You are on page 1of 16

Florante at Laura

MASAMANG
KAPALARANG
SINAPIT
11

Dangan doo’y walang Oreadas Nimfas,


gubat sa Palsyo na masidhing Harpias,
nangaawa disi’t naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta’y hirap.
12

Ang abang uyamin ng dalita’t sakit-


ang dalawang mata’y bukal ang kaparis;
sa luhang nanakit at tinatangis-tangis,
ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
13

“Mahiganting langit! bangis mo’y nasaan? ngayo’y


naniniig sa pagkagulaylay;
bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albania’y iwinawagayway.
14

“Sa loob at labas ng bayan ko sawi,


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
15

“Ang magandang asal ay ipinupukol


sa laot ng dagat na kutya’t linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
16

"Ngunit ay ang lilo't masasamang-loob


sa trono ng puri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop, mabangong
insenso ang isinusuob.
17

"Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo


at ang kabaita'y kimi't nakayuko;
santong katuwira'y lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.
18

"At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
19

"O, taksil na pita sa yama't mataas!


O, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag!
20

"Sa korona dahil ng Haring Linceo


at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
ang ipinangangahas ng Konde Adolfo sabugan ng
sama ang Albanyang Reyno.
21

"Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,


lyong tinutunghay ano't natitiis?
mula Ka ng buong katuwira't bait, pinapayagan
Mong ilubog ng lupit.
22

"Makapangyarihang kanan Mo'y ikilos,


papamilantikan ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
ang lyong higanti sa masamang-loob.
23

"Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin,


ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin? diyata't
sa isang alipusta't iring,
sampung tainga mo'y ipinangunguling?
24

"Datapuwa't sino ang tatarok kaya


sa mahal Mong lihim, oh, D'yos na dakila? walang
nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang lyong ninanasa.
25

"Ay! di saan ngayon ako mangangapit!


saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!

You might also like