You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Ekonomiks IV Casimiro A.

Ynares Memorial National High School

I.

LAYUNIN 1. Nalalaman ang mga paraan ng manggagawa upang ipahatid ang kanilang mga karaingan at kahilingan sa pangasiwaan 2. Nauunawaan ang kahulugan at kung paano isinasagawa ang mga alitan sa paggawa 3. Nakapagpapasya kung paano reresolbahan ang mga alitan sa paggawa 4. Nakapagmumungkahi ng ibang paraan upang masolusyunan ang mga alitan sa paggawa NILALAMAN A. Paksa: Ang Manggagawang Pilipino B. Konsepto: Alitan sa Paggawa C. Balangkas ng Aralin 1. Mga Paraan ng Manggagawa D. Babasahin: Ekonomiks IV pp. 356-358 E. Kagamitan: Aklat sa Ekonomiks IV, Visual Aids, Power Point Presentation, Video Clip PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pang Araw-araw na Gawain a. Pagdadasal b. Pagbati c. Attendance Checking d. Checking of Assignments 2. Balik-Aral Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga magaaral sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay sasagot sa katanungan ng guro. Mga tanong: a. Ano ang pagmomoneda? b. Anu-ano ang dalawang uri ng pagmomoneda? c. Ano ang pagkakaiba ng brassage at seigniorage? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ang guro magtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod na katanungan; a. Ano ang inyong ginagawa kung kayo ay may alitan at paano nyo ipinahihiwatig ang nais ninyong mangyari sa inyong; 1. Magulang 2. Kaibigan 3. Kasintahan

II.

III.

2. Mungkahing Gawain Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Power Point Presentation panonoorin ng mga mag-aaral ang mga video clip tungkol sa paksa na tatalakayin. a. Bawat grupo ay gagawa ng ulat tungkol sa kanilang napanood Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang ipinapakita sa video clip? 2. Papaano ito isinasagawa? 3. Bakit nila ito isinasagawa? 4. Naaayon ba ang mga paraang ito upang maiparating ang mga ninanais sa pangasiwaan? C. Pangwakas na Gawain 1. Pagpapahalaga a. Papaano nakatutulong ang mga paraan ng manggagawa upang maipahatid at matamo ang kanilang nais sa pangasiwaan? b. Nakabubuti ba o nakasasama ang ganitong mga paraan ng manggagawa? 2. Paglalahat a. Sa isang industriya, ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga manggagawa at pangasiwaan kung minsan ay hindi maiiwasan. Ang mga manggagawa sa pamamagitan ng kanilang unyon ay may ibatibang paraan upang maipahatid sa pangasiwaan ang kanilang mga karaingan at kahilingan tulad ng welga o strike, ito ay maaring hunger strike, sitdown strike, sympathy strike at general strike, pagpipiket, boykot, closed shop at sabotahe. 3. Paglalapat a. Kung ikaw ay isang manggagawa, anong paraan ang iyong gagawin upang ipahatid ang iyong mga karaingan at kahilingan? Bakit? IV. PAGTATAYA Sabihin ang paraan ng manggagawa na tinutukoy ng sumusunod na paglalarawan. 1. Pansamantalang pagtigil sa trabaho ng mga manggagawa 2. Paglalagay ng plakard at bandera kung saan nakasulat ang mga nais iparating sa manggagawa at pangasiwaan 3. Hayagang pagtanggi na bilhin ang produkto ng kompanya 4. Mga miyembro lamang ng unyon ang dapat tanggapin ng kompanya 5. Pagpapabagal sa paglikha ng produkto upang malugi ang kompanya TAKDANG ARALIN 1. Anu- ano ang mga paraan ng pangasiwaan upang labanan ang mga hakbang ng manggagawa? 2. Ano ang Collective Bargaining? 3. Anu-ano ang mga uri ng Collective Bargaining?

V.

You might also like