You are on page 1of 12

Peace Education 4

Theme:Community Awareness
Sub-theme: Compassion

Paggalang at
Pagdamay sa
Katutubo at Dayuhan
• Ikaw ba ay nakakita na ng mga
dayuhan o katutubo sa inyong
komunidad?

• Paano mo sila pinakitunguhan?


Paano mo ipinakikita ang
pagmamalasakit sa kanila ?
Gamit ang graphic organizer tukuyin ang mga paraan kung paano mo maipapakita ang
mabuting pagtanggap at paggalang sa mga dayuhan at mga katutubong ngayon mo lang
nakasalamuha.
Masdan/Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Ano ang
ipinakikita nito ?
Paano mo maipakikita ang
paggalang at pagpapahalaga sa mga
taong katulad nila ?
Basahin ang tula sa ibaba at Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.

Dayuhan o Katutubo Man


ni: Reicy L. Due
Paggalang sa kapuwa,
Ay laging isagawa,
Sila man ay dayuhan,
O katutubo man.
Sa kanilang paniniwala,
Maging sa kaugalian man,
Huwag nating maliitin,
Kagalakan ang ipakita mula sa atin.
Huwag silang tawanan,
Bagkus ay igalang,
Sila ay kausapin,
Nang wasto at naaayon lang.
Tratuhin natin sila,
Nang pantay at tama,
Sa araw-araw ating pakatandaan,
Paggalang sa kapuwa ay ating pahalagahan.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang binasa.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Tungkol kanino ang tula?
3. Ano-ano ang ating dapat gawin sa kanilang mga kaugalian at
paniniwala?
4. Makasasakit ba tayo ng damdamin nila kapag tinawanan
natin sila sa mga nakagisnan nilang mga ugali at paniniwala?
Ano kaya ang dapat nating gawin para hindi natin masaktan ang
kanilang mga damdamin?
5. Bakit kailangan nating igalang ang kanilang mga paniniwala at
mga kaugalian?
Basahing mabuti at unawain ang mga sitwasyong
nakasaad sa unang column at isulat naman sa
ikalawang column kung ano ang dapat mong
gawin kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon.
Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Respeto at Paggalang
Tayo ay maging (1) _____________sa mga (2) _____________at mga
dayuhan, Tanggapin sila nang may buong (3) _______________,
(4) _______________ at makipagkuwetuhan, Lalo na at ito’y tungkol
sa (5) _______________. Sila ay may sariling mga (6)
_______________ at mga paniniwala, Kaya (7)_______________
natin anumang ritwal ang kanilang ginagawa, Huwag natin silang
(8)_______________, bagkus ay (9)______________, Dahil kagaya
mo, sila’y mga tao rin na dapat (10) _______________
1. Iguhit ang mga hugis na nasa kabilang pahina at isulat ang mga salitang
nakasulat sa loob ng bawat hugis.
2. Sundin mo lamang ang bawat nakasaad sa bawat bilang .
2.1. Kulayan ng pula ang hugis puso, at ilagay ang iyong pangalan sa
patlang sa loob nito.
2.2. Kulayan ng dilaw ang parihaba kasama pati ang mga kuwadrelateral
na nasa gilid nito.
2.3. Kulayan ng asul ang hugis tatsulok.
2.4. Kulayan ng berde ang dalawang silinder.
2.5. Sa huling kuwadrelateral sa ibaba, isulat ang iyong pirma o lagda sa
patlang, pagkatapos ay kulayan.
3. Pagkatapos mong gawin ang mga panuto na nasa itaas. Iyong isaulo ang
mga nakasulat sa nabuo nating dibuho maliban lang sa salitang lagda.

You might also like