You are on page 1of 5

Suring Pelikula I.

Introduksyon Sa buhay nga naman ng tao, hindi mo masasabi kung kelan darating and taong nakatakda para sa iyo, Destiny nga diba? May mga tao diyan, nahanap na ang mahal nila, at yun iba naman,patuloy sa paghahanap. Madalas sa buhay ay ang nakakatuluyan natin ay yung mga taong minsan na nating nakita sa isang lugar, naka-engkwentro, nakausap, kilala mo na pero hindi mo mamamalayan na sa hinaharap, siya pala ang nakatakda para paglaanan mo ng pagmamahal mo. Ang daming paraan no? Maswerte ka kung nahanap mo na ang iyong mamahalin habang buhay pero hindi naman ibig sabihin ay malas ka kung sa tanda mong iyan ay wala parin si mr. right o kaya naman si ms. Right. Sa pag-iibigan ng dalawang mag-nobyo makakatuklas tayo ng dalawang uri ng tao, yung dakila kung mag mahal (martyr) at yung dilat ang puso at mata kapag umiibig. Nakaklungkot nga lang isipin, mas marami sa mga kababaihan ang nagiging martyr sa mga relasyon nila, yung tipong patuloy parin nilang minamahal ang kanilang mga nobyo kahit alam nilang tama lang na dapat na nila itong hiwalayan. Sa isang relasyon, di natin maiiwasang magbabagot magbabago ang isa sa kanila o kaya naman silang dalawa. Ang dapat lang na tandaan sa isang relasyon ay ang pagiging bukas ng isipan sa mga pagbabago ngunit ang pagiging bukas rin ng isipan kung tama parin ba ito o hindi, kung hindi, matutong magkaroon ng pag-uusap o komunikasyon sa bawat isa. Kung minsan alam nating patungo na ang isang relasyon sa paghihiwalayan ngunit hindi maaaring isa sa inyo ay patuloy ang pagkapit at patuloy ang paniniwalang makakayanan niyo parin ito. A. Kaligiran ng Pag-aaral Till My Heartaches End isang pelikulang nagpamalas ng pag-iibigan ng dalawang indibidwal na sa kalaunan ay naging pag-iibigan ng dalawang magkaibang indibidwal. Naipamalas ng pelikulang ito na sa isang relasyon, dapat magkaroon ng pagkakauawaan ang bawat isa sa lahat ng bagay na kanilang napagdadaanan. Simula 1.1 Tauhan
Kim Chiu as Agnes Garcia Gerald Anderson as Paolo Powie Barredo Matet De Leon as Gemma Guji Lorenzana as John Desiree Del Valle as Lea Nia Dolino as Maricar Martin del Rosario as Wally Manuel Chua as Carlo Kakai Bautista as Susan Enrique Gil as Jaco Jaco Benin as Arnel Eda Nolan as Jane Mark Gil as Paquito Barredo Boots Anson-Roa as Tita Baby

1.2 Tagpuan Brewster Caf, Recto, Kamuning, Maynila 1.3 Tema Sa isang relasyon, hindi laging magaganda ang inyong nararanasan, darating at darating ang panahon na masusubukan ang tatag ng inyong pag-iibigan. Hindi rin tama na ang iyong kasintahan ang magiging mundo mo na parang siya lamang ang taong nasa mundo. Diyan makikita kung sino ang bibigay sa pagsubok at kung sino ang patuloy ang pagkapit sa paniniwalang makakayanan niyo ito. 2.1 Saglit na Kasiglahan Sa kagustuhang makapasa ni Agnes sa Nursing Board Exam upang muling makumpleto ang pamilya nito ay dumayo siya sa Maynila upang makitira sa kanyang tita Baby at pinsang si Gemma habang nagrereview. Dahil sa Destiny, sa di inaasahang pagkakataon, ay biglang gumawa ng paraan and tadhana upang magkita sa unang pagkakataon sina Agnes Garcia at Paolo Barredo na isang barista sa Brewster Coffee Shop. Sa sandaling nagkatitigan ang dalawa, ay umalab ang isang pagkakaibigan na di lumaoy humantong sa kanilang pag-iibigan. Simple, masipag at hindi pala-asa, yan si paolo barredo na minahal ni Agnes. 2.2 Tunggalian Walang kapintasan ang relasyon nina Agnes at Pawwie sa mga unang bahagi ngunit lahat ng itoy nagbago nang makahanap si Paolo ng trabaho nito na makapagbibigay ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Mula sa pagiging Barista, siyay naging isang magaling na real estate agent sa Platinum Land Development Corporation. Siya nagsimulang tumanggap ng malaking halaga ng pera na maaaring naging dahilan upang siya masilaw sa mga bagay na nooy hindi naging parte ng kanyang buhay at naging sanhi sa kanyang pagbabago. Noong una, hindi ito masyadong binibigyang-pansin ni Agnes ngunit kalaunay naitatanong na nito sa sarili kung tama pa nga ba ang mga ginagawa ni Pawwie na pagigng galante at sosyal sa mga bagay-bagay. Nagsimula na rin itong mawalan ng oras na naging sanhi para maglit si Agnes sa kanya. 2.3 Komplikasyon Di nagtagal, dumating sa eksena si Lea na napunta sa team ni Paolo sa real estate. Naging malapit na magkatrabaho sina Paolo at Lea sapagkat naiisip ni Paolo na naiintindihan siya ni Lea sa kanyang problema sa pagiging emosyonal ni Agnes sa kanilang relasyon. Hindi naglaon, nagkaroon ng isang di inaasahang pangyayari sa pagitan ni Paolo at Lea noong gabing nag-away sina Paolo at Agnes. Dumagdag pa sa mga problema ni Agnes ang mas hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang na pawang nasa ibang bansa, ang kanyang ina ay nasa Chicago at ang ama naman nito ay nasa Riyadh. Isang araw, napagusapan nina Agnes at Paolo ang ukol sa kanyang pag-alis papuntang Chicago at nais niyang hingin ang suhestiyon ni Paolo ukol ditto. Ang nais lang namang marinig ni Agnes ay pigilan siya ni Paolo sa pag-alis at sabihing magsama nalamang sila. Minsan naring nakita ni Agnes at ng dalawa pa niyang kaibigan na magkasama sa isang restaurant sina lea at Paolo at lalong naguluhan ang isipan nito ukol sa kung ano ang maaaring namamagitan sa dalwang ito. Isang araw, napaghalata ni Paolo si Agnes na parang may problema nanaman ito at naiatnong ni paolo kung ano ang bumabagabag dito. Ani Agnes kay Paolo ay napakaruming mag-isip ng ibang tao tungkol sa

kanilang dalawa ni Lea na pilit daw nilang binibigyang malisya ang namamagitan sa kanilang dalawa. Sa sandaling nagkasagutan ang dalawa ay inamin ni Paolo na hindi siya ang lalaking inakala niyang mahal at tama nga na may nangyari sa kanilang dalawa. 2.4 Kasukdulan Dahil napapadalas ang di pag kakaunawan nina Agnes at Paulo, ay ang pinsan na mismo ni Agnes na si Gemma ang nagsabing panahon na upang hiwalayan na niya ito at si Paolo na rin daw ang nagpakita ng motibo upang hiwlayan na niya ito. Ngunit patuloy parin ang tiwala ni Agnes kay Paolo na maaayos parin nila ito (martyr nga diba). At nang tumawag si Paolo kay Agnes upang mapagusapan ang tungkol sa kanila ay parang may ideya na si Agnes kung ano ang mangyayari. Ayon kay Paolo, kailangan na nilang mag-move on at kanya itong pinasasalamatan sa pagmamahal na kanyang ibinigay sa kanya. Siya na rin ang nagsabi na marami pa siyang gustong gawin sa buhay, at siguro narin, ay di niya kayang panagutan ang buhay ni Agnes. Ito ang naging huling pag-uusap nina Paolo at Agnes na nagmarka ng pagtatapos ng kanilang relasyon. Tumuloy si Agnes sa Chicago at doon nagkasama sila ng kanyang ina. 3.2 Resolusyon 3 taon ang nakalipas ay bumalik mula Chicago si Agnes para sa kanyang bakasyon. Sa kanyang pamamalagi roon sa Chicago ay nagkaroon din siya sa wakas ng ibang karelasyon na ikinagulat naman ni Gemma. Sa kanilang pag-uwi ay kanilang nakasalubong si Paolo Barredo na lumipat na ng kumpanyang pinagtatrabauhan. At sa pagtatapos nito ay hinalikan ni Pao si Agnes sa noo at maaaring humantong muli sa kanilang pagkakamabutihan at mas magandang relasyon.

3.3 Impresyon Sa totoo lang, nagandahan ako sa istorya ng pelikula hindi lamang sa pagmamahalan nina Pawi at Agnes kundi pati na rin sa mga buhay nila. Si Pawie na disidido talaga upang gumanda ang buhay nang hindi dumidipende sa kung sino man maging ang mga magulang nito ay ayaw niyang maging pabigat sa mga ito. At si Agnes naman na disidido rin upang maka pasa sa Boeard Exma nang sa gayon ay mabuo ang kanyang pamilya. Dumako naman tayo sa kanilang lovestory, sumasalamin ang karakter ni Agnes sa napakaraming kababaihan lalo na sa panahong ito. Yung tipong nagpapakatanga ka sa isang lalaki dahil sa iyong pagmamahal sa kanya na habaang tumatagal ay nagiging mali na ito. Tulad ni Agnes, madalas na sa mga babae na nasa isang relasyon ang humanap ng atensyon sa kanilng kasintahan, yung prang naghahanap sila na magmumukha talaga silang espesyal. Para sa isang baguhan sa pag-ibig tulad ni Agnes, talagang maghahanap at maghahanap yan ng atensyon mula sa kanyang nobyo. Pero sana naman naging dilat ang pareho niyang mga mata at puso. Talagang mabubulag ka at magmumukhang tanga kung tulad ka ni Agnes kung magmahal. Para naman kay Lea, sana hindi na siya umeksena no? dahil sa kanya ay naging roller coaster ride ang love story nina pawie at Agnes.

Pero sa totoong buhay ay may mga katulad ni Lea na pilit magiging sagabal sa isang relsayon, 3 rd party nga diba kung ating pangalanan. Ang talagang nagustuhan ko sa pelikulang Till My Heartaches End ay nangyayari ito sa tunay na buhay kung kayat maraming nakakarelate. Diba? Destiny kung ating tawagin ang pagkakakilala ng dalawang tao na humahantong sa pag-iibigan. Ang ayaw ko lang naman sa mga pangyayari sa pelikula ay masyadong naging tanga si Agnes. Yung feeling nya na kay Pawie lang umiikot ang kanyang mundo. Kapag wala ng masabi ay umiiyak. Sa totoo lang, gusto ko siyang kunin mula sa screan ng TV at sabihan ng gumising ka! At bawasbawasan mo ang pag-iyak mo! pero sad to say, hindi puwede. Kung ako si Pawie ay pagsasabihan ko si Agnes pero hindi ko gagawin yung kanyang ginawa na pakikipag relasyon kay Lea. Doon naging mali talaga si Pawie. Pero infairness, naging natural ang pagsasaganap na kani-kanilang roles ang mga actor at aktres sa pelikula. Nice job! C. Buod Si Agnes na isang nursing graduate ay nagpunta sa Maynila at doon nakita niya si Paolo Barredo na isang high school graduate lamang at maagang humwalay sa kanyang mga magulang at nagsarili. Nagkaigihan ang dalawa at nagkaroon ng relasyon. Dahil sa masipag si Pawie na umunlad ang buhay ay naging isa siya sa mga top players or agent ng kanilang real estate agency. Dahil dito, ay masyadong demanding ang kanyang trabaho ng oras at panahon nito kung kayay nabawasn ito ng oras kay Agnes at naging sanhi para siyay magbago. Dahil baguhan si Agnes sa ganitong uri ng relasyon ay napakarami niyang naging demands sa kanyang nobyo ; gusto niya lagi niyang kasama si Pawie, dapat laging ng tetext okaya namn ay laging nag-ccall ito sa kanya na tipong siya lamang ang tao sa mundo. Dumagdag pa sa eksena ay si Lea na katrabaho ni Pawie na di kalaunan ay naging karelasyon din niya. Dail sa napapdalas ang pag-aaway nina Agnes at Paolo, ay napagdesisyunan ni Paolo na hiwalayan na si Agnes. Makalipas ang 3 taon ay nagkrus muli ang kanilang landas at maaaring humantong muli sa isang relasyon. D. Paglapat ng Teorya Ang pelikula ay maaaring itulad sa teoryang Realismo sapagkat ang mga pangyayari sa pelikulang ito ay pawing katotohanan sa ating mundo at sa mga buhay ng bwat tao. Halimbawa nalang ay ang pagiging tanga ni Agnes, ang pagkakaroon ng 3rd party sa kanilang relasyon. Ito rin ay maitutulad sa Teoryang Eksistensyalismo sapagkat masyadong binibigyang pansin ng mga tauhan ang kanilang mga problema sa bawat isa at hindi nila masyadong binibigyang panisn ang nasa kanilang paligid. Ito rin ay maihahalintulad sa teoryang Romantisismo sapagkat ito ay tumatalakay sa pag-iibigan ng dalwang tao. At tumatalakay rin ito sa damdamin ng mga tauhan.

III. Ginintuang Aral

You might also like