You are on page 1of 1

PARIRALA Ito ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri at hindi nagbibigay ng buong diwa. Hal.

pinakamayaman sa buong bansa SUGNAY Ito ay lipon ng mga salitang may simuno at panaguri, maaaring makapag-isa o hindi makapag-iisa. Hal. Nagtanim ng halaman sa gubat (sugnay na makapag-iisa) upang mabawasan ang polusyon (sugnay na hindi-makapag-iisa) URI NG SUGNAY 1. Sugnay na Makapag-iisa Nagpapahayag ito ng buong kaisipan. Ito ay may simuno at panaguri. Hal. Magsumikap ka sa buhay

2. Sugnay na Di-makapag-iisa Hindi nagpapahayag ng buong diwa at pinangungunahan ng pangatnig tulad ng kung,pag,sakali,nang upang atbp. Hal. upang maabot mo ang iyong mga pangarap

You might also like