You are on page 1of 15

I.

ANG SULIRANIN AT KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL

A. Introduksyon

Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang


tao. Ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga
estudyante ay ginagampanan rin ang tungkuling ito.
Kapag sinabing paaralan, kadalasang naiisip ay ang
lugar kung saan nag-aaral at natututo ng mga bagay-
bagay ang tao. Ngunit hindi lamang puro impormasyon
tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang natututunan
ng mga estudyante sa paaralan. Mayroong mga
organisasyong maaaring salihan ang mga mag-aaral
depende sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay
may mga gawaing maaaring humubog sa iba pang aspeto
ng katauhan, at ito ang tinatawag na ekstrakurikular na
mga gawain. Ito ang dahil kung kaya’t hindi lamang
pang-intelektwal ang nalalaman o nakukuha ng mga mag-
aaral sa pagpasok sa paaralan, nahahasa rin ang
kanilang talento at kakayahan.

Ang ekstrakurikular na gawain ay kahit anong gawain na


hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan, ngunit ang mga
gawaing ito ay kadalasang ginagawa sa loob ng
paaralan. Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng
aktwal na ‘pag-aaral’ ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang
ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga
ekstrakurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-
aaral, nakasasama man o benepisyal.

Sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas


ay mayroon ding mga organisasyong pang ektra-
kurikular. Ito ay tulad ng Nursing Central Board of
Students (NCBS) na may kinalaman sa pamumuno ng
kolehiyo, Red Cross at Medical Missions Inc. (MMI) na
patungkol naman sa kalusugan, Pax Romana na may
kinalaman sa Katolisismo, at ang mga organisasyong
patungkol sa sining ng pag-arte, pag-awit at pagsayaw
tulad ng Nursing Dance Troupe at Nursing Chorale at ang
organisasyong paborito ng nakararami, ang Varsity, na
may kinalaman naman sa mga larong pampalakasan.

Nararapat lamang mabigyan ng impormasyon ang mga


mag-aaral sa kolehiyo ukol sa mga ekstrakurikular na
gawain ng mga organisasyon lalo na iyong mga
nagbabalak pa lamang sumali sa organisasyong kanilang
napiling salihan.

B. Mga TIYAK NA Layunin

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong matuklasan


ang epekto ng mga ekstra- kurikular na gawain sa mga
kolehiyong mag – aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas
Kolehiyo ng Narsing. Dito ay sinubukang tuklasin ang
mga bunga, mabuti man o masama, sa mga
respondenteng mag – aaral. Ang papel pananaliksik na
ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa
ekstrakurikular na gawain sa kolehiyo at layuning
masagot o matugunan ang sumusunod na tanong:

1. Bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga ekstra-


kurikular na gawain?
2. Anu-ano ang mga benepisyo ng pagsali sa
organisasyon?
3. Anu-ano ang epekto ng pagsali sa organisasyon sa
pag-aaral ng mga mag-aaral?
4. Nakatutulong ba ang mga ekstra-kurikular na gawain
sa pagkakaroon ng mataas na marka? O nakasasama ba
ito sa pag-aaral?
5. Kung nakabubuti o nakatutulong ito sa pagbuti ng pag-
aaral o pagtaas ng marka ng mag-aaral, paano ito
nagagampanan ng pagsali sa ekstra-kurikular na gawain?
6. Kung nakapagdudulot ng hindi mabuti sa pag-aaral o
pagbaba ng marka ng mag-aaral ang pagsali sa ekstra-
kurikular na gawain, ano ang posibleng solusyon dito?

At higit sa lahat, nais din ng mga mananaliksik na


mapatunayan ang epektibong gamit ng “Time
Management” sa paghawak ng kanilang mga
responsibilidad bilang mga mag – aaral na lider o
miyembro ng mga organisasyon.

C. Kahalagahan ng Pag – aaral

Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang


nawiwiling sumali sa mga programang pang-ekstra
kurikular sa kani-kanilang mga paaralan. Maraming
naidudulot na epekto sa pag-aaral ang pagsali sa mga
nasabing programa—Ito ay maaaring maging maganda
dahil ito ay nakatutulong sa pag-aaral o di kaya’y maging
masama dahil kung minsan ay nakalilimutan na ng mag-
aaral na iyon ang kanilang mga prayoridad sa pag-aaral
at dahil dito, napapabayaan na niya ang kanyang mga
responsibilidad sa akademiko.

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga


mag-aaral, lalo na iyong mga kasapi sa organisasyon at
gumagawa ng mga ekstrakurikular na gawain, ang mga
epekto ng mga nabanggit sa kanilang pag-aaral.

Matutulungan rin ng papel pananaliksik na ito ang mga


dean’s listers na sumasali rin sa ekstrakurikular na
gawain ng kanilang organisasyon dahil malalaman nila
kung
nakatutulong ba at sa kung anong paraan nakatutulong
ang mga gawaing ito sa kanilang sitwasyon bilang
dean’s lister.

Maaari rin itong maging gabay sa mga mag-aaral na


balak sumali sa mga organisasyon. Malalaman nila kung
ano ang mga benepisyo ng pagsali sa mga
ekstrakurikular na gawain ng isang organisasyon at kung
ano ang maidudulot ng mga gawaing ito sa kanilang pag-
aaral at maaaring hanggang sila’y makatapos na.
Kung may makikita mang negatibong epekto sa pag-aaral
ang mga ekstrakurikular na gawain ng organisasyon, ang
pag-aaral na ito ay may mga posibleng solusyon ukol
dito.

Sa pamamagitan ng papel pananaliksik na ito ay


mabibigyan ng kaukulang impormasyon ang mga mag-
aaral sa kolehiyo tungkol sa ekstra-kurikular na gawain
at relasyon o epekto nito sa performance sa akademiko
o pag-aaral.

D. Saklaw at Limitasyon SA PAG-AARAL

Pili lamang ang mga estudyanteng kinapanayam ukol sa


kanilang karanasan kapag may ekstra-kurikular na
gawain ang kanilang sinapiang organisasyon. Hindi
sakop ng pag – aaral na ito ang paglalahad ng mga
kwentong napagdaanan ng mga respondente. Ang iba
pang aspeto ng kanilang buhay, bukod sa pag-aaral, na
maaaring maapektuhan ng kanilang pagsali sa mga
gawaing ito, tulad ng relasyon sa pamilya, kaibigan,
pananampalataya, at iba pa, ay hindi na tinalakay sa
pag-aaral na ito. Bagama’t nagbigay ng pahapyaw na
pagtalakay ay nagpokus lamang ito sa mismong
implikasyon ng pagiging isang aktibong mag –aaral at
hindi na pinalawak pa ang mga detalye pagdating sa mga
emosyonal na aspeto bunga ng mga karanasan.
E. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAYAN SA
LITERATURA

Gawaing ekstra-kurikular – mga aktibidad na nasa


labas ng kurikulum ng isang unibersidad, kolehiyo o
paaralan
Organisasyon – isang grupo na may iisang hilig or
interes
Time management – praktis upang magamit ng maayos
ang oras
Career interest – propesyonal na karerang
kinahihiligan ng isang indibidwal

F. ISTRATIHIYANG GINAMIT AT DATOS

Depinisyon ng Gawaing Ekstra – Kurikular

Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na


artikulo sa Kidshealth.org, ang mga organisasyong ito ay
hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba't
ibang hilig ng mga mag-aaral. Halimbawa na dito ang
choir, dance club at drama club na

naglalayon mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga


talento. May mga organisasyon din na itinatag upang
maihayag ng mga mag-aaral ang kanilang nararamdaman
gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan.
Ang iba namang organisasyon ay binuo upang tipunin ang
mga taong may magkakaparehong hilig.

Sa dami ng mga organisasyon, tiyak na maraming


pagpipilian ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang
mga gawaing ekstra – kurikular ay uri ng mga gawaing
kadalasan isponsor ng mga paaralan o unibersidad. Ito
ay hindi kasama sa kurikulum na pang – akedemiko pero
kadalasang ginaganap ang mga aktibidades nito sa loob
ng paaralan o unibersidad. Kadalasan nangangailangan
ito ng oras maliban sa regular na araw ng pasok. Gaya
ng nasabi, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay
pwedeng magsimula kahit sa simpleng isports gaya ng
basketbol at balibol, at pati na rin sa pagkanta,
pagsayaw at pag – arte sa entablado.

G. PAGLALAHAD

1. Metodolohiya

a. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng


pamaraang deskriptib na pananaliksik. Sinubukang
ilarawan sa pag-aaral na ito ang maaaring implikasyon
ng pagiging miyembro ng isang ekstrakurikular na
organisasyon sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa
kolehiyo ng Narsing sa UST.

b. Instrumentong Pampananaliksik

Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na


kwestyoneyr ang pag-aaral na ito. Naghanda ng isang
interbyu – kwestyoneyr ang mga mananaliksik na
naglalayong din makangalap ng mga datos upang
malaman ang preperensya at damdamin ng mga
respondente sa pagpili ng organisasyong sasalihan, mga
salik na naka-aapekto sa pagpili ng organisasyon at ang
kaalaman nila sa maidudulot ng pagsali sa mga
organisasyon.
Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng
impormasyon sa internet upang makakuha pa ng iba
pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa
pagsali sa mga organisasyon ng mga mag-aaral.

c. Respondente
Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag
– aaral ng Kolehiyo ng Narsing na nabibilang sa mga
organisasyong pang – estudyante (student organizations)
sa kasalakuyang taon ng 2007 – 2008.

Batay sa random sampling mula sa mga uri ng


organisasyong pang – estudyante na napili ng grupo,
naipamigay ang interbyu – kwestyoneyr sa (4) apat na
miyembro ng NCBS, (4) apat na miyembro ng barsiti, (3)
tatlong miyembro ng NDT, (2) dalawang miyembro ng Red
Cross, at (3) tatlong miyembro ng Pax Romana. Ang
organisasyon ng Red Cross at

Pax Romana ay aming pagsasanibin sa isang grupo


pagdating sa tritment ng mga datos sa kadahilanan na
ang dalawang organisasyon na ito ay nasa ilalim ng
“service oriented” na organisasyon.

H. LAGOM NG KONKLUSYON

1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning matiyak
ang mga epekto ng mga ekstra-kurikular na gawain sa
mga kolehiyong mag – aaral ng Unibersidad ng Santo
Tomas Kolehiyo ng Narsing at upang patotohanan ang
epektibong gamit ng “Time Management” sa pag-hawak
ng kanilang mga responsibilidad bilang mga mag – aaral
na lider o miyembro ng mga organisasyon. Ang ginamit
na pamamaraan ay deskriptib at ang ginamit sa
pagsaliksik ng mga datos at impormasyon ay impormal
na interbyu. Lumikha ang mga mananaliksik ng isang
sarbey – kwestyoneyr na ginamit na instrument sa
pangangalap ng mg datos galing sa mga respondente.
Pili lamang ang mga estudyanteng ininterbyu tungkol sa
kanilang mga karanasan sa pagsali sa ekstra-kurikular
na gawain at nag-popokus lamang sa implikasyon ng
pagiging aktibong mag-aaral kaya’t hindi na pinalawak
ang mga detalye pagdating sa emosyon bunga ng mga
pinagdaanan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa
taong-akademiko 2007-2008.
Sa dalawampung (20) respondenteng estudyante na
aktibo sa ekstra-kurikular na gawain ay lahat ay may
positibong pananaw ukol dito. Batay naman sa tig-iisang
papel ng bawat estudyante ay walumpung por siyento
(80%) ng mga sagot nila ay may positibong epekto at ang
natitirang dalwampung por siyento (20%) ay may
negatibong epekto.

I.PAGLALAAN AT KONKLUSYON

Batay sa mga natamong datos at impormasyon, ang mga


mananaliksik ay nagwakas sa mga sumusunod na
kongklusyon:
a. Ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas
Kolehiyo ng Narsing ay sumasale sa mga eksta-kurikular
na gawain dahil: dito nagagamit ang kanilang mga
talento, ito ay holistic, naipadadama sa kanila na sila ay
parte ng kanilang kolehiyo o unibersidad, nailalabas ang
sariling mga ideya at saloobin, napabubuti ang kanilang
mga kakayahan, nagiging katangi-tangi at mabunga ang
buhay-kolehiyo, ito ay “stress outlet”, at may ibang
pagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.
b. Ang mga benepisyo ng pagsale ng mga mag-aaral sa
mga eksta-kurikular na gawain ay ang mga sumusunod:
dito nagagamet ang kanilang mga talento, ito ay holistic,

naipadadama sa kanila na sila ay parte ng kanilang


kolehiyo o unibersidad, nailalabas ang sariling mga
ideya at saloobin, napabubuti ang kanilang mga
kakayahan, nagiging katangi-tangi at mabunga ang
buhay-kolehiyo, ito ay “stress outlet”, at may ibang
pagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.

c. Ang mga epekto ng pagsali sa organisasyon sa pag-


aaral ng mga mag-aaral ay ang mga sumusnod: mas
napapatindi ang kanilang pag-aaral dahil sa pressure,
natuto sila magkaroon ng time management, nawawala
ang kanilang stress, nagkakaroon sila ng mga kaibigan
na makatutulong sa kanilang pag-aaral, nauubos ang
kanilang oras mag-aral, maaaring naipagpapalit ang
organisasyon kaysa sa pag-aaral, at nagkakaproblema sa
iskedyul.

d. Nakatutulong ang mga ekstra-kurikular na gawain sa


pagkaroon ng mataas na marka.

e. Nakatutulong ang mga ekstra-kurikular na gawain sa


pagkaroon ng mataas na marka sa
paraan na napauunlad ang kakayahan ng mga estudyante
dahil napipilitan silang tapusin ang mga demanda ng
pag-aaral at organisasyon.

3 .Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong
pagpapakumbabang iminumungkahi ang sumusunod na
rekumendasyong ito ng mga mananaliksik sa mga babasa
nitong pamanahong papel:

a.Para sa mga mag-aaral na nagnanais na makabilang sa


gawaing ekstra-kurikular, dapat munang siguraduhin na
kakayanin nilang pagsabayin ang kanilang pag-aaral sa
aktibidad na ito. Dapat din silang matutong mag-manage
ng kanilang oras upang maiwasan ang pag-aaksaya ng
mahahalagang oras lalung-lalo na sa mga mag-aaral na
sumali sa mahigit sa isang organisasyon.

b. Para naman sa mga magulang ng mga mag-aaral na


ito, dapat muna nilang isaalang alang ang kalusugan ng
kanilang mga anak bago nila kunsintihin ang kanilang
mga mga anak na sumali. Pag-tuunan din ng pansin ang
pag-aaral ng kanilang mga anak upang ma-monitor ang
kalagayan nila sa paaralan.
c. Para naman sa mga propesor ng kolehiyo ng nursing,
dapat bigyan nila ang mga mag-aaral ng weekly reports
ng kanilang grado sa iba’t ibang mga asignatura
sapagkat ito ay makakatulong sa pag monitor ng
kanilang lagay sa pag-aaral.

d. Para naman sa iba pang mga mananaliksik na


tatalakay sa pag-aaral na ito, palawakin pa at dagdagan
pa ng mga datos na may kaugnayan dito nang sa ganoon
ay mas mauunawaan ito ng mga taong babasa rito.

J. APENDIKS

Mahal na Respondente,
Magandang Araw!
Kami ay mga mag – aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang
nagsususulat ng isang pamanahong papel tungkol sa
Epekto ng Gawaing Ekstra – Kurikular sa Pag – aaral ng
mga Piling Estudyante na Kasapi ng mga Organisasyon
sa Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing.
Inihanda naming ang interbyu - kwestyoneyr na ito para
mangalap ng mga impormasyon ukol sa epekto ng
pagsali sa mga “student organizations” sa pag – aaral
ninyong mga estudyante ng Kolehiyo ng Narsing.
Kaya naman hinihiling namin na sagutan ang mga tanong
ng buong katapatan ang mga sumusunod na tanong.
Maraming salamat!
- Mga Mananaliksik

1. Aktibo ba ang organisasyong kinabibilangan mo?


2. Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon?
Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
3. Kamusta ang iyong pag – aaral?
4. Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang
pagsusulit?
5. Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
6. Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka
nakapaghanda?
7. Ikaw ba ay hindi nakakapasok sa klase dahil may
gawain ang organisasyon ninyo?
8. Ikaw ba ay nababahala tuwing aabsent sa klase?
9. Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student
organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
10. Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya
sa pagsali mo sa student organizations?
11. Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong
organisasyon?
12. May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo
mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
13. Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong
epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Negatibo ngunit hindi ganon ka grabe. Ibalanse ang pag-
aaral sa mga gawaing pang Ikaw ba ay may skedyul na
sinusundan sa pang – araw araw?
14. Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang
ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
15. Ikaw ba ang nakaisip ng paraan na ito o may
nagbahagi o nagpayo sa iyo?
16. Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa
iyong organisasyon?
17. Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa
iyong organisasyon?
18. Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
K. BIBLIOGRAPIYA

Extracurricular activity. Retrieved February 10, 2008,


from http://en.wikipedia.org/wiki/Extracurricular_activity
Extracurricular activities. Retrieved February 10, 2008,
from
http://www.kidshealth.org/teen/school_jobs/school/involv
ed_school.html
Expert reviewers. Retrieved February 10, 2008, from
http://www.kidshealth.org/parent/misc/reviewers.html
Hollrah, R. (n.d.). Extracurricular activities. Retrieved
February 10, 2008, from
http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/
cof.html
College admissions. Retrieved February 10, 2008, from
http://collegeapps.about.com/od/collegeapplications/a/ac
tivitytips.htm

TALAAN NG NILALAMAN

A. PANIMULA………………………………....1
B. MGA TIYAK NA LAYUNIN…………………2

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL…………3

D. SAKLAW AT LIMITASYON SA PAG-

AARAL..4

E. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA


KAUGNAYAN SA LITERATURA……………….5

F. ISTRATIHIYANG GINAMIT AT DATOS


PINAGKUNANG DATOS……………………….6

G. PAGLALAHAD………………………………7

H. PAGLALAAN AT KONKLUSYON………..…8

I. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON……
9

J. APENDIKS………………………………….10
Isang Pamanahong Papel ang

Ipinapasa kay

Gng. DAYAG

Ipinasa ni:

MARKY LUANG

Ika-08 NG ENERO 2010


ANG
SULIRANIN
AT
KAHALAGAHAN
NG PAG- AARAl

You might also like