You are on page 1of 1

Sanhi ng pamamaga ng mata Bakterya- Bacterial Conjunctivitis (Chlamydia trachomatis or Moraxella)

Halos magkasingtulad rin sila ng sintomas ng viral conjunctivitis ngunit mapapansing may nana o paninilaw na muta kung may bacterial conjunctivitis. Kalimitan sa mga may ganitong impeksyon ay nakakaramdam din ng parang pagkapuwing at matinding pananakit ng mata. Sa ganitong pagkakataon, kailangang komunsulta kaagad sa isang doktor na dalubhasa sa mata o ophthalmologist.

Viral Viral Conjuctivitis ( adenoviruses )

Tumatagal ito ng mga ilang araw hanggang isang lingo. Mabilis itong makapanghawa kung kaya pinapayong huwag kusutin ang matang apektado at ugaliing maghughas ng kamay gamit ang tubig at sabon tuwing may pagkakataon.

Mode of Transmission
Ang viral o bacterial conjunctivitis ay parehong nakakahawa kung may direktang kontak sa katas, muta, bahid mula sa apektadong mata. Halimabawa, ang kamay o panyo na ginamit ng isang taong may sore eyes ay maaring maihawak sa bukasan ng pinto (door-knob). Kung may ibang hahawak rin ng bukasan ng pinto at magkataong ikusot nya ang ipinanghawak na kamay sa mata, maaring mahawa rin siya. Kaya isa sa maipapayo kontra sa sore eyes ay ang pagiwas sa paghawak o pagkusot ng mata. Pinaka importante rin ang maayos na paghuhugas ng kamay.

You might also like