0% found this document useful (0 votes)
105 views33 pages

Araling Panlipunan: Grade 10

Uploaded by

carterace0615
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
105 views33 pages

Araling Panlipunan: Grade 10

Uploaded by

carterace0615
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

Grade

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Mga Isyung Pang-Ekonomiya

Inihanda ni:
Gng. Rona Joy Canlas-Batac
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Mga Isyung Pang-Ekonomiya

ARALI Isyu sa Paggawa


N (Unemployment)
2
Layunin sa Pagkatuto
 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
unemployment.

 Natataya ang implikasyon ng unemployment sa


pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

 Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang


suliranin ng unemployment.
Kumusta! Narito nanaman ako para sa
isang makabuluhang talakayan.

Sa araw na ito tatalakayin ko ang


panibagong aralin na may kinalaman sa
mga isyu sa paggawa o unemployment.

Handa ka na ba? Tara gawin mo muna


ang gawain na nakalaan para sa iyo.
Suriin mo ang larawan na nasa ibaba. Pagkapos masuri ang
larawan, sagutin mo ang pamprosesong tanong.
Huwag kang mag-alala, gagabayan kita sa pag sagot sa
mga tanong.
Pamprosesong Tanong

1. Saan kaya sila pupunta?

• Maaaring pupunta sila sa ibang bansa.

2. Bakit kailangan nilang umalis?

• Maaaring nahihirapan sila sa kanilang bansa at


maghahanap ng trabaho para sa kanilang
pamilya.
Magaling! Nasagot mo ang mga tanong.

Nagkaroon ka ba ng ideya sa paksa natin


ngayong araw mula sa gawaing iyong
sinagutan?

Huwag kang mag-alala gagabayan kita


hanggang matapos ang talakayan. Ang
kailangan mo lamang ay makinig ng maayos.

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin ang


talakayan.
 Sa nakaraang talakayan, tinalakay natin ang Konsepto ng
Globalisasyon. Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong
pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Mas
nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na
tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon.

 Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging


impact ng globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa kaisipan at
perspektiba ng mga mamamayan tungkol sa pandaigdig na
komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan
mo rin sa unang aralin ang iba’t ibang anyo ng globisasyon
tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at sosyo-
kultural.
 Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon
kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig
ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu
sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang
natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa mga
usapin sa paggawa.

 Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t


ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng
mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa
pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng mga
‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible
labor.
 Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at
paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan
na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng
mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito
mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa
na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.

 Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito


maging ang workplace na kung saan nagbunga ito ng
pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word
Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan
sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.
 Naglalagak ang mga multi-national company ng mga
investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang
mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay
nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa mga
kompanyang ito.

 Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa


paggawa ay ang mga sumusunod:

 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o


kasanayan sa paggawa na globally standard

 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na


produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga
salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget,
computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at

 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa


mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan
na magpresyo ng mura o mababa labansa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.
 Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga
manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng
maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga
manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon
ng disente at marangal na pamumuhay.

 Isa sa mga lumalalang isyu sa paggawa ay ang


unemployement o kawalan ng trabaho. Ano nga ba
ito? Bakit ito naging isyung panlipunan?
Unemployment o Kawalan ng
Trabaho

• isang sitwasyon kung saan ang mga mamamayan ay walang


trabaho na ang dahilan ay maaaring naghahanap pa lamang
ng mapapasukan, natapos na ang kontrata at iyong talagang
hindi naghahanap ng trabaho.

Unemployment Rate – tumutukoy sa bahagdan ng mga taong


walang trabaho.

• Ito ay nakakalkula sa pamamagitan ng paghahati ng bilang


ng mga mamamayang walang trabaho sa bilang ng mga
mamamayan kabilang sa lakas-paggawa o labor force.
Ang UNEMPLOYMENT RATE sa PILIPINAS ayon sa IBA’T
IBANG ORGANISASYON:

1. Ayon sa International Labour Organization (ILO)


• Pilipinas – ang may pinakamataas na unemployment rate
(7.0%) sa Asya

• 11% ng mga manga-


gawang Pilipino ay kabilang
sa pinakamahihirap na
mamamayang nabubuhay sa
halagang mas mababa pa sa
Php 55 kada araw.
2. Ayon sa Pulse Asia

• 55% ng mga Pilipino ang naniniwalang lalong bumaba ang pambansang


kalidad ng buhay sa nakaraang 12 buwan (2014 survey)

3. Ayon sa Eksperto sa Ekonomiya at Industrial Relation

• Tinatayang may 1.3-1.5 milyong Pilipino ang dumadagsa na labor


force bawat taon ayon sa isinulat na “Sustainable Employment
Creation: A Strategic Concern for the Philippine Economy” nina
Fernando T. Aldaba at Reuel Hermoso ng Ateneo de Manila University
noong December 2009.

• Nananatiling mataas sa pamantayan ng East Asian ang opisyal na


rate ng unemployment ng Pilipinas sa kabila ng mga nagtatrabaho
sa ibang bansa
Underemployed – ang mga taong nagtatrabaho nang mas
mababa sa 40 oras sa isang linggo at mga taong hindi sapat ang
kinikita at nais kumita nang higit pa.

MGA DAHILAN NG UNEMPLOYMENT:


Uri ng Unemployment
1. Frictional Unemployment
• Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahang makahanap ng
manggagawa para sa isang tiyak na trabaho

• Nagaganap kapag ang mga manggagawa ay panandalian


lamang ang pananatili sa isang trabaho
• ang ganitong uri ay maaaring sa pagkukusa ng manggagawa

• maaaring magkaroon ng di pagtutugma sa panig ng manggagawa at


employer gaya ng pasahod, kasanayan, oras ng trabaho, pag-uugali,
lokasyon ng trabaho atbp.

2. Structural Unemployment
• Nagaganap ang ganitong sitwasyon kapag nahihigitan ng dami ng suplay ang
pangangailangan para sa paggawa

• Ito ay maaaring maganap kapag hindi tugma ang bilang ng mga tao na nais
magtrabaho at bilang ng mga trabahong kailangan

• Nagaganap din ito kapag hindi tugma ang kakayahan ng isang potensyal na
manggagawa para sa isang tiyak na gawain, posisyon o trabaho.
Saklaw ng Structural Unemployment:

a. Geographical immobility

b. occupational immobility

c. pagbabago sa teknolohiya

3. Cyclical Unemployment

• Nagaganap kapag mahina ang ekonomiya

• may kaugnayan ito sa siklo ng pagnenegosyo sa bansa kung saan


bumababa ang pangangailangan sa mga manggagawa kaya
tumataas ang antas ng unemployment
4. Real Wage o Classical Unemployment
• nagaganap kapag hinihiling ang pagtaas ng sahod na nagiging
sanhi ng pagbaba ng demand sa lakas-paggawa

5. Voluntary Unemployment
• umiiral kapag pinili ng isang tao na hindi magtrabaho o
maghanap ng trabaho. (may pagkakatulad sa frictional)

6. Seasonal Unemployment

• pabagu-bago ang demand sa mga uri ng negosyo at trabaho


tulad sa mga industriya ng turismo, agrikultura, restaurant at
ilang industriya sa manufacturing
Mga DAHILAN ng UNEMPLOYMENT sa PILIPINAS:

1. mataas na pagdepende sa agrikultural na kabuhayan

2. hindi sapat na pamumuhunan

3. kawalan ng kakayahang mapalago ang ekonomiya

4. mga sakuna o pananalasa ng mga kalamidad sa bansa

5. job mismatch o hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng mga


mamamayan sa maaari nilang pasukang trabaho

6. pagsasara ng pinapasukang trabaho

7. kakulangan ng sapat na kasanayang kailangan sa isang trabaho

8. Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho

9. paglaki ng populasyon
10. kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na
makalilikha ng trabaho

11. Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa, kaunting benepisyo,


at
hindi maayos na kondisyon ng pinagtatrabahuan (poor working
conditions)

12. Katamaran ng mga tao na magtrabaho

13. Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo

14. Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan


Epekto ng Implikasyon
Unemployment
Tumitinding • Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa kanilang
ikabubuhay at mga pangangailangan
Kahirapan
• May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw o
panghoholdap

• Nagkakaroon ng malnutrisyon ang mga tao dahil wala silang


pambili ng sapat at masustansiyang pagkain kaya’t madali rin
silang magkasakit

• Hindi makapag-aral ang mga bata dahil hindi matustusan ng


kanilang mga magulang ang kanilang pangangailangan

• Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan ang


mga magulang na matugunan ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan

• Dumadami ang mga babaeng napipilitang pumasok sa


prostitusyon

• Bumababa ang standard of living ng mga tao

• Dumadami ang mga informal settlers o walang permanenteng


tirahan,street children, at mga taong namamalimos

• Pagdami ng taong umaasa sa gobyerno


Epekto ng Implikasyon
Unemployment
Naaapektuhan • Bumababa ang tiwala at pagtingin nila sa sarili
ang
mental health o • Dumaranas ng depresyon at pagkawala ng pag-
kalusugan ng pag asa sa buhay
iisip ng mga tao
• Nagkakaroon ng negatibong pag-uugali

• Tumataas ang bilang ng nagpapakamatay

• Nagkakaroon ng stigma o masamang tingin o


husga sa kapwa
Epekto ng Implikasyon
Unemployment
Nagpupunta sa • Nasisira ang pagbubuklod ng pamilya
ibang bansa ang
• Napapariwara ang kanilang mga anak dahil walang
mga
gumagabay nang maayos sa kanila
manggagawa
• Nagkakaroon ng brain drain dahil nagpupunta ang mga
magagaling na manggagawa sa ibang bansa at kaunti na
lamang ang natitira sa ating bansa na makatutulong sa
pagpapaunlad nito

• Temporary o contractual employment lamang ang inaalok


Dumami ang mga ng mga dayuhan at malalaking lokal na negosyante upang
dayuhan at hindi na magbigay ng mga benepisyo sa mga
dambuhalang lokal manggagawa
na negosyante
kaya’t nalugi ang • Maliit ang suweldong ibinibigay ng malalaking lokal na
napakaraming negosyante kaya’t nananatiling kapos sa salapi ang mga
maliliit na negosyo manggagawa upang matustusan ang kanilang
na nakapagbibigay pangangailangan
ng trabaho sa ating
Bansa
Epekto ng Unemployment

• Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang


produksyon ng bansa at marami ang mahihirap

• Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya


nito
MGA MUNGKAHI SA PAGLUTAS SA
UNEMPLOYMENT

• Linangin ang mga maliliit na industriya sa paggawa sa pook rural at


urban

• Gumamit ng angkop na teknolohiya para sa produksyon sa paggawa

• Iugnay ang edukasyong kukunin sa pangangailangan ng lakas-


paggawa

• Bigyan ng pantay na pagkakataong pangkabuhayan ang mga pook


rural

• Bawasan ang pandarayuhan mula sa mga pook rural patungo sa


pook urban

• Ituon ang pamumuhunan sa sektor ng agrikultura na maaaring


magbigay ng maraming trabaho sa mga pook rural

• Kontrolin ang mabilis na paglaki ng populasyon


• Bigyang pagpapahalaga ang mga programang lumilikha o nagbibigay ng
trabaho at subsidiya sa mga negosyo

• Itaas ang antas ng produksyon

• Tulungan ang mga taong self-employed o may sariling pinagkakakitaan

• Palawakin ang patakaran sa pananalapi na naglalayon ng mababang


interes upang magkaroon ng mataas na demand at kapital

• Itaas ang antas ng paggastos ng pamahalaan upang makalikha ng


bagong trabaho

• Pagbutihin ang mga insentibo sa trabaho


• Mamuhunan sa edukasyon at pagsasanay upang maitaas ang
produktibidad ng mga tao

• Hikayatin ang pagkakaroon ng negosyo at paglikha ng mga


bagong produkto na kailangan sa pamilihan. Ito ay upang
makalikha ng bagong trabaho
 Sa yugtong ito natapos mo nang mapag-aralan ang mga konsepto,
dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho (unemployment) at ang mga
gawain na nakapaloob dito.

 Sa pagtatapos ng ating aralin, narito ang mga dapat mong tandaan.


 Ang unemployment ay ang kalagayan ng isang aktibong
naghahanap ng trabaho ngunit hindi makahanap ng trabaho.

 Mga Sanhi
a. Hindi tugma ang mga kasanayan o natapos na kurso sa mga
hinihinging kwalipikasyon ng mga trabahong maaaring
pasukan.

b. Brain Drain

c. Mabagal ang pag-unlad ng bansa

d. Kakulangan sa kasanayan ng mga nagnanais magtrabaho


 Mga Epekto

• Kahirapan
• Mataas na antas ng krimen
• Mahirap na proseso para makapag negosyo
• Mababang ekonomiya ng bansa
• Naaapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng
mga tao

 Mga Posibleng Solusyon

• Modernisasyon ng Agrikultura
• Pagbibigay ng mga kurso sa TESDA
• Pagpaparami ng mga oportunidad sa mga trabahong
makapagbibigay ng security of tenure
• Paglinang sa mga kasanayan ng mga manggagawa
• paghikayat sa mga tao na magsimula ng kanilang sariling
maliit na negosyo
Binabati kita! Matagumpay mong
natutunan ang ating aralin sa araw na
ito.

Patunay ito na nakinig ka ng maayos


sa aking talakayan.

Sa susunod na bidyo tatalakayin


naman natin ang Migrasyon!

Hanggang sa Muli, Paalam!


Sanggunian
• (Draft) CG and TG Araling Panlipunan 10 – Modyul 2 – pahina 188-223

• https://www.slideshare.net/kazekage15/kawalan-ng-trabahounemploy
ment-58133597?from_action=save

• PEAC Learning Module pp. 1-254

You might also like