You are on page 1of 4

\

Bigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapag-aral

Itinuturing pa ring pinakamahalagang kayamanan ang edukasyon sa ating mga Pilipino. Ito ang
kayamanang hindi mananakaw ninuman. Kaya ang pagnanais na makatapos ng pormal na edukasyon
ay patuloy na mithiin ng bawat Pilipino.

Muli, pinagtutuunan ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang paghikayat
sa mga kabataang hindi nakatapos ng kanilang pag-aaral na makapag-aral muli upang magkaroon ng
pagkakataong mabigyan ng trabaho sa pamahalaan. Kamakailan, nagbigay ang sektor ng edukasyon
accreditation examination na ibinigay ng DECS at Bureau of Informal Education sa mga kabataang
hindi nag-aaral at pati na rin sa mga matatandang nais magkaroon ng mas magandang oportunidad sa
buhay. Sa pamamagitan nito, sila ay maaari nang kumuha ng vocational course sa ilalim ng Technical
Education and Skills Development Authority. Ang magandang balita ay ang kanilang maaaring
pagpasok sa mga bakanteng posisyon sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan kung saan ang
kuwalipikasyon ay ang nakatapos lamang ng elementarya at sekondarya.

Ayon sa ulat ng DECS, mahigit sa 8,000 out of school youth ang kumuha ng pagsusulit na ito.
Isang magandang indikasyon sa maaring idulot nito sa ating ekonomiya sa bandang huli. Ang
pagkakaroon at paghahasa ng talento at kakayahan ng ating mga kabataan sa lalong ikauunlad ng ating
mga industriya at maaaring paglabas nila sa ating bansa para humanap ng mas magandang
kinabukasan.

Dito natin nakikita ang determinasyon ng ating mga kabataan na paunlarin ang kanilang mga
sarili para makaangat sa buhay. Kaya masasabi na may pag-asa ang ating bansa dahil sa kalakasan at
mithiin ng mga kabataan.

Lalo pa sanang palawigin at patibayin ang suportang ibinibigay ng pamahalaan sa pagbibigay


ng pagkakataon sa mga hindi makapag-aral.
5.6 milyong kabataang Pinoy hindi nag-aaral

MANILA, Philippines - Inamin ng Department of Education na umaabot na sa


nakapanlulumong 5.6 milyong kabataang Pinoy ang hindi nakapag-aaral ngayon sa buong bansa dahil
sa iba’t ibang rason.
Pangunahin umano sa mga dahilang ito ang labis na kahirapan sa maraming lugar sa Pilipinas
kung saan hindi makayanan ng mga pamilya ang pagtustos sa mga kagamitan sa paara lan kahit na
ginawang libre ang pag-aaral ng mga bata.
Dahil dito, target ng DepEd na kunin ang tulong ng mga local na pamahalaan sa pamamagitan
ng programang “Reaching All Children (REACH)” kung saan layon na mahikayat na makabalik sa mga
paaralan ang mga kabataan at makapag-aral.
Magiging tungkulin umano ng mga “local government units” na tukuyin ang mga “out of school
youths (OSY)” sa kanilang mga barangay at hikayatin na bumalik sa pag-aaral ang mga ito. (Danilo
Garcia)

EDITORYAL – Maraming bata ang hindi nakapag-aaral

UMAABOT na sa 1.207 million ang mga batang may edad anim na taon ang hindi nakapag-
aaral at nadadagdagan pa, ito ang sinabi ni Department of Education (DepEd) secretary Jesli Lapus.
Ayon kay Lapus, mula 2007 ay dumami ang mga batang hindi nakapag-aaral. May mga bata na kahit
nasa tamang gulang na para mag-grade one ay hindi magawang makapasok sa paaralan. At dinagdag
naman ni Lapus na mas marami ang mga batang dapat nasa school pero hindi makapag-aral. Tinata-
yang ang mga batang nasa tamang gulang na at hindi nakapag-aaral ay nasa 3.8 million.
Ang mga sinabi ni Lapus ay pinatotohanan naman ng surbey na sinagawa ng National Statistical
Coordination Board (NSCB) na nagsabing isa sa bawat anim na mga bata ang hindi nakapag-aaral.
Ayon sa NSCB, bumaba ng 83 percent ang mga batang nag-enroll sa primary noong school year 2006-
2007. At katulad ng sinabi ni Lapus, nagpahiwatig ang NSCB na patuloy pa ang pagkonti ng mga
batang nag-eenrol sa grade one o primary.
Nakababahala ang ganitong report na maraming bata ang napagkakaitang makatuklas ng
karunungan sa paaralan. Ang ganitong problema ay hindi nararapat isawalang tabi ng pamahalaan.
Dapat kumilos ang pamahalaan para matulungang maka-pasok ang mga bata lalo na ang mga anim na
taong gulang na dapat ay nasa unang baitang na. Ang gani-tong edad ng mga bata ay nararapat
marunong nang magsulat, magbasa at magbilang. Lubhang kaawa- awa ang mga bata kung
mapagkakaitang makasulat, makabasa at makapagbilang lalo’t nasa edad na.
Ang problemang ito ay nalalaman naman pala ng DepEd at dapat lamang na sila ang manguna
kung paano malulutas ang suliraning ito. Malaki ang nakalaang budget para sa edukasyon at nararapat
lamang na gamitin ito para matulungan ang mga kapus-palad na bata sa kanilang pag-aaral. Umisip
nang mahusay na paraan ang DepEd kung paano hindi mapag-iiwanan ang mga bata sa pag-aaral.
Ang kahirapan ng buhay ang isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti ang mga bata na nag-aaral.
Sa halip na mag-aral, nagbabanat ng buto ang mga bata para may maitulong sa kanilang mga
magulang. At natutuwa naman ang ilang magulang sapagkat musmos pa ay pinakikinabangan na.
Hindi dapat ganyan ang ugaliin ng mga magulang. Dapat nilang isipin kung paano mabibigyan ng
edukasyon ang mga anak.
Isa sa mga dahilan na hindi nakapagtatapos ng pag-aaral ang estudyante ay dahil sa kawalan ng
gana o marahil walang inspirasyon sa buhay.

Ang kahirapan sa pamilya ay isa ring dahilan. Dahil sa kairapan, napipilitang huminto sa pag-
aaral ang estudyante upang makatulong sa paghahanap-buhay.

Isa rin dito ang BISYO dahil dun nawawala ang kanilang konsentrasyon sa pag aaral na
humahantong sa pag hinto ng estudyante.

You might also like