You are on page 1of 6

Unang Markahan Ikatlong Linggo Unang Araw Hunyo 2013

Ika26

ng

Lingguhang Tunguhin a. Natutukoy ang mga detalye ng napakinggang teksto (PN1Ba). b. Nasasagot ng wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig (PN1Ab) I. Paksa Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Isang Dosenang High School Student mula sa Aklat na ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong Kagamitan Video/Larawan na nagpapakita ng ibat ibang uri ng mag aaral sa silid aralan Speaker Pamamaraan A. Panimulang Pagtataya QUIZ KINIG Magkakaroon ng pagsasanay ang mga bata base sa pagsunod sa panuto gamit ang kanilang tainga. Sasabihin ng guro ang mga tanong at panuto sa pagsagot at kailangang makasunod ang mga mag aaral. B. Pagganyak Pagpapakinig sa mga mag aaral ng mga boses mula sa video na nagpapamalas ng ibat ibang uri ng mag aaral sa silid aralan. C. Presentasyon Dugtung dugtungan tala sulatan Mula sa napakinggang inang salita (Mag aaral), dugtungan ito sa pamamagitan ng mga katangian ng mga mag aaral na nakikita sa paaralan. Tandaang ang sasabihing susunod na salita ay dapat na kaugnay sa huling salita na napakinggan. Paglalagom ng mga salitang narinig at naitala D. Pagpapayaman 1. Pangkatang Gawain PANGKAT I: Mula sa napakinggang dulaan, itala ang mga katangian ng mga mag aaral sa unang pangkat. Ilahad ito katulad ng pag uulat ng mga announcer sa radyo. PANGKAT II: Ilahad ang mga katangian ng mga mag aaral sa ikalawang pangkat sa pamamagitan ng pagguhit.

II.

III.

PANGKAT III: Sa anyong palaro, ilahad ang napakinggang katangian ng mga mag aaral sa ikatlong pangkat. Ang palaro na isasagawa ay nararapat na nasa anyong pakikinig (Quiz Bee Dictation) PANGKAT IV: Sa anyong padula sa radyo (Tiya Deli), isasadula ang mga narinig na katangian ng mga mag aaral. 2. Pag uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro E. Sintesis Paglalahat sa mga klase ng mga estudyanteng inilarawan sa napakinggang dulaan. Halimbawa, magsasama sama ang mga clowns, geeks, anak ni Rizal, atbp. Sang ayon ba kayo na clowns silang lahat? Na geeks silang lahat? Na anak ni Rizal silang lahat? Bakit? IV. Takdang Aralin Magsaliksik sa internet. Hanapin ang sipi ng Isang Dosenang High School Student mula sa aklat na ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong at basahin ito.

Ikatlong Linggo Ikalawang Araw 2013

Ika27

ng

Hunyo

Lingguhang Tunguhin a. Nakapagbibigay ng mga opinyon hinggil sa akdang binasa (PB1Ca). b. Nakapag uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af). c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad). I. Paksa Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Isang Dosenang High School Student mula sa Aklat na ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong Balik - Aral Dugtungan Pasahan Isang uri ng laro na kung saan magbibigay ang guro ng inang salita at dudugtungan ito ng mag aaral sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o paglalarawan dito. Matapos makapagpaliwanag ay malayang pipili ang mag aaral ng kanyang kamag aral na magdudugtong sa salitang kanyang ibibigay. Pagganyak Pagpapalaro ng bingo card. Bawat mag aaral ay may tig isang bingo card. Nakapaloob sa bingo card na ito ang ibat ibang kagamitan, abubot na mayroon ang estudyante. Ang unang makapagblock ng card, siya ang panalo. Presentasyon Pasalitang pagpapabasa mula sa siniping akdang Isang Dosenang High School Student mula sa aklat na ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong. Gawing masining. Pagpapalawig 1. Pangkatang Gawain PANGKAT I: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ang pag uulat sa anyong talkshow. Ano ang inyong reaksyon sa inyong binasa? Natuwa ba kayo? Nagustuhan ba ninyo? Sang ayon ba kayo sa sinabi roon? Pangatwiranan. Magbigay ng mga konkretong halimbawa ng pag iistereotype upang maging malinaw sa mga mag aaral kung ano ito. (Halimbawa, kapag nakasalamin sa mata ang isang tao, ano ang karaniwang iniisip ninyo tungkol sa

II.

III.

IV.

V.

kaniya? Kapag nakapink ang isang lalaki, ano ang dating sa inyo.) Iugnay ninyo ang stereotyping sa akdang inyong binasa. Sang ayon ba kayo sa pag uuri uri ng mga tao gaya ng inyong nabasa? Anu ano ang mga maaaring maging epekto ng stereotyping sa mga tao? Isa isahin at ipaliwanag. Anong maganda o makabuluhang kaisipan ang mabubuo ninyo matapos ang ating pagbasa at talakayan? Ipahayag ninyo sa isang pangungusap. PANGKAT II: Sa anyong Maalaala Mo Kaya, maglahad ang pangkat ng mga nauugnay na karanasan sa iyong sarili at kapwa mag aaral patungkol sa tekstong binasa. PANGKAT III: Sa anyong Magpakailanman ni Mel Tiangco, magsalaysay ng sariling karanasan patungkol sa tekstong binasa. PANGKAT IV: Sa paraang interbyu, maglahad ng mga karanasan mo at ng iyong mga kapwa mag aaral na maiuugnay sa tekstong binasa. 2. Pag uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro VI. Sintesis Sa inyong mga karanasan bilang isang mag aaral, anong bagay ang sa palagay ninnyo na maaaring maging simbolo ng inyong sarili? Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag. Takdang Aralin 1. Ano ang pang uri? 2. Ano ang pang abay? 3. Magbigay ng limang (5) pangungusap na gumagamit ng pang uri at pang abay. Salungguhitan ng isang beses ang pang uri at dalawang beses ang pang abay.

VII.

Ikatlong Linggo Ikatlong Araw 2013

Ika28

ng

Hunyo

Lingguhang Tunguhin a. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng simpleng panuring (pang uri at pang abay) (PU1Ac). I. Paksa Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Isang Dosenang High School Student mula sa Aklat na ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong Balik - Aral Sa anyong pag uulat (24 oras), ibabahagi ang mga natalakay kahapon. Pagganyak Pagpapakita ng ibat ibang larawan ng mga mag aaral. Ilalarawan ang mga ito ayon sa kanilang mga katangian. Presentasyon Mula sa siniping akdang Isang Dosenang High School Student, ang mga mag aaral ay maghahanap ng mga salitang naglalarawan. Mula dito magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga salitang kanilang nahanap. Bibigyang diin ng guro ang pagkakaiba ng pang uri at pang abay. Pagpapalawig 1. Pangkatang Gawain PANGKAT I: Sa paraang pag awit, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang uri at pang abay sa paglalarawan. PANGKAT II: Sa paraang pagrarap, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang uri at pang abay sa paglalarawan. PANGKAT III: Sa pamamagitan ng masining na pagkukuwento, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang uri at pang abay sa paglalarawan. PANGKAT IV: Sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang uri at pang abay sa paglalarawan. 2. Pag uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro Sintesis Anong mga bahagi ng pananalita ang ginagamit natin sa paglalarawan? Ibigay ang pagkakaiba ng pang uri at pang abay. Kasunduan

II.

III.

IV.

V.

VI.

VII.

Humanda para sa pagsulat ng output. Ikatlong Linggo Ikaapat na Araw

Ika01 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin a. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad). I. Balik Aral Cabbage Technique Sa pamamagitan ng mga tanong na nakasulat sa papel at ibinilog na parang isang repolyo, iikot ito habang tumutugtog ang isang awitin at ang huling may hawak ng repolyong papel sa pagtigil ng musika ay sasagutin ang tanong na may kaugnayan sa nakaraang aralin. Pagganyak Pagpapakita ng isang video clip tungkol sa isang taong nagsasalaysay ng kanyang sariling buhay/buhay ng iba. Pagtalakay sa Aralin Pahapyaw na pagpapaliwanag tungkol sa pagsasalaysay. Pangwakas na Pagtataya Susulat ang mga mag-aaral ng isang talata na pasalaysay tungkol sa kaniyang sariling buhay/buhay ng iba. Iuugnay nila ang kanilang buhay/buhay ng iba sa isang bagay na sisimbulo sa kanilang katauhan. Rubriks Nilalaman Kohesyon (Pagpapalutang ng Diwa) Wastong Bantas Kabuuan 50% 30% 20% 100%

II.

III. IV.

V.

VI.

Takdang Aralin Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita na hango mula sa kuwentong Alamat ni Tungkung Langit ni Roberto Anonuevo. 1. napapatigagal 2. pasigan 3. sinasagkaan 4. dayaray 5. naghunos

You might also like