumayag siyan pakasalan niya ito.
8. Namuhay nang masagana sina Indarapatra subalit
nanatili na lang siya sa bayang iyon ng Pulo ng Mindanaw at
hindi na bumalik sa kanilang lugar.
9. Kung gayon, masasabi ko na isang matagumpay na
bayani ang magkapatid dahil sa ipinakita nila.
10. Sana ay lahat tayo ay magkaroon ng hilig sa pagbabasa
ng mga Epiko
Susulat ng Iskrip na nakapokus lamang sa
natatanging katangian ng mga pangunahing
tauhan ng epiko (Indaraptra at Sulayman).
Itatanghal o isasadula ang ginawang iskrip na
hindi lalagpas sa limang minuto.

You might also like