You are on page 1of 7

CHRISTOPHER P.

ALIPIO, MD, DSBPP,FPPA


Department of Psychiatry

ANXIETY DISORDER
Ang Anxiety Disorder ay isang grupo ng
karamdamang pang-kaisipan (Mental Disorder)
kung saan ang tao ay nakakaramdam ng
pagkabalisa, kaba o nerbiyos (nervousness) sa
mga bagay na maaring nakikita o nararanasan sa
totoong buhay, o mga bagay na paulit-ulit nilang
naiisip
• Maraming mga karamdaman na kabilang sa
grupo ng Anxiety Disorders. Ang mga halimbawa
ay: Social Anxiety (Takot na makisalamuha sa
ibang tao o mag-tanghal — halimbawa: mag-
recite sa harap ng klase); Phobia (nakaka-
paralisang takot sa isang bagay — halimbawa:
Phobia sa paglangoy); o Panic Disorder (sobrang
balisa o kaba na umaatake na lang bigla). Isa isa
nating tatalakayin ang mga ito sa iba pang mga
posts.
• Kung ang nararamdaman mong kaba ay
nakaka-apekto sa mga gawain mo sa araw-
araw (halimbawa: di ka na makasakay ng
jeep dahil sa takot na atakihin ka ng
nerbiyos), mas makakabuti na kumonsulta
ka sa mental health professional para ikaw
ay matulungan
• Oo. Maraming paraan na ito ay magamot.
Ang kombinasyon ng oral medications
(tableta, etc) at psychotherapy lalo na ang
CBT (Cognitive Behavioral Therapy, isang
pamamaraan ng psychotherapy, ay maganda
ang epekto para matalo ng isang tao ang
kanyang anxiety)
• Karaniwan, marami sa pamilya ang nerbiyoso rin.
Hindi namamana ang sakit mismo kungdi ang
potensyal. Mataas ang tsansa (chance) kung
meron kang first-degree relative (magulang,
kapatid) na merong diagnosed na Anxiety
Disorder. Dahil may genetic component (Lahi)
ang Anxiety Disorder, kung may partikular na
gamot na hiyang sa iyong kamag-anak na may
Anxiety, mataas ang tsansa na ito ay maging
epektibo rin sa iyo.
MGA TANONG:

1. Ano ang Anxiety Disorder?


2. .Ano ang Panic Disorder?
3. .Ano ang Social Anxiety?
4. .Ano ang Phobia?
5. Nagagamot ba ang Anxiety Disorder?

You might also like