You are on page 1of 57

AP 8

IKATLONG MARKAHAN
Q3MODYUL8
KONTRIBUSYON NG MGA PERSONALIDAD SA
IBA’T IBANG LARANGAN SA PANAHON NG
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT AT
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

JELLY M. EGUIRON
GURO
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:
Basahin at unawain ang mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Kinilala bilang “Ama ng Kemistri”
A. Hugo de Vries C. Marie Curie
B. Charles Darwin D. Antoine Lavoisier
2. Aklat na tumatalakay sa mga katangian
ng mabuting pamahalaan
A. Creed C. Social Contract
B. Marxism D. Crime and Punishmen
3. Ang may akda ng aklat na “Crime and
Punishment”
A. Cesare Beccaria C. Karl Marx
B. George Sorrel D. Robert Owen
4. Naimbento ni John Kay noong 1763 ang
makinarya na magpapabilis sa pag-ikid ng
sinulid. Ano ang nasabing imbensyon?
A. Flying Shuttle C. Steam Engine
B. Water Frame D. Power Loom
5. Pinatunayan sa pamamagitan ng natural selection
ay naiaangkop ng mga hayop at halaman ang kanilang
sarili sa kapaligiran. Ang ideyang ito ay matatagpuan
sa anong aklat na sinulat ni Charles Darwin?
A. Into the Nature C. On the Origin of Species
B. Law of Heredity D. Pasteurization
SAGOT
1. D
2. C
3. A
4. A
5. C
BALIK-ARAL
PANUTO:
PUMILI NG ISANG PAKSA SA LOOB NG HUGIS AT IPALIWANAG ITO AYON SA IYONG
PAGKAUNAWA SA NAGING TALAKAYAN.

Enligh-
Philosophe tenment Natural
Power Loom
Law
Proletariat
Ikumpara ang buhay gamit ang
sinaunang kagamitan sa
makabagong panahon.
• shinkansen-bullet-train-japan-asia-
B5ADJW.jpeg
KONTRIBUSYON NG MGA PERSONALIDAD SA IBA’T
IBANG LARANGAN SA PANAHON NG REBOLUSYONG
SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT AT REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL
• 1. Sa larangan ng Agham
• 2. Sa larangan ng Industriya, komunikasyon,
transportasyon at agrikultura
• 3. Sa larangan ng Makabagong Pilosopiya
TAPUSIN ANG PANGUNGUSAP.
• Ang pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Rebolusyong Industriyal ay bunga
ng __________________________________.
SA LARANGAN NG
AGHAM
(8 NA PERSONALIDAD)
NICOLAUS COPERNICUS
(1473-1543)
Inilahad niya ang Teoryang Copernican
na kilala din sa Teoryang Heliocentric.
Ayon sa kanyang teorya, ”Ang pag-ikot
ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng
ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng
araw”. Tinaliwas ng teoryang ito ang
tradisyunal na kaisipan na ang daigdig
ang sentro ng sansinukob, na matagal
ding tinangkilik ng simbahan.
GALILEO GALILEI
(1571-1630)
Isang astronomo at
matematiko noong 1610.
Malaki ang naitulong ng
kanyang naimbentong
teleskopyo upang
mapatotohanan ang
Teoryang Copernican
SIR ISAAC NEWTON
(1642-1727)
Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-
ayon sa kanyang “Batas ng Universal
Gravitation” , ang bawat planeta ay may kani-
kanilang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan
kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-
inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito
ang dahilan kung bakit bumabalik ang isang
bagay na inihagis na.
SIR ISAAC NEWTON
AT
GOOTFRIED WILHELM
LEIBNIZ
Nagkaroon ng bagong sangay ng
Matematika, ang “Modern Calculus”
noong ika-17 siglo, na sa pamamagitan
ng pagkwenta ay nabigyang katwiran
ang mga nangyayari sa kapaligiran ayon
sa batas ng kalikasan.
WILLIAM HARVEY

•Nagpasimula ng makabagong
medisina. Pinag-aralan niya ang
sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa
katawan. Napag-alaman niya ang
paraan ng pag grado ng dugo
kapag ito ay tumataas o bumababa
EDWARD JENNER

•Ang bakuna na panlaban sa sakit ang


pinakamahalagang natuklasan niya. Dito
nagsimula ang ideya ng pagbabakuna.
LOUIS PASTEUR
•Natuklasan niya na mikrobyo ang dahilan ng mga sakit na
maaring patayin ng karampatang gamot na tinatawag na
antibiotic. Napag-alaman niya ito sa pamamagitan ng pag-aaral
kung bakit napapanis ang alak. Nabatid din niya ang gamot sa
rabies na galling sa kagat ng asong ulol at ang paraan ng
pasteurization.
CHARLES DARWIN
Pinatutunayan din sa pamamagitan ng natural
selection ay naiaangkop ng mga hayop at halaman
ang kanilang sarili sa kapaligiran na mababasa sa
kanyang aklat na “On the Origins of the Species.”
ANTOINE LAVOISTER
Hinirang na “Ama ng Kemistri”, pinag-aralan niya ang
resulta kapag ang isang bagay ay nasusunog. Kung metal
ang nasusunog ay mabigat ang abo sapagkat humahalo dito
ang oxygen na galing sa hangin samantalang ang abo ng
nasusunog na bahay ay magaan at sumasama sa hangin
SA LARANGAN NG INDUSTRIYA,
KOMUNIKASYON,
TRANSPORTASYON AT
AGRIKULTURA
(10 NA PERSONALIDAD
JAMES WATT
STEAM ENGINE

Makinang ginamit upang


madagdagan ang supply ng
enerhiya sa mga pabrika
ELI WHITNEY
COTTON GIN

Para sa madaliang paghihiwalay


ng buto ng bulak sa hibla nito
SAMUEL F. B. MORSE
TELEGRAPH
Kalipunan ng mga hudyat na may mga gitling
at tuldok na ginagamit sa pakikipag-ugnayan
GUGLIELMO MARCONI
WIRELESS TELEGRAPH
Ginagamit para magpadala ng mensahe na
hindi gumagamit ng kawad ng kuryente
Sasakyang
panghimpapawid. Ang
disenyo ay naging
malaking tulong sa
transportasyon,
komersyo at digmaan

Wilbur Wright Eroplano Orville Wright


ROBERT FULTON
STEAM BOAT
Sasakyang pandagat na “Clermont” (1807)
may malalaking gulong na sumasagwan at
pinaaandar ng steam engine.
JETHRO TULL
SEED DRILL
Makinang hilahila ng kabayo na
awtomatikong nagtatanim ng mga buto
sa isang tuwid na hanay
CYRUS MCCORMICK
REAPER
.Makinang ginagamit sa pagbungkal
ng lupa
JOHN KAY
FLYING SHUTTLE
Nagpapabilis
ng pag-ikid
sa sinulid
SA LARANGAN NG
MAKABAGONG PILOSOPIYA
(7 NA PERSONALIDAD)
RENE DESCARTES

Ang kanyang “I think therefore I


am” ay nagpapakita na ang
pagkilala sa sarili ay
pangunahing prinsipyo.
VOLTAIRE

Isang manunulat, makata, at mananalaysay.


Mahigpit ang kanyang pagpuna sa mga
pagmamalabis ng mga institusyon, lalo na
ng simbahan. Naniniwala siyang ang mga
tao ay may karapatang pangasiwaan ang
kanilang gobyerno ayon sa batas ng
katarungan, katwiran at budhi.
DENIS DIDEROT

Isang manunulat na French na may kaisipang


liberal. Siya at patnubay ng Encyclopedie. Itinala
niya rito ang mga di tamang patakaran at gawain ng
estado at simbahan, binigyan niya ng pansin lalo na
ang pag-aalipin at ang kawalang kalayaang pumili
ng relihiyon. Sa tulong ng kanyang aklat, nabuksan
ang natutulog na damdamin ng taong-bayan
(Freedom from Religion)
JEAN-JACQUES ROUSSEAU

Sa kanyang aklat na Social Contract nabuksan ang


prinsipyong demokrasya. Ang aklat ay tumatalakay sa
mga katangian ng mabuting pamahalaan. Ayon sa
kanya, walang natural na Karapatan ang
sinaunang taong pamahalaan ang kanyang kapwa
tao.
Ang kapangyarih ang pampulitika ay nasa kamay ng
taong-bayan at dapat lamang na sundin ng lahat ang
mga batas na sila rin ang may gawa.
MONTESQUIEU (1689-1755)
CHARLES LOUIS DE SECONDAT,
BARON DE LA BREDE ET DE
MONTESQUIEU
Mataas na hukom ng France, ipinakilala niya ang bagong
patakaran sa organisasyon ng isang makatarungang
pamahalaan sa kanyang aklat Spirit of the Law.
Ayon sa kanya dapat ay magkaroon ng tatlong sangay ng
pamahalaan, tagapangasiwa, mambabatas at hukuman
upang ang tatlong sangay ay magtulungan at magsuri sa
kanilang mga gawain o checks and balance.
MONTESQUIEU

(1689-1755)
JOHN LOCKE
Sumulat siya ng dalawang aklat ang Two Treaties of Government at
Letter on Toleration. Kinatigan niya ang paniniwala na ang
kapangyarihang pulitikal ay wala sa hari kundi nasa taong-bayan.
Kapag ang hari ay nagmamalabis sa kanyang kapangyarihan, may
Karapatan ang mga mamamayan na bawiin ang nasabing
kapangyarihan sa kanya.
Supplemental:
In his brilliant 1689 work An Essay Concerning Human
Understanding, he argues that, at birth, the mind is a tabula rasa (a
blank slate) that we fill with “ideas” as we experience the world
through the five senses.
ADAM SMITH
“AMA NG EKONOMIKS”

Sa aklat na “An Inquiry into the Nature and


Causes of the Wealth of Nations” ipinaliwanag
niya ang prinsipyo ng laissez-faire (huwag
makialam). Batay sa prinsipyong ito, hindi dapat
makialam ang pamahalaan sa mga pang-
ekonomiyang gawain ng tao sapagkat may likas
na batas na magpapasya kung ano ang halaga ng
mga salik ng produksyon.
CESARE BECCARIA

Sa kanyang aklat, Crime and Punishment,


ay kinondena ang paggamit ng matinding
parusa lalo na ang parusang kamatayan.
Sinabi niyang dahil sa malabis na
pagpahirap maaaring aminin ng isang tao
ang krimen kahit hindi siya ang maysala.
PAGLALAHAT
• Panuto: Isa-isahin ang mga personalidad sa Rebolusyong Siyentipiko, Rebolusyong Industriyal at
Panahon ng Enlightenment
Rebolusyong Siyentipiko Rebolusyong Industriyal Panahon ng
Enlightenment
1. Nicolaus Copernicus James Watt (Steam Engine) Rene Descartes
2. Galileo Galilei Eli Whitney (Cotton Gin) Voltaire
3. Isaac Newton Samuel F. B. Morse (Morse Code/Telegraph) Denis Diderot
4. William Harvey Guglielmo Marconi (Wireless Telegraph) Jean-Jacques Rousseau
5. Edward Jenner Wilbur Wright and Orville Wright (Eroplano) Charles de Montesquieu
6. Louis Pasteur Robert Fulton (SteamBoat) Adam Smith
7. Charles Darwin Jethro Tull (Seed Drill) Cesare Beccaria
8. Antoine Lavoisier Cyrus McCormick (Reaper)
John Kay (Flying Shuttle)
PAGPAPAHALAGA

Sagutin.
Bilang Pilipino, sa paanong paraan mo
maipapakita ang iyong suporta sa mga
imbensyon at tuklas ng kapwa mo
Pilipino?
PAGSASANAY
• Panuto: Pagtapat-tapatin. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa papel.
• 1. Modern Calculus A. Galileo
• 2. Teleskopyo B. Newton
• 3. Medisina C. Harvey
• 4. On the Origin of the Species D. Pasteur
• 5. Antibiotic E. Darwin
• 6. Kemistri F. Jenner
• 7. Bakuna G. Lavoisier
• 8. Heliocentric H. Fulton
• 9. Telegraph I Copernicus
• 10. Steam Engine J. Morse
K. Watt
SAGOT SA PAGSASANAY

• 1. B 6. G
• 2. A 7. F
• 3. C 8. I
• 4. E 9. J
• 5. D 10. K
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:
Basahin at unawain ang mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang may akda ng aklat na “Crime and
Punishment”
A. Cesare Beccaria C. Karl Marx
B. George Sorrel D. Robert Owen
2. Kinilala bilang “Ama ng Kemistri”
A. Hugo de Vries C. Marie Curie
B. Charles Darwin D. Antoine Lavoisier
3. Naimbento ni John Kay noong 1763 ang
makinarya na magpapabilis sa pag-ikid ng
sinulid. Ano ang nasabing imbensyon?
A. Flying Shuttle C. Steam Engine
B. Water Frame D. Power Loom
4. Aklat na tumatalakay sa mga katangian
ng mabuting pamahalaan
A. Creed C. Social Contract
B. Marxism D. Crime and Punishmen
5. Pinatunayan sa pamamagitan ng natural selection
ay naiaangkop ng mga hayop at halaman ang kanilang
sarili sa kapaligiran. Ang ideyang ito ay matatagpuan
sa anong aklat na sinulat ni Charles Darwin?
A. Into the Nature C. On the Origin of Species
B. Law of Heredity D. Pasteurization
SAGOT SA PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A
2. D
3. A
4. C
5. C
THANK YOU
FOR
LISTENING!

GOD BLESS AMICUS!

You might also like