You are on page 1of 16

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGUMBAYAN Bagumbayan, Tanauan City, Batangas

TAON XIII BLG. 1 HUNYO-OKTUBRE 2011

Sinag

MGA NILALAMAN

p.2

p.3

p.15

p.16

8th INTERNATIONAL MATH AND SCIENCE OLYMPIAD

Alo, bronze medalist


ni: Nikka M. Hernandez

Nag-uwi ng medalyang bronze si Kristiene Mae M. Alo sa kompetisyong 8th International Math and Science Olympiad (IMSO) na ginanap sa Camarines Sur, Naga City, Set. 2-6. Nilahukan ang nasabing Sumabak si Alo sa asignaturang Agham kung k o m p e t i s y o n n g m g a saan nakatanggap siya ng delegasyon mula sa 13 bansa sa medalyang bronze. Kasama Asya. Kabilang sa mga niyang dumalo sa nasabing lumahok ay mula sa China, kompetisyon si Gng. India, Iran, Malaysia, Nepal, E v a n g e l i n a M e r c a d o , Singapore, Sri Lanka, Thailand, Superbisor sa Agham,Gng. Taiwan, Hongkong, Indonesia, L o r e n a M . M a c a h i a , Pakistan at Pilipinas. Pangalawang Gurong Si Alo ay hinasa ng Tagapagsanay at iba pang mga k a n y a n g G u r o n g batang kalahok bilang Tagapagsanay, Gng. Rowena kinatawan ng Tanauan City. G. Batuhan.
IPAGMALAKI. Si Kristiene Mae at iba pang kinatawan ng bansa sa pagsisimula ng IMSO.

Obniala, unang pwesto sa Mathrathon


ni: Jean Lady Anne A. Juarez

Staffers, kampeon sa District Presscon


ni: Angela D. Mendenilla

Lumahok ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa District Press Conference na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 17. Sa Kategoryang Filipino Tinanghal na over-all champion sa Kategoryang naman ay 1st place sina Princess Filipino at naka-tie naman ang Jane Ricablanca sa Editorial p a a r a l a n s a S a n t o r s a Writing, Kathleen Mae De Kategoryang Ingles. Humakot Guzman sa Sports at Crissa ng panalo ang mga batang Dancalan sa Photojourn/ Laymamamahayag sa parehong outing. Nagwagi bilang 2nd kategorya. place si Abygail Dulay sa rd Kabilang sa naiuwing Editorial Cartooning, 3 place panalo sa Kategoryang Ingles sina Nicole Bagaforo sa Copy RETIRADONG PUNUNGGURO ay ang 1st place ni Jean Lady Reading/Headline Writing at Mabuyo, binigyang parangal Anne Juarez sa News Writing, Kristel Pangilinan sa Feature, ni: Lei Ann A. Salcedo Ma. Valerie Magpantay sa samantalang 6th place naman si Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Feature at John Carlo De Torres Nikka Hernandez sa News. Ito ang namutawi sa labi ni Gng. Elena O. Mabuyo, sa Editorial Cartooning. Lalahok ang mga batang punungguro ng Bagumbayan Elementary School Second placer naman si mamamahayag sa gaganaping Kristiene Mae Alo sa Editorial Division Schools Press nang bigyan siya ng parangal, BES, Agosto 18. Writing at 3rd place si Mc Devin C o n f e r e n c e ( D S P C ) s a Hindi ko mapigilan ang akong tahimik at hindi Joshua Juarez sa Sports. Oktubre. pagluha, labis ninyo ako ng palakibo dagdag pa niya. pinaligaya, nasabi pa ng Nabanggit ito ng retiradong punungguro. punungguro bilang paghingi Tuluyang nagpaalam sa ng paumanhin kung sakali paglilingkod ang punungguro mang may mga tao siyang sa edad niyang 63. Ang hindi napapansin kung sorpresang palatuntunan ay minsan. bilang pagpaparangal sa Ipagpatuloy nawa ninyo kaniya kasabay na rin ang a n g m a h u s a y n i n y o n g pagdiriwang ng kanyang pagtuturo at pagtutulungan sa kaarawan. ating paaralan, pagwawakas EMOSYONAL. Ang mga guro habang umaawit ng Happy Birthday para kay Gng. Mabuyo. Likas lamang talaga niya. Nanguna si Joshua Khian C. Obniala, nasa unang baitang sa Pansangay na kompetisyon sa Mathrathon na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 20. Lumahok sa nasabing pinakamataas na iskor at paligsahan ang mga nanalo sa ginawaran ng sertipiko ng iba pang distrito gayundin ang parangal nang araw ding iyon. Si Obniala ay tinuruan ng mga batang nanalo sa pribadong paaralan. Mula sa apat na purok kanyang Gurong Tagapagsanay kabilang na ang pribadong na si Gng. Abdolia M. p a a r a l a n k i n u h a a n g Gonzaga.

Balita
WORLD TEACHERS DAY

Austria, Imperial, nakilahok sa ULTRA


ni: Gem P. Bandojo

Nakilahok sina G. Alejandro C. Austria at Bb. Marilyn P. Imperial, mga guro sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa naganap na World Teachers' Day , ULTRA, Okt. 5. Si Austria ay naging Sinaksihan nila ang mga tagapagsanay kasama ng isa bilang ng palatuntunang pang guro , G. Xander inihanda. Maraming naging Castillo. Sinanay nila ang 32 panauhin. Kabilang na rito guro para sa cheering bilang ang mga artistang sina Anne espesyal na bilang habang Curtis, Ogie Alcasid , Sam ipinakikilala ang bawat Milby. Sam Concepcion at r e h i y o n n a n g n a s a b i n g iba pa. NAKIISA. Ang mga guro sa Tanauan ay lumahok sa selebrasyon sa ULTRA okasyon. Ang pagdalong ito ay Samantala, isa sa mga i n a a s a h a n g m a g i g i n g nasabing guro na sinanay ay inspirasyon upang ibahagi ng si Imperial, kasama ng iba dalawang guro sa iba pang ni: Jean Lady Anne A. Juarez pang guro at ang pamunuan mga guro ang karanasan at Dala ang mga walis tingting, pandakot at kalaykay, ng dibisyon ng lungsod. Sila a n g m g a p o s i t i b o n g nakiisa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping ay umalis ng ganap na ika- 3 pagpapahalaga para sa mga Pilipina ( KALIPI ) ng Barangay Bagumbayan sa n.u. nang araw na iyon. gurong katulad nila. Operasyon Linis, Agosto 30. Ang paglilinis ng daan , sako upang hindi na muling kapaligiran at mga kanal ay kumalat sa daan. Inilagay nila handog nila sa pamayanan ang mga ito sa lugar na upang makaiwas sa mga sakit madadaanan ng trak na tulad ng dengue. kukulekta sa basura. Sa pangunguna ng Kahit mahirap ang kanilang pinuno na si Gng. ginawa natin ay sulit naman Noemi Javier ay winalis nila dahil nakatulong naman tayo ang mga basurang nakabara sa sa ating mga kababaryo, wika mga kanal. Dinakot din nila ni Gng. Malou Carandang, ang mga ito at isinilid sa mga kasapi ng samahan.
TULUNG-TULONG. Nagkaisang maglinis ang samahan sa pamayanan.

Samahan ng KALIPI, nakiisa

RSPC, gaganapin
ni: Lei Anne A. Salcedo

Mga batang kulang sa timbang, sinuportahan


ni: Nikka M. Hernandez

Isandaan at apatnapu't walong (148) mag-aaral ang natutulungan sa isinasagawang Supplementary Feeding Program sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan. Pinakakain ng mga anak kong napakamapili sa mayaman sa karbohaydrata pagkain. Sana ipagpatuloy at mabitaminang pagkain ito dahil maraming bata ang ang mga mag-aaral na nakikinabang, sabi ng isang kulang sa timbang upang magulang. maging malusog at maiiwas Pinangungunahan ni sa anumang sakit na dulot ng Gng. Rebelyn C. Cabral, malnutrisyon. guro ng H.E. at tagapayo ng Napakalaking tulong b a w a t s e k s y o n a n g ng programang ito para sa pagpapakain.

Gaganapin ang Regional Schools Press Conference (RSPC) 2011 sa Lucena City na may temang 'Promoting Digital Literacy Through Campus Journalism', Dec. 3-7. Bilang paghahanda sa sangay upang mapaghandaan m g a m a n u n u l a t n a ang nasabing paligsahan. kakatawan sa ibat ibang Pangungunahan ang sangay ng Region IV- nasabing kompetisyon ni Dr. CALABARZON para sa A n a c l e t a M . C a b i g a o , Panrehiyon na paligsahan, P u n o n g - T a g a p a y o s a n a g d a r a o s n g m g a Pamamahayag, Sangay ng p a g s a s a n a y a n g b a w a t Tanauan City.

Enscima training, dinaluhan ng mga guro


ni: Angela D. Mendenilla

NAGSASANAY. Nag-uusap-usap ang mga guro para sa gagawing aktibidad sa Matematika.

Sa ikalawang pagkakataon, muling ginanap ang Enscima training sa Lungsod ng Tanauan, Mayo 2-14. Pinamunuan ang nasabing Gonzales sa Matematika at Gng. pagsasanay ng City School Evangelina Mercado sa Agham. Board sa pangunguna ni Layunin ng nasabing Kagalang-galang Mayor Sonia pagsasanay na paigtingin at Torres- Aquino sa pakikipag- madagdagan ang kaalaman ng koordinasyon nito sa pamunuan mga guro . ng Dela Salle University, Taft, Ginanap ang pambungad at Manila. pangwakas na palatuntunan sa S a m a n t a l a , nasabing unibersidad. nakipagtulungan naman ang Samantalang ang mga nalabing mga Pansangay na Tagamasid mga araw ay ginugol naman sa na sina Dr. Anacleta M. Cabigao Tanauan para sa aktuwal na sa Ingles, Gng. Gundalina pagsasanay.

Balita
ni: Gem P. Bandojo

Wikang Filipino, pinagyaman


Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, nagdaos ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan ng palatuntunan na may paksang-diwang ' Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas'. Para sa isang buwang pagdiriwang, ang paksa ay hinati-hati sa bawat lingo ng Agosto. Iba't ibang gawain an gang inihanda bilang pagtugon sa memorandum ng kagawaran. Isinakatuparan ang mga gawain tulad ng pagsusulat ng pormal at dipormal tungkol sa paksa at pagdaraos ng mga palatuntunan. Naging bahagi rin ng programa ang pagtatanghal ng Lakan at Lakambini ng Wi k a . N a g p a m a l a s n g angking galling sa pag-awit, pagtula, pagsayaw at pag-arte ang mga mag-aaral sa iba't ibang baiting. Itinanghal na Lakan ng Wika si Bjorn Castillo at Lakmbini ng Wika si Princess Ricablanca. Si Gng. Juan M. Ondo, gurong tagapag-ugnay sa Filipino ang namahala sa isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

PAGYAMANIN. Nagpapamalas ang mga mag-aaral ng katutubong sayaw.

Araw ng mga Guro, ginunita


ni: Angela D. Mendevilla

Sa layuning bigyang pagkilala ang kontribusyon ng mga guro sa lipunan at sa kauna-unahan ding pagkakataon, ginunita ang pagdiriwang ng World Teachers' Day sa buong Sangay ng Tanauan, Okt. 4. S i n i m u l a n a n g Superintendent, Dr. Corazon pagdiriwang ng isang parada B. Ocampo at mga Tagamasid kasama ang lahat ng mga guro ng Sangay ng Tanauan sa s a p a m p u b l i k o a t pangunguna ng Punong Abala pampribadong paaralan sa sa gawain na si Dr. Anacleta Sangay ng Tanauan. Sinundan M. Cabigao, Superbisor sa ito ng isang palatuntunan na Ingles. Ang nasabing aktibidad isinagawa sa Gym 1, Tanauan ay programa ng Kagawaran ng City hall. Edukasyon upang mabigyang Dinaluhan ang nasabing parangal ang mga guro sa programa nina Congressman lungsod pati na rin ang mga Sonny Collantes, Mayor retiradong mga guro. Sonia Torres- Aquino, Vice Nararapat lamang na PAHALAGAHAN. Kinilala ang mga guro bilang tagapagtaguyod ng edukasyon. Mayor Julius Ceasar Platon, bigyang-kahalagahan ang Chairman ng Edukasyon Atty. ating mga guro dahil sa Epimaco Magpantay at iba kanilang hindi matatawarang pang mga konsehal sa ambag sa kinabukasan ng mga lungsod. kabataan, wika ni Dr. ni: Jean Lady Anne A. Juarez Sinuportahan din ito ng C a b i g a o s a k a n y a n g Pitumpu't tatlong mga mag-aaral sa Ikaanim na S c h o o l s D i v i s i o n talumpati.. Baitang ng BES ang nabigayan ng pagkakataon na makapunta sa ilang lugar sa Lungsod ng Tanauan, Setyembre 6. Sa pagtutulungan ng Hacienda Darasa at Mabini Deped- Tanauan City at ng Shrine. ni: Lei Anne A. Salcedo Nagkaroon muna ng Nag-uwi ng ikatlong pwesto si Abygail B. Dulay, mag- pamahalaan ng Lungsod ng Ta n a u a n p a t u l o y n a aaral sa ikalimang baitang sa katatapos na Regional Level of isinasakatuparan ang lakbay- orientasyon at pagtalakay the 2011 World Food Day Nationwide On- The-Spot Poster aral ng mga mag-aaral bilang tungkol sa Lungsod ng Tanauan na ginanap sa Gym I sa Making Contest, Lungsod ng Calamba, Set. 30. bahagi ng paggunita sa ika-147 pangunguna ni Gng. Remie Layunin ng nasabing pagkagutom sa pamamagitan kaarawan ni Gat Apolinario A z u l b a g o h i n a y a a n g Mabini. pagsasanay na maimulat ang ng pagguhit. mapuntahan ang mga nasabing Iba-ibang sangay ay mga kabataan sa kakaiba at Ilan sa mga pinuntahan ng lugar. Gayundin, tinalakay ni malikhaing kontribusyon lumahok sa timpalak at mga mag-aaral ay ang Tanauan Gng. Olga Palacay ang upang mabigyan ng solusyon nagpakita ng kani-kanilang City Hall, Jose P. Laurel talambuhay ni Gat Apolinario at kahusayan Ancestral House, Museo ng Mabini bago naglibot ang mga ang suliraning hinaharap ng kakayahan ating bansa hinggil sa sa pagguhit gamit ang mga Tanauan, Tanauan City Library, bata sa Mabini Shrine. kahirapan sa buhay, sa bagay na may kaugnayan sa m a l n u t r i s y o n a t s a agrikultura at industriya.

Lakbay-aral, tagumpay na naisagawa

Dulay, nag-uwi ng ikatlong pwesto

Curfew sa Barangay, ipinatupad


ni: Nikka M. Hernandez

IPAALAM. Nakikinig ang mga mag-aaral habang inaanunsyo ang curfew ng pamunuan ng barangay.

Bunsod ng maraming reklamo ng mga magulang sa pag-uwi ng kanilang mga anak sa gabi, nagpatupad ang Pamunuan ng Barangay ng Bagumbayan ng curfew sa pamamagitan ng kanilang Ordinansa Blg. 602-2011 mula noong Okt. 1. Ito ay naglalayon na umaga. maiwasan ang pag-uwi ng Ayon sa pamunuan ng mga kabataan na may edad barangay ang sinumang 18 pababa sa kani-kanilang lumabag sa kautusan ay may bahay ng wala sa oras. Ang nakalaang parusa at layunin curfew ay mula ika-sampu ng lamang nila ang kabutihan ng gabi hanggang ikaapat ng mga kabataan.

Opinyon

Piliin ang nararapat


Sa Pilipinas, kontrobersyal ang Reproductive Health Bill (RH Bill) dahil ito ay di sinasang-ayunan ng maraming mananampalataya lalo na ang Simbahang Katoliko . Hanggang sa ngayon ay pinag- uusapan pa rin ang naturang batas . Kung pag-aaralan, may kabutihan at di kabutihang naidudulot ang RH Bill. Noong taong 2000, ang populasyon ng Pilipinas ay umabot sa 90M. Inaasahang ito ay madagdagan pa sa mga susunod na taon. Mapipigilan ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga tao sa tulong ng RH Bill. Ang batas na ito ay magtuturo sa bawat pamilyang Pilipino ng wastong paraan sa pagpaplano ng pamilya . Mababawasan ang bilang ng mga namamatay sa panganaganak dulot ng kakulangan ng kaalaman sa pagbubuntis. Ang bahagdan ng kahirapan ay tiyak na malilimitahan sapagkat ang distribusyon ng tulong na ipamamahagi ng pamahalan ay sasapat. Uunlad ng bahagya ang ekonomiya ng bansa kung maipapatupad ang batas. Maraming makakapag-aral, magkakahanapbuhay at mabibigyan ng wastong pangangalaga ang mga mamamayan tungkol sa kalusugan. Gayun pa man, di rin maipagkakaila na ang pag inom o paggamit ng artipisyal na medisina upang maiwasan ang pagdadalantao ay may masamang dulot sa kalusugan ng sinumang gagamit nito sapagkat ang pills, IUD, condom at maraming pang iba ay may mga kemikal na nilalaman na makasasama sa gumagamit nito. Kailangan lamang maipabatid sa bawat mag-asawa ang responsableng pagpapamilya. Matuloy man o hindi ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill, ang bawat mamamayang Pilipino ay malayang makapamili kung ano ang makakabuti at mas tamang gawin sa pagpaplano ng pamilya.

Limitahan ang paggamit


Hindi man maitatanggi na ang panahon ay patuloy sa pagbabago dulot ng mga imbensyong magpapadali, maglilibang, magpapaginhawa at magsusulong tungo sa pagunlad, malaki pa ring bahagi ang ginagampanan ng mga magulang upang ang pagkalulong ng mga kabataan sa paggamit ng mga makabagong gadyets ay magkakaroon ng limitasyon. Sa panahong ito ay hindi lamang mayayamang magulang ang nagagawang ibili ng laptop, cellphone, PSP,digicam, i-pad at iba't iba pang mga modernisadong kagamitan ang kanilang mga anak. Sa kagustuhan ng sinumang magulang na maisunod ang kanilang anak sa bilis, ginhawa at bilang dulot ng mga gamit na nabanggit, kahit mga pangkaraniwang magulang ay naibibili na rin ang kanilang mga anak ng mga bagay na ito. Subalit hinihikayat ng paaralan ang mga magulang upang sila ang gumabay sa mga kabataan upang ang paggamit ng mga gadyets na nabanggit ay hindi mauwi sa bisyo. Nararapat lamang na bigyan nila ng limitasyon ang oras ng paggamit ng mga kabataan. Nararapat lamang na matiyak ng bawat magulang na ang mga kagamitang bunga ng makabago at umuunlad na lipunan ay magamit lamang ng mga kabataan upang maisagawa ang kanilng mga takdang-aralin sa paaralan. Disiplina....disiplina....... at E disiplina ang kailangang maisagawa ng mga tahanan hinggil sa D kabataan sa makabago ekposyur ng mga at naka-aaliw na I mga kagamitang teknolohiya. Kung hindi ito T malibang ng gagawin, malamang na husto ang mga kabataan hanggang sa malulong at maging bisyo na O R sa kanila ang paggamit sa mga ito. ito ng Kung magagawa naman Y lubos, matitiyak na ang mga kagamitang ito ay sadyang magiging kapakiA pakinabang na gaya ng dahilan kung L bakit ang mga ito ay tinuklas at ginawa.

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGUMBAYAN


Bagumbayan, Tanauan City, Batangas
KRISTIENE MAE M. ALO Punong Patnugot MA. VALERIE P. MAGPANTAY Ikalawang Patnugot NIKKA M. HERNANDEZ ANGELA D. MENDENILLA JEAN LADY ANNE A. JUAREZ LEI ANNE A. SALCEDO GEM P. BANDOJO Tagapagbalita KRISTEL M. PANGILINAN KRISHA MAE C. PIAMONTE PRINCESS JANE D. RICABLANCA ROSELYNE M. CARANDANG ERICA P. NAZARETH Lathalain MC DEVIN JOSHUA A. JUAREZ EDMARK P. OPULENCIA KATHLEEN MAE A. DE GUZMAN ANDREW ERICKSON B. GUIANG NICOLE P. BAGAFORO Palakasan JOHN CARLO A. DE TORRES CRISS D. DANCALAN Tagaguhit ABYGAIL M. DULAY ALLIZA P. MILITAR

ROMA CECILIA M. ARMENTA ALEJANDRO C. AUSTRIA JUANA M. ONDO ANA RIZIE B. ORUGA JUANITA L. PAMPLONA Mga Gurong Tagapayo MARIA LINDA P. OPULENCIA VIVIAN L. PETRASANTA Konsultant ELENA O. MABUYO Punungguro

Opinyon
RATSADA
ni: Crissa D. Dancalan

Sa gatas ng ina, may sustansiya


Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo bilang 491 ay naipabatid sa mga mamamayan higit sa mga ina at anak ang kahalagahan ng gatas ng ina sa mga sanggol. Isulong ang Breastfeeding-Tama, Sapat at Eksklusibo(TSEK) ang naging tema ng buwan ng nutrisyon. Marami ang sumang-ayon na higit na kailangan ng mga sanggol ang gatas ng ina. Ito ay isang paraan upang makatipid ang isang pamilya at magkaroon ng wastong nutrisyon. Maiiwasan ang iba't ibang karamdaman mula pagkabata na isa sa nagiging hadlang sa pagkakaroon ng matalas na kaisipan. Lahat ng bagay ay makakamit kung susunod tayo sa mga tamang panuntunan sa buhay at mga payo ng mga taong higit na nakakaalam sapagkat ika nga Ang kalusugan ay kayamanan.

Liham sa Patnugot
Mahal na Patnugot, Magandang araw po sa inyo! Kapansin-pansin ang patuloy na pag-unlad ng paaralan sa larangan ng kompetisyon. Matagumpay na naiuwi ng mga kalahok ang karangalan sa pagpupunyagi sa pagsali sa mga contest, pang-isports man o pangakademiko. Nais ko pong ipaabot sa pamamagitan ng inyong pitak ang pagbati sa pamunuan ng paaralan, mga guro at mga mag-aaral sa pananatili bilang isa sa mga paaralang nahirang bilang Performing Schools. Gumagalang, Gng. Liza P. Militar Mahal kong Gng. Militar, Natutuwa po kami sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating paaralan. Makaaasa po kayo na ang inyong pagbati ay makakarating sa kinauukulan. Marami rin pong salamat sa walang sawa ninyo pagtangkilik sa ating pahayagan at pagtitiwala sa patnugutan ng Sinag. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal. Patnugot

TUTOK

ni: Ma. Valerie P. Magpantay

Famealy day ng mga Pilipino


Karamihan sa pamilyang Pilipino ay parehong naghahanapbuhay ang ama at ina upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Sa kadahilanang ito , lubhang nagiging abala ang mga magulang sa kanilang mga gawain . Subalit hindi ito sapat upang magkahiwa-hiwalay ang mga kasapi ng pamilya. Hindi pa rin nila nalilimutan ang matandang kaugalian na nararapat na magkasalo-salo sa oras ng pagkain. Dahil dito, nagkakaroon ng oras na mapagusapan ang mga bagay na mahahalaga at pagbibigay ng payo sa mga anak upang hindi maligaw ng landas. Kung lagi lamang itong isasagawa makakatiyak ang lahat na ang pamilyang Pilipino ay mananatiling matatag kaya laging tutukan ang ganitong gawain.

KOMENTARYO ni: Kristiene Mae M. Alo


Pagkakapit-kamay
Panahon na naman ng dengue. Parang sanay na tayong makarinig ng balita tungkol dito. Ngunit dapat pa rin tayong umalerto. Hindi dapat binabalewala ang pagkakataong dumating ito. Ngunit marunong na nga ang mga tao ngayon. Dahil na rin sa malawakang programa ng Department of Health (DOH) kung ano ang dapat gawin sa ganitong sakit, madali ng nabibigyang lunas at naiiwasan na ang pagdapo ng Dengue. Kaakibat din dito ang pamahalaang lokal at komunidad sa pagtutulungan sa patuloy na paglilinis ng mga kanal at estero na siyang pinamumuguran ng nakamamatay na lamok. Kasiya-siya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan. Sa palagay namin, natuto na ang ating mga kababayan at patuloy na ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

ISANG PAALALA
ni: Gem P. Bandojo

Magtipid..
Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay lubos na nagpapahirap at dagdag pasakit sa mga mamamayan. Dahil dito ay nangangailangan na maghigpit ng sinturon para magkasya ang pera sa mga gastusin. Alam nating lahat na kapag nadagdagan ang presyo ng langis ay kaakibat ang karagdagang halaga ng pangunahing bilihin. Maging ang ibang bagay na kailangan sa bahay, pangangatawan, at mga kagamitang hinggil sa edukasyon kasama na ang mga bayarin sa paaralan ay kasabay sa pagtaas kaya nadadagdagan din ang alalahanin ng mga mamamayan lalot higit sa mga magulang na apektado sa ganitong suliranin. Kaya nangangailangan tayo ng lubusang pagtitipid upang kahit na maliit ang badyet ay mapagkasya at matugunan ang ating mga pangangailangan.

Opinyon

6
PAGBULAY-BULAY
ni: Nicole P. Bagaforo

PULSO
Dahil sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan, nagpatupad si Pang. Benigno Aquino ng Executive Order No. 23 na naglalayon na maibalik sa dating sigla at ganda ang ating bansa. Hiningi namin ang opinyon ng ilan sa mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila ukol dito. Ito ang kanilang pahayag. Para sa akin, makabubuti ito sa ating bansa dahil maiiwasan na ang pagbabaha. Alam naman natin na ito ay dulot ng pagpuputol ng mga puno..Benedict P. Pamplona, Gr. VI-A Kung maisasagawa agad ito, masasagip din ang ating mga yamang-tubig. Maraming mga kababayan natin na pangingisda ang ikinabubuhay. William F. Manzanilla, Gr. IV-C Makakaligo na ulit ako sa ilog kapag nalinis na ito ng tuluyan. Jenina Mae C. Jallores, Gr. V-A Magiging luntian na ulit ang kabundukan at magiging maganda na ulit tingnan Ivan Jay G. Lanting, Gr. VI-A

Dating kaugalian, huwag kalimutan


Ang mundo ay punung-puno na ng mga makabagong teknolohiya. Saan man ay makikita at mararamdaman ang modernong agham. Subalit sa kabila ng lahat ng mga pagbabagong dulot ng iba't ibang imbensyon, higit pa ring dapat manaig ang pundasyong naitatag sa bawat kabataan ng kaniyang mga magulang at mga guro. Hindi pa rin maigugupo ng alinmang modernong kagamitan ang mga pagpapahalaga na naimulat ng mga magulang mula sa kamusmusan ng isang kabataan. Dapat manatiling masunurin, masipag, mapagmahal, magalang at maalalahanin sa tuwina. Ito ang mga naituro ng mga butihing magulang. Panatilihin ang wastong disiplina sa pag-aaral, kasipagan, pagsunod sa alituntunin at pagtupad sa mga pangako. Ito ang mga naituro ng mga guro. Sadyang anumang teknolohiya at modernisadong agham ay dapat gamitin lamang tungo sa pagunlad at hindi upang mababago ang mabuting pag-uugali ninuman.

ALAMIN NATIN
ni: Alizza P. Militar

Iwasan ang Junk Food

Kapansin-pansin sa mga kabataan ngayon ang pagkahilig sa pagkain ng 'junk food'. May kakaiba kasing lasa na parang hinahanap-hanap. Ngunit ano nga ba ang 'junk food'? Ito ay Maipagmamalaki na ulit natin sa buong mga sitsirya o pagkaing walang nakukuhang nutrisyon at mundo ang natural na yaman ng ating bansa sustansya. Sa literal na kahulugan nito, patapong pagkain ang ibig sabihin. Dan Rhoel M. Tanyag, Gr. V-A Alam ba natin na sa patuloy na pagkain nito ay posible tayong magkasakit? Hindi nga ba't may naririnig tayong Patuloy na mapoprotektahan ang pagkasira ng naospital dahil sa Urinary Track Infection (UTI) o sakit sa bato? Hindi gugustuhin ng ating mga magulang na mangyari ating ozone layer. ito. Huwag na nating hintayin. Rosan M. Parducho, Gr. V-B Masustansyang pagkain gaya ng mga gulay, prutas, tinapay at iba pang mga pagkaing mayaman sa protina, bitamina at mineral ang ating kainin. Nakapagpapalusog na, nakapagpapaganda pa ng katawan. Iwasan ang 'junk food'.
ni: Mc Devin Joshua A. Suarez

AKSYON

IDOL KITA
ni: Roselyne M. Carandang

Tagumpay na Proyekto
Isang tagumpay na proyekto ang pagsasaayos ng bubong ng gym ng Paaralang Elementarya ng Bagumbayan at bintana ng silid-aralan ng Grade IV-B. Pawang papuri ang ibinigay ng mga guro at magulang sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Tanauan. Naisagawa ang proyekto sa pamamagitan ng budget mula sa City School Board na ipinagkakaloob sa mga paaralan sa lungsod. Hindi na rin mababasa ang sahig ng entablado tuwing uulan dahil wala ng butas ang bubong nito. malaking tulong ito kapag may gaganaping palatuntunan ang paaralan. Labis na katuwaan lalo na ng mga bata dahil hindi na sila mangangamba na mabagsakan ng bubong at bintana. Nawa ay magtuloy-tuloy ang ganitong proyekto at huwag magsawa sa pagsuporta sa mga paaralan ang lokal na pamahalaan.

Most Beloved Teacher


Siya'y isang guro na hinahangaan ng mga mag-aaral na katulad ko. Simpleng tao, may dedikasyon sa trabaho at propesyonal. Wala siyang sinasayang na sandali sa pagtatrabaho. Sa umaga, makikita siya sa gitna ng ground ng paaralan, pag hindi siya magmo-mower, manu-mano niyang pinuputol ang mga damo. Nagtatanim ng ibat ibang uri ng gulay, may alagang bibe at iba pa. Maging ang mga basura sa paaralan inaayos din niya. Pag dumating ang oras ng klase niya, magtuturo naman siya. Ganoon ang routine niya araw-araw. Kapag may dapat i-repair sa paaralan andiyan na siya. Iyan si SIR JULIAN S. MAGPANTAY. Marunong din siyang tumingin sa pangangailangan ng mga kapwa ko mag-aaral. Nagpapayo sa amin kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral. Kaya naman ngayong Buwan ng mga Guro, si Sir Magpantay ang nagwaging Most Beloved Teacher. Nakita namin ang kabutihan niya. Itinuturing namin siyang pangalawang ama.

Editoryal
ISANG PANAWAGAN
ni: Kristiene Mae M. Alo

Pagsalamin sa sarili
Malinaw na sinasabi ko, Hanggat ginagawa ko ito sa iyo sa huling hininga ng aking buhay, ay gagawin mo din ito para sa akin at sa ibang tao.... Mt. 25:40 Ako ba ay nakatulong sa mga nangangailangan? Pinasaya ko ba ang mga nalulungkot? May ginawa na ba akong kabutihan sa mundong aking ginagalawan? Ito ang mga katanungang madalas kung ulit-ulitin. Katanungang sumaisip at napatunayang ako ay nabuhay sa isang magandang dahilan. Dahilan para tulungan ang aking kapwa na makita ang kagandahan ng buhay. Sa kabila ng mga kabiguan ay may mga pagkakataon pa rin na naghihintay tungo sa magandang bukas. May mga pagkakataon para sa gawain . Maging mahalaga tayong instrumento ng bawat nilalang tungo sa pagiging mas mabuti at kapaki-pakinabang na tao. Katulad ng lagi nating inaasahan, oportunidad o pagkakataon sa ating dinaraanan. Kaya huwag nating palampasin ang pagsasabing sa susunod ay susubukan ko. sa halip ay gawin na. Ngayon ang tamang oras upang pagsilbihan ang iba. Tandaan, kaya nating magbago at sa pamamagitan ng ngiti ay maaalis natin na nakasakit tayo sa ating kapwa. Sa maliliit nating salita na magaganda o mabuti ay nababawasan natin ang ibang sakit na dahilan ng iba. At sa simpleng pagsasama natin sa kanila sa ating mga panalangin ay napapanatili natin ang kanilang kaligtasan at maiwasan nila na malagay sila sa anumang kapahamakan. Suriin natin ang ating sarili, kung nasaan tayo hanggat nakatutulong tayo sa iba. Tayo ba ay nakatayo sa ating kinalalagyan? Minsan lang mabuhay sa mundo ang tao, kaya sa pamamagitan ng ating matulunging mga kamay, pananalita at gawa ay gawin natin ang bawat isa na malaman na ang mabuhay sa mundo ay mahalaga kung ito ay ibabahagi natin sa ating kapwa. Gawin natin na makabuluhan ang mabuhay sa mundo at maging instrumento ng pag-ibig, pag-asa at paniniwala sa Diyos.

Maging magalang
Isa sa mga naipamana ng ating mga magulang mula sa ating mga ninuno ay ang paghalik sa kamay o pagmamano. Tanda ito ng paggalang at pagrespeto sa kanila. Ngunit tila maraming kabataan ngayon ang hindi na gumagawa nito. Dala marahil ito ng unti- unting modernisasyon ng kapaligiran. 'Corny' o baduy sabi nila. Ngunit sa tingin ko, hindi. Paano magiging corny ang paghingi ng pagpapala sa mga nakatatanda? Tandaan nating mga kabataan na ang mga ginintuang-aral na nagmumula sa mga nakatatanda ay dadalhin natin hanggang sa tayo naman ang dumating sa punto na nangangaral sa mga susunod na henerasyon. Pakalimiin din natin na kung wala sila, wala din tayo dito sa mundong ating ginagalawan. Mag-isip-isip mga kaibigan. Hindi pa huli ang lahat upang magbago. Gawin ang nararapat at tama, ngayon.

BANTAY SARADO
ni: Jean Lady Anne A. Juarez

Ang Kalinisan ay Kalusugan


Ang wastong pagtatapon ng basura ay akmang akma sa mga mag-aaral upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paaralan. Bilang tugon dito, ang bawat bata sa silid-aralan ay may sistema ukol sa basura. Ang mga papel ay iniipon at ipinagbibili upang magamit ang pinagbilhan sa kapakipakinabang na bagay. Ang mga dahon na nawawalis sa bakuran ay ginagawang pataba sa mga halaman. Samantala, ang ibang basura ay isinisilid sa mga sako upang makuha ng trak ng basura tuwing Sabado. Sa ganitong paraan ay napapanatili ang kalinisan sa paaralan na sinasabing mukha ng barangay. Tunay na ang kalinisan ay kakambal ng kalusugan at ito ay maisasakatuparan sa bantay-saradong pagtutulungan ng mga guro at mag-aaral. Pamalagiin ang ganitong gawain sapagkat ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng malusog na katawan at matalas na pag-iisip.

T I N A P A Y N G

OPINYON PO LAMANG
ni: Ma. Valerie P. Magpantay

Pangarap ng Paslit
Batid ng lahat na ang paglalaro ang libangan ng mga batang paslit kagaya ng kindergarten. Bagamat naguumpisa silang turuan ng ABC at 123, nariyan pa rin at hinihintay ang oras na matapos ang kanilang pang-arawaraw na gawain. At pagkatapos nito, magtatatakbo at maglalaro sa labas ng kanilang klasrum. Ang ganda sanang pagmasdan ang mga batang ito na naglalaro sa talagang angkop na lugar at tamang kagamitan para sa kanila. Isang palaruan na may see saw o swing. Siguradong lalong makikita sa kanilang mga mata ang tuwa at saya. Opinyon lamang po, bakit hindi natin umpisahang magkaroon ng proyekto gaya nito? Hindi naman imposible diba? Napakatagal nang panahon na may kindergarten ang paaralan, sana'y mapansin ang mumunting pangarap na ito. Para rin naman ito sa ating mga mag-aaral.

B U H A Y

Panalangin: Panginoon naming Hesus, bigyan mo po kami ng kapaumbabaan. Naway maging daluyan kami ng pagpapala at panatilihing malakas ang katawan upang maging instrumento na magampanan ang aming gawain para sa iba.. Salamat po. Amen.

Lathalain Walang Alinlangang Pananampalataya


ni: Ericka P. Nazareth

Uhaaaa..uhaaaaa.. ang bumasag sa katahimikan ng puting-puting silid ng pagamutan. Iyak ng sanggol ang aking naririnig na animo'y nagpapahiwatig ng bagong sigla at pag-asa sa dalawang nilalang na labis na nagmamahalan. Sa musmos kong kaisipan, aking nasaksihan at napatunayan ang kakaibang kwento ng buhay ng aking nakatatandang kapatid. Tandang- tanda ko pa tatlong taon na ang nakalilipas.. Ate, bakit ba lagi kayong pumupunta ni kuya kay St. Jude? Ano ba ang kaya niyang ibigay sa atin? Bakit sa dinamidami ng santo, sa kanya pa kayo nagsisimba? tanong ko sa kanya. At sa tuwing tatanungin ko siya, ang tangi niyan sagot ay Mahal kong kapatid, naniniwala ako kay St. Jude. Papatnubayan niya ang aming pagmamahalan. Alam kong hindi niya kami bibiguin at pababayaan. Hindi nga nagkabula at humarap silang dalawa kay St. Jude upang magkaisang-dibdib. Ni katiting na alinlangan sa puso ng bawat isa na sumaksi ay di masisinag sa kanilang mga mukha. Pawang kasiyahan ang nadarama ng lahat para sa dalisay na pagmamahalan. Ngunit ang kaligayahang iyon na akala nilang walang katapusan ay nahalinhan ng pag-aalala at takot sapagkat napagalaman nilang mag-asawa na maaaring hindi magkaanak si Ate sa kadahilanang mahina ang kanyang puso at ang pagbubuntis ay maaari niyang ikamatay. Saksi ako kung paano yumangis ang aking kapatid. Wala siyang ibang hiling na sana ay mabiyayaan sila ng supling. Hindi sila sumuko sa pag-asang tutulungan sila at hindi bibiguin ni St. Jude. Walang Huwebes ng hapon ang kanilang pinalipas na hindi nananalangin at humihingi ng awa na sana ay tulungan sila ng santong kanilang pinagkakatiwalaan. Sa dami ng mga taong nagmamahal sa mag-asawa lalo na sa aking kapatid ni isa ay wala siyang pinakinggan na mag-ampon na lamang. Ang gusto pa rin niya ang nasunod, ang magkaroon ng sariling supling. Supling na nanggaling sa dugo at laman niya maging kapalit man ay buhay niya. Parang kailan lang na ang lahat ng takot at pag-aalala ay napalitan ng galak sa pagdating ng munting anghel na nagsilbing katuparan ng pag-asam ng dalawang pusong labis na nagmamahalan. Dalawang nilalang na ngayon ay nakatunghay sa sanggol na umiiyak na tila ba nagpapahiwatig ng bagong pag-asa at walang hanggang pasasalamat. At ngayon, hindi ko mawari kung bakit dinala rin ako ng aking mga paa kay St. Mahal kong kapatid, Jude. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ngunit batid ko sa aking puso naniniwala ako kay ang paniniwala sa kanya. Napatunayan ko sa aking sarili na hindi ako dapat nagSt. Jude. alinlangan noon, ang walang katapusang pagtatanong ko sa aking ate tungkol sa himala ni Papaynubayan Niya St. Jude ay nagkaroon na ng kasagutan. Tama si Ate. Walang alinlangang ang aming pagmamahalan. pananampalataya ang kailangan upang magkaroon ng katuparan ang iyong mga hiling sa Alam kong hindi kanya. Ipagkakaloob niya ito sa pinakatamang panahon. Tanging hiling ko lamang kay Niya kami bibiguin St. Jude na sana ay patuloy niyang gabayan ang paglaki ng munting anghel na kanyang at pababayaan. kaloob sa buhay ng aming pamilya. Nawa'y lumaki siyang mabuting tao. At kagaya ng aking kapatid, ituturo namin sa kanya ang pananampalatayang ito na tumulong sa paglikha ng pinakamamahal kong pamangkin, si EMMANUEL.

Lathalain
ni: Krisha Mae C. Piamonte

Riles..daan ng buhay
Munti mang pangarap ay magkakaroon ng katuparan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Maykapal'. Tsug.....tsug....tsug...., sa simula'y isa lang itong mahinang tunog ngunit habang papalapit, ito'y isang tila makapangyarihang nilalang na nakakapagpapahinto sa mga taong nakapaligid dito sa likha nitong nakabibinging ingay na animo'y isang bombang sumasabog. "Andyan na ang tren..........!", malakas na sigaw ng isang hubad na lalaki sabay bitbit ng kanyang upuan na kanina lamang ay nasa gitna ng riles. Abala na ang lahat sa tuwing maririnig nila ito, kanya-kanyang takbuhan para tumabi. Ang ibang may padyak ay hindi malaman kung paano ito bubuhatin. Pangkaraniwan na ang ganitong sitwasyon sa mga naninirahang malapit dito sa riles sa tuwing may paparating at daraang tren. Sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, makikita dito ang mga batang nagtatakbuhan na walang saplot sa katawan na diinaalintana ang init ng araw. Ganundin ang larawan kapag tagulan, masayang mga naglalaro sa ilalim ng malakas na ulan. Mga tambay na nagtumpukan, ang iba'y abala sa inuman, may nagtotong-it at nagka cara y cruz ang karamihan. May makikita ka ding abala sa paghihingutuhan. May mga nanay at tatay na walang inorasan ang bangayan. Sadyang napakahirap ng kondisyon ng mga taong naninirahan dito ngunit sa kakaibang paraan ng kanilang pamumuhay umiikot ang kanilang buhay. Sa kanilang simple ngunit mahirap na buhay, mababanaag ang kasiyahan ng kanilang pagtigil dito. Ngunit hindi si Dan.......isang sampung taong gulang na bata na kanina pa nagmamasid sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa kanyang kalooban, hindi ganito ang buhay na kanyang pinapangarap para sa kanyang pamilya. Magulo........ Maingay.........Siksikan..... parang walang direksyon ang buhay. Sa kanyang murang edad, ipinangako niya sa kanyang sarili na aalisin niya dito ang kanyang nanay at apat na kapatid. Dito kasi naganap ang isang trahedya, sa pagsagip ng kanyang ama sa kanyang kapatid ay nahagip ito ng paparating na tren. Kitang-kita niya ang mga pangyayari ngunit wala siyang nagawa. Sa isang iglap, wala na ang kanyang ama. Araw-araw, sa maliit na kapilya sa gilid ng riles, naglalaan siya ng oras upang hingin ang paggabay at pagpatnubay ng Poong Maykapal upang siya'y tulungan sa kanyang munting pangarap.....na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Isang mahinang tapik sa balikat ang nagpagising sa kanyang waring natutulog na isip. "Kuya Dan, halika na. Kanina pa naghihintay si Inay", wika ng kanyang bunsong kapatid. Maraming taon na nga pala ang lumipas ngunit wala siyang makitang malaking pagbabago sa lugar na kanyang sinilangan maliban sa makabagong tren na kadadaan lang. Nalungkot siya para sa mga taong dati niyang kasa-kasama. Heto siya ngayon.....isang matagumpay na negosyante na nagmamay-ari ng ilan sa malalaking kumpanya sa bansa. Ang kanyang pamilya ay nabigyan na din niya ng maginhawang buhay. Natupad na ang mga pangarap niya dahil sa kanyang pagsisikap, pagtitiyaga at pagtitiwala sa Diyos. Taun-taon, sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan panata na niya ang magbigay ng regalo sa mga naninirahan sa riles. Ito ang kanyang paraan ng pasasalamat dahil ang panahon na inilagi niya sa riles ng tren ang naging sandata upang siya ay maging matatag at mapaunlad ang kanyang sarili. "Sige, tara na", sambit niya sa kanyang kapatid. Sa kanyang pag-alis, muli y nilingon niya ang lugar na humubog sa kanyang pagkatao. Dito sa riles ng tren, nabuo ang kanyang munting pangarap. Patunay lamang na walang imposible kung ang lahat ng ating gagawin ay may kasamang panalangin at pagtiwala sa Diyos.

Telesuri

10 Lathalain 100 Days to Heaven


ni: Krisha Mae C. Piamonte

Kuha mo?, iyan ang laging sambit ni Madam Ana Manalastas. Marinig mo lamang ang pangalan niya, ang lakas na ng dating, sophisticated at waring napakataas, mahirap abutin. Ito nga marahil ang kanyang mga katangian noong nabubuhay pa siya, kaya naman ito din ang naging dahilan upang pagplanuhing wakasan ang kanyang buhay. Marami kasing taong lihim na may galit sa kanya. Nasaan na ngayon si Madam Ana? Patuloy ang paglalakbay niya patungong langit. Naritong muli siya sa mundo kung saan pinabalik siya ng Tagabantay sa langit upang bigyan ng pagkakataon na maituwid at maihingi ng tawad ang kanyang mga kamalian sa mga taong minsan niyang nasaktan, maging ang kanyang nag-iisang anak na si Sofia. Gagawin niya ang lahat ng ito bilang isang bata. Sa buhay nating mga Pinoy, maraming nadadala sa mga eksena sa teleseryeng ito. Madali kasi tayong nakaka-relate sa kwento. Gaano man kaimposible na makabalik sa lupa ang mga taong namatay na, walang nagiging imposible kung may mahalagang aral tayong natutunan dito. Ipinapakita lamang na gaano man kalupit ang isang tao, may kabutihan pa ring naitatago sa kaibuturan ng kanyang puso. Pag may problema, akala natin kaya laging lutasin ng nag-iisa, ngunit hindi, ang totoo kailangan natin ang kaagapay, kaibigan at mga mahal sa buhay. Sana'y malampasan ni Ana ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. Sana rin sa totoong buhay nating mga Pinoy, maging malakas at matatag tayo sa anumang suliranin at unos na ating kakaharapin.

Hagdan ng Karunungan
ni: Kristel M. Pangilinan Mula sa aking pagkabata at pagtuntong sa paaralan Maraming naging gabay upang mamulat sa kaalaman Nariyan ang mga magulang, guro maging kaibigan Sila ang nagtulung-tulong na mapanday ang kaisipan. Malaking tulong din ang inihahatid ng mga aklat Upang magkaroon ng edukasyon ang isipan salat Mga radio at telebisyon na may impormasyong sapat At ng matugunang lahat karunugang walang katapat. Matulin ngang lumipas mga araw na maaliwalas Hindi na namalayan mga panahon ay lumipas Mga dating kagamitan madali ring nagsikupas Dagling napalitan ng kompyuter na walang wakas. Naimbento ang internet kaya mga gawain ay napadali Mabilis nang magsaliksik upang di mapagod ang sarili Modernong teknolohiya tanging handog upang makapili At ng ating makamtan lahat ng karunungang minimithi.

Magsimula ka . . . . . . .
ni: Roselyne M. Carandang

Anumang nais mong pangarap ngayon ay simulan na Dahil may kasabihan tayo pag may hirap may ginhawa Kaagad iplano ang lahat habang may oras at maaga pa At mga kayang gawain sana'y huwag ng ipagpabukas pa. Katamaran mo'y iwaglit na at laging maging masigasig Sapagkat ang mga ito ay walang puwang sa daigdig Lahat ng nagiging tamad pawang gutom ang kapalit At kung masipag ka naman makakamtan mo ay langit. Pag-aralang maging masikap at mahalin ang gawain Upang ang kinang ng kapalaran ay iyong maangkin Panahon ay ginto at sana ay huwag itong sayangin Kung iyan ay masusunod pag-unlad ay tatamuhin. Kaya kumilos na at mga tamang landas ay tahakin Dagliang mapapasaiyo ang lahat mong hinihiling Mga ugaling masasama pagpilitan mong baguhin Upang sa darating na panahon tagumpay ay marating

Lathalain
Alamat ng Kasoy
ni: Princess Jane D. Ricablanca

11

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento. Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY. "Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras ding yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narinig niya ang paghingi ng tulong ng kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at ang kasoy naman ay tuwang-tuwa. Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada. Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada. Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas. (Halaw sa modersmal.net)

Rizal: Haligi ng Bayan


ni: Roselyne M. Carandang

Ang ating pambansang bayani sa katauhan ni Dr. Jose Rizal ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa pagkatao ng mga Pilipino. Nagsilbi rin siyang modelo sa bawat nabubuhay na Pilipino sa kanyang panahon hanggang sa kasalukuyan. Hindi lamang siya maituturing na bayani, mabuti siyang anak, kaibigan at higit sa lahat, mabuting mamamayan ng bayan. Maraming magagandang halimbawa ang naiambag niya sa ating bayan. Bata pa lamang ay kinakitaan na ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa pamilya. May taglay na di pangkaraniwang talino na nagpakadalubhasa sa maraming bagay kasama na ang pag-aaral ng medisina para sa inang si Teodora Alonzo. Sa paglipas ng panahon, hindi siya tumigil hanggat hindi nakakagawa ng paraan upang maipagtanggol ang kanyang kababayan. Gumamit ng pluma upang mailabas ang sakit na kanser ng kanyang lipunan na humantong sa pagkakadakip at pagpapatapon sa lugar na malayo sa kanyang kapamilya. Kahanga-hanga siyang tao dahil sa ipinakita niyang katapangan at pagmamahal sa bansa na naging magandang imahe sa mga Pilipino. Lumikha ng mga nobelang gumising sa kamalayan ng bawat Pilipino. Hindi man siya gumamit ng dahas sa pakikibaka, malaki naman ang naging epekto nito sa damdamin ng ating lipunan. Isang magandang ehemplo sa ating buhay ang bayaning si Rizal. Siya ay masasabing haligi ng ating bayan at maituturing na matibay na pundasyon na hindi matitibag sa kasaysayan ng Pilipinas. Modelo rin siya ng mga kabataan at may taglay na kakaibang karisma at pagmamahal sa kanyang mga kababayan. Ipinakita ni Rizal sa buong mundo ang kaibahan ng mga Pilipino, katalinuhang maipagmamalaki at kahusayan ng mga mamamayan. Kinatawan niya ang lahing Pilipino na hindi sumusuko sa laban at handang ibuhos ang pawis at buhay basta nararapat upang makamtan ng isang bayang nililiyag. Dahil sa mga ginintuang -aral at panulat ni Rizal, natanim sa isipan ng mga Pilipino na hindi hadlang ang kahirapan basta't nagtutulungan.

Lathalain

12

KA NA BA?

DIGITAL

ni: Krisha Mae C. Piamonte

Alibata, pamilyar pa ba kayo dito? Natatandaan ko pa ang sabi ni Lolo na tinuruan daw siya noon ng Tatay niya ng pagsulat. Alibata nga daw ang tawag dun. Di ko naman alam kung ano ang hitsura noon, basta iba raw ito sa mga letra ng ating alpabeto ngayon. Hindi na kasi ito ginagamit ngayon ng karamihan kumbaga eh luma na at pang history na lang. Iba na kasi ang buhay ngayon, digital na daw, mas madali.......... mas mabilis. At kailangang sumunod tayo sa agos ng pamumuhay kundi ay mapapag iwanan tayo. Ma ki- us o ..........m a ki-in....... upang makahabol sa pag-inog ng makabagong mundo. Maraming bagay na ang sa ngayon ay hindi na masyadong nagagamit dahil napalitan na ng mas bago at mas madaling gamiting mga gadget. Sa tulong ng Siyensya ay nakatuklas ng mga kagamitang pinipindot pindot lang eh makakagawa na ng maraming bagay. Nangunguna na sa listahan ang cellular phone. Hindi na kailangang maghintay ng matagal upang makatanggap ng mensahe mula sa inyong kaibigan o kapamilya. Isang pindot lang,,,,,,,,, Presto, naipadala mo na o nakatanggap ka na ng mensahe. Pwede mo pang makausap ang isang taong nasa malayo kahit sa ibang bansa pa. Pati pagpapadala ng pera di ka na aabutin ng siyam siyam. Sa mga Padala Centers itinetext na lang. Maging pagwiwidraw ng pera sa bangko anumang oras na naisin mo ay maari ng magawa dahil sa mga ATM o Automated Teller Machines. Sa mga paaralan at opisina ay malaking tulong din ang kaalaman sa teknolohiyang digital. Kung dati'y tagaktak na ang pawis at pudpod na ang daliri sa kamamakinilya, ngayon papindot pindot na lang at pwede pang mabura gamit ang laptop at desktop. Hindi na nahihirapan sina Ma'am sa paggawa ng test at pagkukwenta ng aming marka. Malaking tulong din ang mga computer sa paggawa ng aming mga takdang aralin dahil madali ng magresearch gamit ang internet. Si Papa nga na isang seaman ay parang lagi rin naming kasama dahil lagi namin siyang nakakausap gamit ang Skype. Si Mama na hindi dati marunong, sa kapipindot lang aba'y natuto na at ngayon may Facebook account pa. Di naman daw kasi mahirap matutunan at madali lang pag-aralan. Noong isang buwan nanggaling kami sa dentista. At alam nyo ba? Pati sila digital na. Madaling nakita ni Dra. ang sira ng aking ngipin at nabigyan kaagad niya ng lunas gamit lang ang kanyang makina na digital. Maging sa medesina, malaking tulong ang kaalaman sa paggamit ng mga kasangkapang digital. Mas napapadali ang paggaling ng pasyente dahil mas madaling natutukoy ang kanilang karamdaman. Salamat sa makabagong teknolohiya dahil sa ang mundong dati'y usad-pagong ngayon ay kaytulin na. Ngunit hindi rin naman natin dapat kalimutan ang nakaraan sapagkat sila pa rin ang salamin ng ating kaunlaran. Manapa'y dapat silang itago sa sulok ng ating puso pagkat sa kanila nag-ugat ang ating buhay.

Lathalain
Higit pa sa Ginto
ni: Kristel M. Pangilinan

13

May hihigit pa ba sa ginto? Ito ang katanungang pumasok sa aking isip nang makakita ako sa internet ng larawan ng kayamanan ng pinakamayamang tao sa buong mundo. Ang kanyang naglalakihang mansyon, magagarang sasakyan, mamahaling kasangkapan at bunton ng salapi, alahas at ginto ay palatandaan ng yamang kanyang tinatamasa. Nakamit niya ang lahat ng iyon dahil sa kanyang talino at kasipagan. Ngunit ito na ba talaga ang ginto at di-mapapantayang kasiyahan sa buhay? Sa aking pagmumuni-muni ay biglang sumagi ang video ng isang taong nananawagan. Matagal na raw niyang hinahanap ang isang taong naging susi sa kanyang kayamanan. Kailangan daw niya itong makita upang lubos na mapasalamatan. Ibig sabihin, talagang napakahalaga sa kanya ng taong iyon upang pagbuhusan niya ng panahon sa paghahanap kahit matagal ng panahon ang nakalipas. Sino ba ang kanyang hinahanap? Ahhh.ang kanyang guro sa ikaanim na baitang, ang naging dahilan ng kanyang pagyabong at pagyaman. Marahil si Ma'am ngayon ay uugud-ugod na. Kulubut na ang balat at malabo na ang mata, ang namutawi sa bibig ng taong nananawagan.. Subalit kahit maging ano pa man ang kanyang hitsura ngayon, alam kong mga pangaral at payo, katimpian at pag-aaruga, katiyagaan at kasipagan ay patuloy pa ring nabubuhay sa kaibuturan ng aking pagkatao, dagdag pa niya. Ako kasi ang masasabing pinakawalang kwentang estudyante noon. Kumbaga eh 'Teachers Enemy No.1'. Grade Six pa lang eh ang dami ko ng nagaawang kalokohan. Subalit sa kabila ng lahat ng iyon ay buong-puso akong tinuruan at buong pagtitiyagang sinubaybayan at inunawa ni Ma'am. Alam kong siya'y nahirapan pero dahil sa kanyang dedikasyon at puso sa kanyang tungkulin , pilit pa rin niya kaming ginabayan, tinuruan ng mga aralin at kagandahang-asal. At ngayon nga ay nais ko siyang makita at makausap upang ang lahat ng kanyang binhing itinanim na amin ay makita siyang hitik sa bunga. 'Ma'am ,Thank You Very much for making a difference in our lives', pagkatatapos niya. Ngayon ay nabigyan ng kasagutan ang aking katanungan. Ang guro ay isang kayamanan na higit pa sa ginto dahil ang mga payo at pangaral niya ay maaring baunin hanggang kabilang buhay at di-kayang mabili ng gaano mang halaga sa salapi. Ang mga aral at dunong na kanyang itinanim ay maaring magpasalin-salin. Di tulad ng ginto na mabilis maglaho at pwede pang nakawin.

Isports
Laro ng Lahi:

14

Tumbang Preso
Ang Pilipino ay likas na mahilig maglaro. Sapul sa pagkabata ay marunong nang maglaro gamit ang iba't ibang bahagi ng katawan upang maipakita ang bilis ng paggalaw, lakas maging talas ng pag-iisip. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Ang mga bata ay mamimili ng taya sa pamamagitan ng kamay. Tinatawag itong maiba taya o maiba alis. Guguhit ng bilog sa palibot ng lata at ilalagay sa gitna . Ang taya ay tatayo sa may malapit sa lata at ang ibang manlalaro ay pipili sa manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto. Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanilang mga tsinelas. Pagtinamaan ng unang manlalaro ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago pa man maibalik ng taya ang lata sa puwesto. Pag hindi natamaan ng unang manlalaro ang lata ay tatayo siya sa lugar na kung saan nakalagay ang kanyang tsinelas at maghihintay sa pangalawang manlalaro na patumbahin ng lata. Kung mabilis ang lata ng taya at mabalik niya ito sa puwesto at maabutan ang manlalarong kumukuha ng tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay siyang taya. Hindi maaaring tayain kung hindi nakatama sa lata at pag hindi nahahawakan ang kanyang tsinelas. Hindi pwedeng bumalik sa manuhan kung hindi niya nakukuha ang kanyang tsinelas. Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa may guhit na bilog sa lata, maaring tapakan ng taya ang tsinelas sabay tapak sa lata. Sa ganitong paraan ang may-ari ng tsinelas na natapakan ay siyang magiging taya.

EDITORYAL

Labang dapat ipanalo


Sa larangan ng palakasan, bawat laro, oras at laban ay mahalaga, na sa pakikipagtunggali ay may katapat na malaking pagbabago sa buhay ng manlalaro. Sa pagtatapos may panalo at may talo. Tulad ng isang laro, ganito rin ang pag-aaral, nay nangunguna at may nahuhuli. Ano nga bang uri ng buhay ang masasabi natin sa isang atletang mag-aaral na kung saan mayroong dalawang laban na dapat niyang ipanalo? Dapat nga bang pagsabayin ang pag-aaral at isports para makamit ang rurok ng tagumpay sa buhay ng atletang magaaral? Ano nga ba ang sukatan kung gaano kagaling ang mag-aaral? Batay sa pag-aaral, angking talino at galing sa partisipasyon, pagsusulit, dami ng napanalunang paligsahan at pakikibahagi sa mga organisasyon ang kailangang taglay ng mag-aaral upang manguna sa klase. Batayan na mas nakaaangat ang akademiko sa cocurricular activities. Bagamat nakaaangat kailangan pa ring sumali sa anumang co-curricular activities upang mapaunlad at mapalawak ang kasanayan sa pansariling pag-unlad. Hindi naman masama kung pagsabayin ang akademiko at co-curricular bastat bibigyan lamang ng tamang oras ang bawat isa. Hindi hadlang ang isports sa pag-aaral. Tamang balanse lamang ang kailangan upang maipanalo ang larong para sa magandang kinabukasan.
EV ENT S V O LLE Y B A LL B oy s G irls S E P A K TA K RA W B oy s B A DM INTO N S ING LE A B oy s G irls B A DM INTO N S ING LE B B oy s G irls B A DM INTO N DO UB LE B oy s G irls CHE S S B oy s G irls CHE S S B oy s G irls 100-M B oy s G irls 200M B oy s G irls Javelin Throw B oy s G irls YEL L O W T EAM 3 rd 2 nd 2
nd

Kaalaman sa Chess, pinalawak


ni: Mc Devin Joshua A. Juarez

Sa pagtutulungan ng Department of Education (DepEd) na pinamununuan ni Gng. Rosario R. Tolentino, EPS I_MSEP at SK Federation sa pangunguna ni Kgg. Gileen Canobas, nagkaroon ng libreng pagsasanay sa chess na ginanap sa Tanauan City Event Center, Agosto 13, 20, 28. Nilahukan ang naturang Layunin nito na madagdagan, mahasa ang p a g s a s a n a y n g m g a kasanayan at maihanda ang manlalarong kakatawan sa bawat manlalaro sa larangan Sangay ng Tanauan City. Kabilang dito ang tatlong ng chess. Pinangunahan ito ni manlalaro ng Paaralang Prospero Pichay, Presidente Elementarya ng Bagumbayan n g C h e s s F e d e r a t i o n na sina Mark Daniel Garcia, k a t u w a n g a n g t a t l o n g Godwin Oswald Roxas at grandmasters na sina Eugene Theresa Yvonne De Guzman Torre, Wesley So at Mark kasama si Bb. Mildred C. Cacao, gurong tagapagsanay. Paragua Gonzales.

RED T EAM 2
nd

BL UE T EAM 4th 1s t 3 rd 2 nd 2 nd 2 nd 1s t 4th 1s t 1s t 2 nd 4th 1s t 1s t 2 nd 1s t 2 nd 3 rd 1s t

W HIT E T EAM 1s t 3 rd 1s t 1s t 1s t 4th 3 rd 3 rd 2 nd 2 nd 3 rd 3 rd 4th 2 nd 3 rd 2 nd 3 rd 1s t 3 rd

4th 4th 4th 4th 3 rd 4th 2 nd 4th 3 rd 4th 1s t 2 nd 3 rd 4th 4th 4th 2 nd 4th

3 rd 3 rd 1s t 2 nd 1s t 3 rd 4th 1s t 2 nd 3 rd 4th 1s t 3 rd 1s t 4th 2 nd

15 Isports Palarong Pampaaralan, ginanap


ni: Kathleen Mae A. De Guzman

HANDA NA KAMI. Ang mga mag-aaral at mga guro sa pagbubukas ng School Intrams.

Upang lalong madagdagan ang kasanayan at kaalaman ng bawat manlalaro, ginanap at pinasigla ang palarong pampaaralan sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan, Agosto 5. Pinasimulan ng isang ng loob ng mga manlalaro sa maikling palatuntunan ang pasimula pa lamang ng laro. isinagawang palarong Bumandila ang Blue pampaaralan na agad namang Team sa ibat ibang laro laban sinundan ng ibat ibang laro. sa ibang koponan. Animo ay piyesta sa hindi Naging matagumpay ang magkamayaw na hiyawan ang palaro at bawat isa ay may lahat ng manonood dahil sa uwing ngiti nang maidaos ang ipinamalas na lakas at tibay paligsahan.

Blue Team, pinataob ang White Team, 25-16


ni: Edmark P. Opulencia

Napuno ng malalakas na sigawan ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa ipinamalas ng mga manlalaro sa volleyball, Agosto 5. Gamit ang nag-aapoy na ang kanilang iskor na 25-25. Sa ikalawang set ay hindi depensa at matalinong taktika, nagpakitang-gilas na pumayag ang Blue Team agad ang Blue Team sa unang na matalo. Nagpakawala ang s e t p a l a m a n g s a koponan ng makalaglag pamamagitan ng malalakas matang laro na nagpataob sa na serbis para sa kanilang White Team sa iskor na 25katunggali na White Team. 16. KAYA NATIN ITO. Ang mga manlalaro ng volleyball na N a k i p a g k a m a y a n g nagpapalakasan ng palo sa bola. Hindi naman nagpadaig ang White Team at bumawi ang White Team sa Blue Team mga ito ng malabombang bilang tanda ng pagiging serbis kaya naging pareho isports.
ni: Nicole P. Bagaforo

Magpantay, tinanghal na Miss Intrams

GANDA NG NGITI. Si Ma. Valerie Magpantay ang nagwaging Miss Intrams.

Tinanghal na Miss Intrams si Ma. Valerie P. Magpantay sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa ginanap na Palarong Pampaaralan, Agosto 5. Masigabong palakpakan kanyang mga katunggali mula ang pumailanlang sa pandinig sa iba pang team. ng mga manlalaro at ibang Ang mga guro sa mga manonood habang paaralan, ilang opisyales ng rumarampa sa entablado si PTA at barangay ang mga Magpantay sa kanyang nagsilbing hurado sa nasabing kasuotan. Nabihag ng kanyang paligsahan. Si Magpantay ang kagandahan at matatamis na l a l a h o k p a r a m a g i n g ngiti ang mga hurado na kinatawan ng paaralan sa naging panlaban niya sa Palarong Pampurok.

KOMIK ISTRIP

ni: John Carlo A. De Torres

Sinag

ISP RTS
BES, namayagpag sa palarong pampurok
ni: Mc Devin Joshua A. Juarez

Nanguna ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa nakaraang Pampurok na Palaro na ginanap sa Tanauan City High School, Set. 9-10. Humakot ng parangal ang mga manlalaro ng paaralan sa ibat ibang larangan ng isports. Bumandila sa unang pwesto ang mga manlalaro sa Badminton doubles boys, sepak takraw at 800 m-dash. Nagkamit naman ng ikalawang pwesto ang chess girls, 1500 m-dash girls at 400 m- dash girls. Lalahok ang mga nagkamit ng unang pwesto sa Pansangay na palaro kaya ibayong pag-eensayo ang kanilang pinaghahandaan.
LAKAS NG LOOB. Determinasyon ang puhunan ng koponan upang maiuwi ang kampeonato.

Reyes, umani ng dalawang panalo


ni: Edmark P. Opulencia

Nag-uwi ng dalawang karangalan si Abigail Reyes sa ginanap na Palarong Pampurok sa Tanauan City High School, Setyembre 9.
Taglay ang lakas ng pulso, tikas at liksi ay napataob ni Abigail Reyes ang kanyang katunggali kaya nasungkit niya agad ang minimithi ng unang puwesto sa Javelin Throw. Gumamit din ng malakidlat na bilis at humaharurot na puwersa nakamit niya ang ikalawang puwesto sa discuss throw. Sa pasimula pa lamang ng paligsahan ay nagpamalas na siya ng sigla kaya nakapag-uwi ng dalawang karangalan. Ipinakita ko lang ang aking makakaya upang masungkit ang tagumpay, ani Reyes

Kickers, inilampaso ang Bombers, 15-19, 15-6


ni: Andrew Erickson M. Guiang

Napuno ng nakabibinging tilian ang covered court ng Tanauan City High School nang masungkit ng Kickers ang pagkapanalo sa ginanap na Palarong Pampurok, Set. 9. S a u n a n g s e t a y pamatay na sipa laban sa nagpakitang-gilas agad si katunggaling koponan na Edmark P. Opulencia ng umungos ng 6 puntos sa iskor Bagumbayan Kickers. Hindi 15-9. naman nagpadaig si Carlo Sa ikalawang set, higit Rivera ng South Bombers. na naging maingat at tiyak S a p a m a m a g i t a n n g ang bawat sipa ng Kickers na malakidlat at malapader na nagpasuko sa kanilang sipa ay nagmistulang kalaban. Pinakain ng lantang gulay ang mga alikabok ang Bombers at bombers. Hindi alintana ng walang sinayang na tira ang Kickers ang lakas ng hangin Kickers na siyang nagpataob sa pagpapamalas ng mga sa Bombers sa iskor na 15-6.

Smashers, pinulbos ang Netters


ni: Nicole P. Bagaforo

TALAS NG MATA. Sina Devin at Ace habang hinihintay ang papaluing shuttle cock. SPORTS TRIVIA

Si Allan Caidic ang may record ng Most Points Scored in One Game para sa isang Filipino player sa PBA. Nakagawa siya ng 71 points noong ika-21 ng Nobyembre, 1991. 1991.

Gamit ang malakidlat na smash at nakamamatay na serbis, nagawa ng kahanga-hangang Bagumbayan Smashers na ibasura ang TSCS Netters sa Badminton sa ginanap na Palarong Pampurok sa Tanauan City High School, Set. 9. Sa umpisa pa lamang ay Juarez na kapwa manlalaro ng nagpakitang gilas na ang mga Smashers. Nagpamalas sila manlalaro ng Smashers ng walang katulad na galing dahilan upang makalamang upang makaungos ng lima, sila ng tatlo, 14-11. Ginamit 15-10. Nagpakita ang Netters naman ng Netters ang ng kakaibang enerhiya upang kanilang lakas at puwersa makahabol ng dalawa, 17-12. upang lumamang ng dalawa, Ngunit nananatili pa ring 14-16. Hindi nagpatalo ang matatag ang Smashers na Smashers at sinungkit ang n a g b u n g a n g k a n i l a n g unang set, 21-16. pagkapanalo, 17-12. Sa ikalawang set, Pinaghandaan talaga nagsimula agad mag-init sina namin ang araw na ito, ani Ace Llorca at Mc Devin Juarez.

You might also like