You are on page 1of 1

Panitikan: MGA AWITING BAYAN AT BULONG

Gramatika: ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD


AWITING BAYAN- nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.
A - Pasalitang pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
R BULONG- ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at
ilog, punso at iba pang paniniwalang tirahan ng mga lamang-lupa, malign at ibang makapangyarihang espiritu nang
A hindi sila magalit at manakit.
L KUNDIMAN- panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig.
DIONA O IHIMAN- awiting-bayan sa kasal.
I TALINDAW- inaawit habang namamangka at habang nagsasagwan
N SOLIRANIN- awitin sa paggaod.
OYAYI O HELE- awiting nagpapatulog ng sanggol.
2.1 KUTANGKUTANG- may layuning magpatawa, magpasaring o manukso.
KUMINTANG O TIKAM- awit sa pakikidigma na nagtataglay ng malungkot na himig, na karaniwang inaawit ng
mandirigma.
DALIT O IMNO- isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sa mga
santo at santa.
Tunghayan ang iba pang uri ng awiting namayani sa iba't ibang lugar sa ating bansa.
1. TINGAD - Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
2. SAMBOTANI – Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
3. DOPAYINIM - Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan.
4. DOLAYANIN at Indolanin – Awit panlansangan.
5. TINGUD - Awit pantahanan
6. UMBAY - Awit panlibing
7. OMBAYI- Isang malungkot na awit
8. OMIGUING – Isang malambing na awit

ANTAS NG WIKA
ang mga salita ay maaaring gamitin nang ayon sa sitwasyon at layunin na kakikitaan kung paano epektibong magagamit nang ayon
sa antas nito. Narito ang antas ng wika.
1. Balbal - Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Itinuturing ang mga salitang
ito ay karaniwang likha
Mga Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, toma.

2. Kolokyal - Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.


Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o
pagsulat ang Filipino at Ingles. Mga Halimbawa: pinoy, titser, p're, te'na

3. Lalawiganin o Diyalektal- Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na
hinihiram ang salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mga Halimbawa:
Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa lbang Rehiyon/Lugar
kaunin (sunduin) - Batangas
mabanas (mainit ang panahon) – Laguna

4. Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplinao sitwasyon.


Mga Halimbawa: Disiplina: Information technology
Internet Mouse Windows Facebook

5. Pampanitikan - Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan
kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
Mga Halimbawa: mahabang dulang kisap mata nagpupuyos sa galit

You might also like