You are on page 1of 3

MGA DAHILAN, KAGANAPAN AT EPEKTO NG

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT AT


INDUSTRIYAL

MGA DAHILAN, KAGANAPAN, AT EPEKTO NG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO:

Rebolusyong Siyentipiko Ito ay panahon ng kasaysayan mula ika-16 at ika-17 siglo na nagpapahalaga sa
pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob at mundo.

Mga Teorya tungkol sa Agham:

 Teorya ni Ptolemy – naniniwala na ang daigdig ang sentro ng sansinukob na umiinog ang araw at
daigdig nang halos sabay sa loob ng isang araw.
 Teorya ni Johannes Kepler – ang araw ang sentro ng sansinukob at ang mga planeta ay umiikot na
pa-eliptikal sa paligid ng araw. Ito ay tinatawag niyang ellipse.
 Teorya ni Nicolaus Copernicus – nagtuturo na ang araw ang sentro ng sansinukob at ang mga
planeta ay gumagalaw ng pabilog sa araw. Kilala rin ito bilang Teoryang Heliocentric.

Mga Kilalang Tao sa Larangan ng Siyensya

 Francis Bacon – Ang Pilosopiyang Empirisismo o paggamit ng obserbasyon at karanasan upang


matuklasan ang katotohanan at ang inductive method;
 Rene Descartes – Coordinate Geometry, prinsipyo ng systematic doubt at ang pilosopiya ng
Cartesian Dualism, naniniwala na nilikha ng Diyos ang dalawang uri ng karanasan: ang niloloob
at ispirituwal (subjective) at ang labas na kaisipan (objective);
 Galileo Galilei – naimbento ang teleskopyo. Kanyang naobserbahan na ang sinag ng buwan ay
repleksyon na nagmula sa araw;
 Sir Isaac Newton – Batas Grabitasyon o ang sansinukob ay kontrolado ng mga batas kalikasan;
 William Harvey – ang puso ang sentro sa pagkalat ng dugo sa katawan;
 Edward Jenner – bawat bahagi ng katawan ay may sariling halaga at tungkuling dapat gampanan.
Nagpasimula sa ideya ng bakuna;
 Louis Pasteur – nakatuklas na ang dahilan ng sakit ay mikrobyo at nakatuklas ng antibiotic;
 Weisman – ang mga katangian ng magulang na namamana ng anak ay ang nasa plasma lamang.
 Antoine Lavoiser – nakatuklas na nagbabago ang kombinasyon ng elemento kapag sinunog o pinag-
iinit ang isang bagay. Kinilala siya na “Ama ng Kemika”.

Mga Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko:


 napalitan ng bago ang lumang pananaw nila ukol sa sansinukob sa pamamagitan ng pagpapatunay ng
agham;
 tinanggap ng tao ang Natural Science at marami ang naniniwala rito;
 maraming mga aklat ang naisulat tungkol sa Agham;
 naitatag ang mga paaralang pang-agham;
 naging pangunahing dahilan sa kamalayan ng mga taga-kanluran.

Enlightenment
Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa
mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong
Middle Ages.

Ang mga pilosopo at kanilang mga pilosopiya:


 Rene Descartes – nakasalalay ang katotohanan sa sariling isip at kakayahang mangatwiran;
 Voltaire – ang mga tao ay may karapatang pangasiwaan ang kanilang sarili ng gobyerno ayon sa batas
ng katarungan, katwiran, at budhi;
 Denis Diderot – Patnugot ng Encyclopedia na nagbigay- paliwanag sa pinakahuling modernong kaisipan
na makatutulong sa pagpapalaganap nito;
 John Locke – nagpalaganap ng kaisipang Empericism at nagpaliwanag na buhat sa pandama at
karanasan ang ideya at hindi mula sa kapanganakan;
 Montesquieu – sa kanyang aklat na Spirit of the Law, ang makatarungan pamahalaan ay may tatlong
sangay: Ehekutibo-tagpangasiwa, Lehislatibo-mambabatas, at Judisyal-tagapaghukom;
 Jean Jacques Rousseau – sa kanyang Social Contrast, nagsasaad na walang natural na karapatan ang
sinumang tao na pamahalaan ang kanyang kapwa ngunit ito ay nagyayari dahil isinuko ang kanyang
karapatan;
 Adam Smith – sa Prinsipyong Laissez Faire, hindi dapat makialam ang pamahalaan sa ekonomiya ng
bansa;
 Cesare Beccaria – sa kanyang aklat na “On Crime and Punishment”, kinondena niya ang paggamit ng
matinding parusa lalong-lalo na sa parusang kamatayan at ang torture upang aminin ng tao ang krimen.
 Thomas Hobbes – ideya ng Natural Law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan.

REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Ang Rebolusyong Industriyal ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula
nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagsimula
sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal

Sistemang Domestiko - ang tawag sa paraan ng pag proprodyus ng tela na ginagawa sa tahanan kung
saan ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa pamilya sa kanilang lugar
hanggang sa makatapos ng isang produkto na siyang pinabibili at pinatutubuan.

Oling at Iron- pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya

Iba pang Bansa na naging Industriyal


• Belgium
• France
• Germany
• United States
• Japan
• Russia
Mga dahilan sa pagsimula ng Rebolusyong Industriyal:
 may matatag na kalagayang politikal;
 may maayos na kalakalang panloob;
 may matatag na sistemang pagbabangko at pagseseguro;
 may pinakamaunlad na pangangalakal sa daigdig;
 maraming pantalan at ilog na pweding paglayagan ng mangangalakal at kalakal;
 may maraming kolonya na mapagkukunan ng hilaw na sangkap.

Mga Pangunahing Imbensyon at Imbentor sa Panahon ng Rebolusyong Industriyal:


 Thomas Savery at Thomas Newcomen - steam engine na naging daan upang maragdagan ang suplay ng
enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika;
 Thomas Alva Edison - bombilya
 Michael Faraday – enerhiyang Pangkuryente;
 Josiah Wedgewood – palayok;
 Samuel Finley Breese Morse – Morse Code o telegrapo na nakatulong para makapagdala ng mga mensahe
sa mga kakilal, kaibigan at kamag-anakan sa ibang lugar;
 Guglielmo Marconi – wireless telephone;
 Alexander Graham Bell – electric Magnetism/Hearing Aid; telepono
 John Wilkinson – makinang bakal-pandayan;
 Abraham Darby – paraan sa pagtunaw ng bakal ang gamit ay karbon;
 Edward Cartwright – power Loom gamit ay tubig;
 Eli Whitney – cotton gin na nakatulong upang maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang materyal
sa bulak ng cotton.
 Michael Pupin at Lee de Forest- paggamit ng telepono sa malayong lugar;
 John Kay – flying Shuttle
 Richard Arkwright – unang makinang pinaandar ng tubig.
 James Hargreaves – nakaimbento ng spinning jenny na nagpabilis ng paglalagay ng mga sinulid.
Ilang Positibong Epekto

- nakapagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at
ito’y lumaki; nakapagbibigay ng maraming opurtunidad sa hanapbuhay.
-naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
- paglakas ng kalakalakan at naging malaking tulong ito sa paglago ng mga bayan.

Ilang Negatibong Epekto

- pagdami ng mga squatters, marami ang mga palaboy, mga bata ay napilitang
magtrabaho at pagdagsa ng mga tao sa lungsod.

You might also like