You are on page 1of 5

Mga anyo ng panitikan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:


1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig
sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
Mga akdang pampanitikan
1. Mga akdang tuluyan
• Alamat
 Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga
tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan.
• Nobela
 Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari
-kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan
Elemento
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng
may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Uri
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan

• Anekdota
 Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at
hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga
tao.
• Pabula
 Ang pabula ay isang uri ng panitikan na ang mga karakter ay mga hayop o mga bagay na walang
buhay. Ito ay nabibigay ng moral na aral. Ang pabula ay may natatanging kaisipan.
• Parabula
 Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral
o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
• Maikling kwento
 Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring
hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may
isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang
bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa
mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito
ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa
buhay buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.
 MGA BAHAGI AT SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO:
 1.SIMULA
a.) Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang
papel na gaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta.
b.) Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
c.) Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
 2. GITNA
a.) Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
b.) Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.
c.) Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 3. WAKAS
a.) Kakalasan -- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan.
b.) Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
• Dula
 Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
 Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
 Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.
 Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang
kalutasan.
• Sanaysay
 Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.
 Dalawang uri ng sanaysay
 Pormal o Maanyo
 Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y
maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham
at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili
ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at
matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong
pagbibiro.
 Pamilyar o palagayan
 Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga
bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda
ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang
pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at
mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono
nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

• Talambuhay
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango
sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Mga uri ng talambuhay
Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda
1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng
ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may
akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang
bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking
galing ng mga ito.
Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman
1. Talambuhay na Karaniwan - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga
kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga nagging tungkulin, mga nagawa, at iba
pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad - hindi gaanong binibigyan-diin dito and mahahalagang
detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip
ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung
paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.

• Talumpati
 Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Mga bahagi ng talumpati
1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang
atensyon ng madla.
2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
3. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.
Paraan ng pagtatalumpati
1. Binabasa
2. Isinaulo
3. Binalangkas
4. Walang Paghahanda
Uri ng Talumpati
1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay papuri

• Balita
Isang paglalahad ng pang araw-araw na pangyayari tungkol sa lipunan, pamahalaan, sakuna,
paaralan, industriya, agham, at iba pang paksa maging sa ibayong dagat.
• Kwentong Bayan
 Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng
isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

2. Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
• Awit at Korido
 Ang awit ay isang deklarasyon ng pagkakaibigan at paghihirap ng isang tao na walang misteryo.
Ito ay may tono at sukat. Mayroon itong apat na linya na may tig-lalabindalawang pantig bawat
isa. Isang halimbawa nito ay ang kilalang nobela na Florante at Laura.
 Ang Awit ay mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran
at ang mga tauhan ay ang Hari't Reyna, Prinsepe at Prinsesa.
 Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng
mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
 Halimbawa
 Ang Ibong Adarna na tula ay isang halimbawa ng Korido dahil sa mga pantig nito at ang kuwentong parang
pang Espanyol.

• Epiko
 Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
 Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko [may titik o sa huli, isang pandiwa] ay isang paglalahad na
makabayani o bumabayani, samantalang ang epika [may titik a sa huli, isang pangngalan] ay tulang-bayani,
paglalahad na patula hinggil sa bayani.
• Sawikain
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
 idioma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
 motto - parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

• Salawikain
 Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.
 Heto ang ilan sa ating mga paboritong tagalog proverbs or words of wisdom:
 Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
 Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa
kasalan.
 Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
 Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring
maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging
dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.
 Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
 Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa
kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
 Kung hindi ukol, hindi bubukol.
 Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

• Bugtong
Ang bugtong ay isa sa mga kayamanan ng panitikang Tagalog kung saan nilalarawan nito ang
pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
 Ito ay madalas na naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
 Halimbawa:
Isang prinsesa nakaupo sa tasa.(sagot:Kasoy)

You might also like