You are on page 1of 22

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 8
EMOSYON
Ano ang Emosyon?
 Ito ay tugon o reaksiyon ng tao
sa mga bagay na kanyang
nakikita, nararamdaman, naamoy,
nalasahan, at narinig na
binibigyan ng interpretasyon ng
pag-iisip.
 Ito ay damdamin ng tao.
 Ito ay hindi basta-bastang
napapamahalaan.
Hindi madaling
kontrolin ang emosyon
ng tao ngunit maari
itong magawa sa
pagkakaroon ng mga
pagpapahalaga.
Dito pumapasok ang
konsepto ng katatagan ng
loob (fortitude) at
kahinahunan (prudence).
Ang katatagan o fortitude ay ang
pananatiling malakas o matibay sa kabila
ng mga sakit at pagsubok na nararanasan.
Kahinahunan o prudence naman ay
ang pagiging marahan o hindi padalos-
dalos o pabigla bigla sa pagpapasiya at
pagkilos.
Makatutulong sa pag-unawa mo ng
nararamdaman ang pagkakaroon ng
kaalaman sa mga uri ng damdamin.
Apat na uri ng
Damdamin
(Scheler)
Pandama (Sensory Feelings)
 Ito ay tumutukoy sa limang
karamdamang pisikal o mga panlabas na
pandama na nakapagdudulot ng
panandaliang kasiyahan o paghihirap ng
tao. Kabilang dito ang pang-amoy,
paningin, pandinig, panlasa at pansalat.
Pandama (Sensory Feelings)
 Pagkauhaw
 Pagkagutom
 Kalasingan
 Halimuyak
 Panlasa
 Kiliti
 Kasiyahan
 Sakit
Kalagayan ng Damdamin
(Feelings State)
 Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang
kalagayan na nararamdaman ng tao.

 Kasiglahan
 Katamlayan
 May gana
 Walang gana
Sikikong Damdamin (Psychical
Feelings)
 Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa
kaniyang paligid. Ito ay naiimpluwensyahan ng
kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin.
 Kaligayahan
 Kalungkutan
 Kasiyahan
 Pagdamay
 Poot
Ispiritwal na damdamin
(Spiritual Feelings)

 Nakatuon sa paghubog ng
pagpapahalaga sa kabanalan tulad
ng pag-asa at pananampalataya.
Mga Pangunahing
Emosyon
Mga Emosyon na Nakasisiya
 Pagmamahal (Love)
 Paghahangad (Desire)
 Pagkatuwa (Joy)
 Pag-asa (Hope)
 Pagiging Matatag (Courage)
Mga Emosyon na
Nagpapahirap ng Damdamin
 Pagkamuhi (Hatred)
 Pag-iwas (Aversion)
 Pagdadalamhati (Sorrow)
 Kawalan ng Pag-asa (Despair)
 Pagkatakot (Fear)
 Pagkagalit (Anger)
Sa pamamagitan ng Emosyon
ay:
 Nababatid ng tao ang nangyayari sa
kaniyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip.
 Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos
kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin.
 Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang emosyon na hindi
napamahalaan ay maaring
hindi maganda ang
impluwensya sa ating mga
kilos at pagpapasiya sa
sitwasyong may krisis,
suliranin o pagkalito.
Nakita ng mga ilang siyentipiko
tulad nina Solevey, Gardner, at
Goleman ang kahalagahan ng emosyon
sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag
napagtagumpayan ng tao ang
pamamahala ng kaniyang emosyon,
nangangahulugan na mataas ang
kaniyang EQ o Emotional Quotient.
Ano ang Emotional Quotient (EQ) o
Emotional Intelligence?
Ito ay ang kakayahan na makilala
ang ating sariling mga damdamin at ng
iba, para sa pag-udyok sa ating sarili,
at para sa pangangasiwa ng mga
emosyon sa ating sarili at sa ating
mga relasyon. Ito rin ay naglalarawan
ng mga kakayahan na naiiba mula sa
akademikong katalinuhan.
5 Pangunahing Elemento ng EQ
(Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon.
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
3. Motibasyon.
4. Pagkilala at Pag-unawa sa damdamin
ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan.
TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng emosyon na nais
mong maranasan ngayong 2023?

Rubric sa Paggawa ng Poster


Batayan 4 3 2 1
Kaugnayan sa paksa Ang poster ay Ang poster ay Ang poster ay Ang poster ay hindi
nagpapakita ng nagpapakita ng pag- nagpapakita ng nagpapakita ng pag-
mahusay na pag- uugnay sa paksa. maliit na pag-uugnay uugnaysa paksa.
uugnaysa paksa. sapaksa.

Pagkamalikhain Nakalikha ng orihinal Nakalikha ng poster Nakalikha ng poster Nakalikha ng poster


na poster at at naipabatid ang ngunit hindi ngunit hindi
naipabatid ang mensahe rito. naipabatid ng naipabatid ang
mensahe rito. lubusan ang mensahe rito.
mensahe rito.
Dating (Impact) Nakatawag agad ng Nakatawag ng pansin Nakatawag ang Ang poster ay hindi
pansin ang poster ang poster dahil sa poster ng kaunting nakatawag ng pansin
dahil sa disenyo. disenyo. pansin dahil sa dahil sa disenyo.
disenyo.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig 

You might also like