You are on page 1of 27

Panimula

• Pinagtuunan sa nakaraang
markahan ang pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
• Lubhang mahalaga ang maayos
na ugnayan ng lahat ng sektor
ng ekonomiya upang ganap na
matamo ang pambansang
kaunlaran.
Mga sektor ng ekonomiya
atbp.

Paglilingkod Impormal
Industriya
na
Sektor*

Kalakalan
g
Agrikultura Kaunlaran *
Panlaba
s
Mga sektor ng ekonomiya
• May mahahalagang papel na ginagampanan ang
mga sektor ng ekonomiya (agrikultura, industriya, at
paglilingkod), gayundin ng impormal na sektor at
kalakalang panlabas; upang maisakatuparan ang
pagkakamit ng pambansang kaunlaran.
• Lahat ng mamamayang Pilipino ay may mga
tungkuling dapat gampanan upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
Mga sektor ng ekonomiya
• Primarya (agrikultura) – paglikha ng pagkain at mga
hilaw na materyales.
• Sekundarya (industriya) – pagpoproseso sa mga hilaw
na materyales, konstruksyon, pagmimina, at paggawa ng
mga kalakal.
• Tersarya (paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto ng
produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng
kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito ang
transportasyon, komunikasyon, pananalapi, kalakalan at
turismo.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
(Merriam-Webster)
• Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng
pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay,
at pananamantala. (Fajardo, 1994)
Alin sa mga sumusunod ang masasabing
may pag-unlad sa kanyang buhay?
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Malaki ang pagkakaiba ng pagyaman sa pag-unlad.
Ang pagyaman ay ang paglago ng yaman o pagdami
ng pera. Ang pag-unlad ay ang pagkakaroon ng
maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng mataas
na kalidad ng buhay (quality of life) at kalayaang
magpasya (freedom of choice).
• Sa makatuwid, hindi lahat ng mayaman ay may
maunlad na buhay.
Dalawang Magkaibang
Konsepto ng Pag-unlad
• Ayon kina Michael P. Todaro at
Stephen C. Smith sa kanilang
aklat na Economic
Development (2012); may
dalawang magkaibang
konsepto ng pag-unlad: ang
tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw .
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Sa akdang “Development as Freedom”
(2008) ni Amartya Sen, kanyang
ipinaliwanag na ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung mapauunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito.
• Upang matamo ito, mahalagang bigyang
pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan,
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita
sa kakayahan ng mga mamamayan.
“KKK” ng Pag-unlad ayon sa
kay Amartya Sen
• Kayamanan - mataas na kita
• Kalayaan - malayang
magpasya
• Kaalaman - maayos na
edukasyon
Mga Palatandaan ng Pag-unlad
• Makatwiran at dinamikong kaayusang
panlipunan
• Kasaganaan at Kasarinlan
• Kalayaan sa kahirapan, hanapbuhay para sa
lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay
at mainam na uri ng buhay para sa lahat.
• Sapat na mga lingkurang panlipunan
• Katarungang Panlipunan
Sukatan ng Kaunlaran ng Bansa
ayon sa United Nations (UN)
• Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang
Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga
panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
• Ang HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng
kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (Full
Human Potential). Kabilang dito ang kalusugan,
edukasyon at antas ng pamumuhay.
Antas ng Kaunlaran ng Bansa
• Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay
mga bansang may mataas na Gross Domestic Product
(GDP), income per capita at mataas na HDI.
• Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay
mga bansang may mga industriyang kasalukuyang
pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng
industriyalisasyon. Hindi pantay ang GDP at HDI.
• Papaunlad na Bansa (Under Developed Economies)
– Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay
kulang sa industriyalisasyon, mababang antas ng
agrikultura at mababang GDP, income per capita at HDI.
Ano ang mensahe ng larawan?
Mga Salik sa Pag-unlad
• Istitusyong Panlipunan (Social Institution)
(50%)
• Kultura (Culture) (20%)
• Heograpiya (Geography) (30%)

Film Viewing:
Why some countries are Poor and Others
Rich (https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga
likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-
lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at
mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas
na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
• Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na
tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-
paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa
isang bansa kung maalam at may kakayahan ng
mga manggagawa nito.
Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital
sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa
tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga
pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.
• Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng
mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente
ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas
maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.
Mga Tungkulin para sa
Pag-unlad ng Bansa
• Suportahan ang ating pamahalaan.
• Sundin at igalang ang batas
• Alagan ang ating kapaligiran
• Tumulong sa pagpuksa sa korupsiyon at
katiwalian sa pamahalaan.
• Maging produktibo. Linagin at gamitin ang
sariling kakayahan at talento sa mga
makabuluhang bagay.
• Tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
• Magtipid ng enerhiya
• Makilahok sa mga gawaing pansibiko.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang kaibahan ng pagyaman sa


pag-unlad?
• Ano ang maari mong gawin bilang isang
mag-aaral sa pag-unlad ng ating bansa.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul
para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Why some countries are Poor and Others Rich
(https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like