You are on page 1of 46

Yunit 15: Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Aralin 2
Mga Bahagi ng Panukalang
Proyekto

Filipino sa Piling Larang


Senior High School Applied - Academic
Panukalang
proyekto bilang
isang sulating
akademiko . . .

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 2


● naiisa-isa ang mga bahaging
bumubuo ng panukalang
Layuning proyekto, at
Pampagkatuto ● natutukoy nang wasto ang
mga bahagi ng panukalang
Pagkatapos ng
araling ito, ikaw proyekto batay sa masusing
ay inaasahang pagsusuri ng nilalamang
impormasyon.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 3


Ano ang
kaibahan ng
panukalang
proyekto sa
iba pang
anyo ng
akademikong
sulatin?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 4


Ano-anong aspekto ng
pagsasagawa ng isang proyekto
ang sa palagay mong
pinakamainam na nilalaman ng
panukalang proyekto?

5
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

● Pahina ng pamagat (panakip)


● Abstrak (executive summary)
● Kaligiran ng suliranin
● Mga pangkalahatan at tiyak na layunin
● Mga makikinabang o pakay na pangkat
● Mga tinatanaw na gawain at bunga

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 6


Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

● Talatakdaan
● Ang organisasyon (pagkakakilanlan)
● Mga gastos at benepisyo
● Pagmamasid at pagsusuri
● Pag-uulat
● Mga kalakip

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 7


Pahina ng Pamagat (Panakip)
Isang pahina lamang itong nagsisilbing panakip
na pahina at naglalaman ng sumusunod na
impormasyon hinggil sa proyekto:
● petsa;
● pamagat ng proyekto;
● mga lokasyon ng proyekto; at
● pangalan ng organisasyon.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 8
Abstrak (Executive Summary)
Ito ang bahaging binabasa ng potensiyal na
maging tagapondo ng proyekto at maaaring
pagbatayan ng inisyal na pasya—maaaring
pag-isipan ang pagtulong sa proyekto o hindi.
Pinakahuli itong isinusulat sapagkat
nakabatay ito sa pangkabuuang lahad ng
panukala.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 9
Kaligiran ng Suliranin

Ito ang bahaging nagbibigay-katwiran sa


pangangailangang maisakatuparan ang
proyekto. Kailangang mailarawan nang mabuti
ang kasalukuyang kalagayan, sampu ng mga
bunsod pang salik na pangyayaring nagtutulak
sa pag-iral ng kondisyon.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 10


Kaligiran ng Suliranin

❏ Pagkilala sa suliranin
❏ Mga bunsod na pangyayari
❏ Iba pang mga dahilan sa paggawa ng
panukala
❏ Mga estratehiya

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 11


Pangkalahatan at Tiyak na Layunin
Tinutukoy ng pangkalahatang layunin ng
proyekto ang pagnanais na malunasan ang
problema o matugunan ang suliraning
isinasaad sa bahaging Kaligiran ng Suliranin.
Nakatanaw ang mga pangkalahatang layunin
sa pangmahabang panahon at malawak na
adhikain.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 12
Pangkalahatan at Tiyak na Layunin
Samantala, ang mga tiyak na layunin ay dapat
na napatutunayan, nasusukat, may
katapusan, at may tiyak na petsang
maisasakatuparan. Kailangang sumasalamin
ang mga ito sa mga inaasahang bunga at
tagumpay ng proyekto at hindi batay sa kung
paano iyon makakamit.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 13
Ayon kina Miner at Miner (2008), kinakailangang
maging SIMPLE ang pagbuo ng layunin ng isang
panukalang proyekto.

● Specific – Tiyak ang pagkakasaad ng bawat


nais na makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 14


● Immediate – Tiyak ang mga petsa ng
aktibidad, mula sa simula hanggang sa
katapusan ng proyekto.
● Measurable – Mayroong batayan, kayang
patunayan, at nasusukat ang mga nais
isakatuparan sa ilalim ng proyekto.
● Practical – Tumutugon ang mga layunin sa
pangkalahatang pagresolba sa suliraning
nais tugunan ng proyekto.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 15
● Logical – Tumutukoy sa kung paano
makakamit nang ganap ang proyekto.
● Evaluable – May kakayahang masuri ang
kabuuan ng proyekto mula sa iba’t ibang
aspekto ng paglulunsad nito, lalo na sa
ibinunga nitong kapakinabangan sa
komunidad.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 16


Makikinabang o Pakay na Pangkat
Mas detalyadong inilalarawan dito ang mga
pakay na pangkat na makikinabang sa
proyekto, gayundin ang mga di-tuwirang
makikinabang sa isasagawang proyekto.
Isinasaad dito ang buong detalye ng kanilang
bilang, mga katangian, dahilan ng kahinaan,
tirahan, at iba pang kaugnay na impormasyon.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 17
Mga Tinatanaw na Gawain at Bunga
Dito isinasaad ang impormasyong tumutugon
sa mga detalye ng pagkukunang-yaman ng
proyekto pagdating sa pera o pondo, tauhan,
at mga gawain. Mahusay ang isang
panukalang nagtatala ng tatlo hanggang apat
na pagpipiliang estratehiya para maabot ang
mga tiyak na layunin.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 18
Mga Tinatanaw na Gawain at Bunga

Susundan ito ng iba’t ibang tiyak na aktibidad


na dapat maumpisahan at maisagawa bilang
nakapaloob na pamamaraan ng
aktuwalisasyon sa napiling estratehiya upang
maabot ang layunin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 19


Talatakdaan
Inilalahad dito ang sunod-sunod na mga
aktibidad na tutupad sa mga tiyak na layuning
itinakda para sa proyekto. Hangga't maaari,
tiyak na petsa ang inilalagay. Isinasama rin sa
plano ng trabaho (work plan) ang mga yugto ng
proyekto at kung paano ito nagpapatuloy mula
sa isang bahagi patungo sa susunod.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 20
Ang Organisasyon (Pagkakakilanlan)
Ipinakikilala rito ang mga pangkalahatan at
tiyak na layunin ng organisasyong
nagsusulong ng proyekto. Iniuugnay ang mga
ito sa mga karanasan nito sa paglunas ng mga
katulad na suliranin, ang saklaw ng kakayahan
nito, at ang mga pinagkukunang-yaman sa
pagsasagawa ng iba’t ibang proyekto.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 21
Mga Gastos at Benepisyo
Hindi ito pangkaraniwang tala ng mga halagang
perang gagastusin para sa isang proyekto.
Bagkus, mapanuri ito at nakaugnay sa
impormasyong nakalatag sa mga naunang
bahagi ng panukala. May kani-kaniyang
paliwanag ang bawat uri ng gastusin kaugnay
ng gamit nito sa proyekto at bakit ito kailangan.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 22
Pagmamasid at Pagsusuri

Bahagi pa rin ng panukala ang pagsubaybay


dahil kabilang ito sa mga aktibidad ng
proyekto. Bahagi ito ng tuloy-tuloy na
pagsusuri ng sariling gawain, lalo na ng
pangkat-tagapangasiwa o tagapaglunsad ng
proyekto.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 23


Pag-uulat
Ulat ito ng pagtutuos ng pondo at pagkakaroon
ng pananagutan sa mga ito. Dapat na tukuyin
kung gaano kadalas, kanino ipadadala, at ano-
ano ang kasama sa ulat. Bukas ito sa mga
alternatibong paraan at mapagpaubaya sa mga
donor sa pagtatakda ng sistema ng pag-uulat
batay sa sariling kahingian.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 24
Mga Kalakip

Binubuo ang bahaging ito ng mga


dokumentong naglilinaw at detalyadong
sumusuporta sa mga nilalaman ng iba’t ibang
bahagi ng panukala.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 25


Paano mo gagawan ng
panukalang proyekto ang mga
proyektong inilulunsad sa loob ng
paaralan?

26
Payak na Balangkas

● Pamagat
● Tagapangasiwa ng Proyekto/Nagpadala
● Kategorya ng Proyekto
● Petsa

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 27


Payak na Balangkas

● Kaligiran ng Suliranin (Rationale)


● Mga Layunin
● Plano ng mga Dapat Gawin
● Badyet
● Pakinabang

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 28


Batay sa iyong interes at
sariling adbokasiya, anong uri
ng proyekto ang sa palagay mo
ay napapanahong gawan ng
panukala?

29
Pamagat

Kailangang natutukoy na agad dito ang


mahahalagang baryabol na sinasaklaw ng
paglulunsad ng proyekto.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 30


Tagapangasiwa ng Proyekto

Tumutugon ito sa pagkakakilanlan ng tao o


organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Inilalagay sa bahaging ito ang impormasyon
ng lokasyon, email, numero ng telepono, at
lagda.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 31


Kategorya ng Proyekto

Tinutukoy rito ang uri ng proyektong ilulunsad:


kung ito ba ay isang seminar, kumperensiya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto,
programang outreach, o iba pa.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 32


Petsa

Inilalagay rito ang petsa ng pagpapadala ng


panukala, kasama na ang inaasahang haba ng
panahon upang maisakatuparan ang
proyekto.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 33


Kaligiran ng Suliranin (Rationale)

Inilalahad dito ang mga salik at kondisyong


nagtutulak sa pangangailangang
maisakatuparan ang proyekto, kasama na ang
bawat isang aspektong nais tugunan ng
proyekto kaugnay sa umiiral na kalagayan ng
sektor o komunidad na makikinabang.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 34


Mga Layunin
Iniisa-isa rito ang mga tiyak na layuning nais
matamo sa pagsusulong ng paksang
proyekto. Kinakailangang magsilbi ang mga
tiyak na layuning ito sa pangkalahatang
layunin ng proyekto, na tumutugon naman
kadalasan sa pangkalahatang ideya ng
proyektong mapupuna na rin sa pamagat.
PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 35
Plano ng mga Dapat Gawin

Dito ibinabahagi ang mga hakbang na


isasagawa upang matamo ang mga tiyak na
layuning nakaangkla sa proyekto at
matugunan sa pangkabuuan ang suliraning
nilulutas.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 36


Badyet

Ito ang tala ng mga gastusing kailangang


paghandaan sa pagsasakatuparan ng bawat
aspekto ng proyekto. Kailangang pangkatin ang
mga gastusin ayon sa uri saka sumahin sa
pangkalahatan. Karaniwang inilalapat ito sa
dayagram para madaling unawain at makita.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 37


Pakinabang

Mahalagang bahagi ito ng panukalang


proyekto sapagkat dito naiisa-isa ang mga
kapakinabangang dulot ng bawat aktibidad sa
ilalim ng proyekto.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 38


Bakit isang malaking hamon para
sa manunulat ang pagbuo at
paglikha ng isang mahusay at
mabisang panukalang proyekto?

39
Gawin Natin!

Bumuo ng pangkat na may tig-aapat na kasapi.


Sa isang kalahating bahagi ng manila paper,
bumuo ng sariling balangkas para sa isang
panukalang proyektong may paksang “Pagbasa
bilang Pag-asa para sa Kabataang Filipino.”

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 40


Sa iyong palagay, paano
nakatulong ang pagkakahati-hati
ng mga nilalaman ng
panukalang proyekto sa iba’t
ibang bahagi upang mas
epektibo ang paghahain nito ng
mungkahi sa pag-uukulan?
41
1. Paano isinusulat ang isang buong
panukalang proyekto?
2. Ano ang susing kaibahan ng panukalang
proyekto sa iba pang anyo ng akademikong
sulatin?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 42


Bakit mahalagang nalalaman ng mga mag-aaral
ang mga konseptong kaugnay ng balangkas ng
isang panukalang proyekto?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 43


Paglalahat

Malaki ang papel ng panukalang


proyekto bilang kasangkapang
suporta sa pagsasakatuparan ng
isang proyekto.

44
Paglalahat

Napalulutang ang bisa at husay ng


proyekto kung matamang napag-
iisipan at matalinong naihahain ang
plano sa pamamagitan ng panukalang
nagtatampok ng siksik na
impormasyon at tapat na adhikain.

45
Bibliyograpiya

Alonzi, Alta. “What is a Project Proposal.” Nakuha noong Hunyo 8, 2020.


https://proposalsforngos.com/what-is-a-project-proposal/

Cosico, Lina. “Mga Panukala para sa Pangangalap ng Pondo.” Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/res-prtt.htm

Miner, Jeremy, at Lynn Miner. “Proposal Planning & Writing.” The University of Michigan:
The Greenwood Press, (2008).

Nebiu, Besim. “Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing.” Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://documents.rec.org/publications/ProposalWriting.pdf

“Project design and proposal writing workshop for indigenous people’s groups and partners.”
Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://eeas.europa.eu/archives/delegations/philippines/documents/more_info/coop_news/qop_en.pdf

46

You might also like