You are on page 1of 3

Cecilia Mitra Jodel Velarde A55 FIDLAR Panimula

Batay sa ipinalabas na datos ng Bureau of Immigration (BI) ng Pilipinas noong nakaraang Enero 2013, patuloy ang pagdami ng mga dayuhang mag-aaral sa bansa. Sa ulat ng kawanihan, lumalabas na 47, 478 ang na-approbahan na student visa at special study permit (SSP) mula sa ibat ibang bansa sa buong ng mundo ang kasalukuyang nag-aaral sa mga pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas. Ukol sa datos, nangunguna rito ang mga dayuhang mag-aaral na nagmula sa mga bansa na South Korea, China at Iran. (Cortez, 2011) Ang pamamalagi sa ibang bansa ay maaring maging kapani-panabik o kahamon-hamong proseso para sa mga dayuhang estudyante. Ang mga taong nangingibang bansa ay di maiiwasn na makaranas nang

tinaguriang culture shock o panini-bago sa kultura ng lugar na kanilang nilipatan. Sa pagpasok sa panibagong kultura, nagpapakita ang indibidwal ng sari-saring emosyon; mula sa galak tungo sa pagkabigo, mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa pagtupad nito o mula naman sa matinding pagkalungkot tungo sa matinding pagkasaya. Ngunit hindi lahat ng tao ay nakaranas ng parehong reaksyon sa pag-adjust sa panibagong kultura. Maari maiba ang kalidad ng shock sa bawat tao. Sapagkat iba ang kulturang kanilang kinagisnan, marami ang nahihirapan sa pamumuhay sa panibagong kultura. Ang kaugalian, tradisyon at moral ng bansang nilipatan ay maaring maiba sa mga paniniwala kung pano dapat ang bagay -bagay sa bansang kinagisnan ng mga dayuhan. Kapag lumipat ang isang indibidwal sa ibang bansa na naiibang kultura, natural na madala nila ang sarili nilang karanasan na tutulong kung pano sila gagalaw sa bagong lipunan. Higit na nararanasan ng mga estudyante ang sinasabing culture

shock sa banyagang paaralan na kanilang papasukan. Ayon kay Gebhard, ang mga dayuhang estudyanteng ito ay nakakaranas ng sinasabing problemang mental gaya na lamang ng problemang pang-akademiko, pang- sosyal, o pang- emosyunal na maaring nareresolba sa ugali na pakikitungo ng estudyante . Kasanayan sa wika ng bansang nilipatan upang makayanan ang pamumuhay sa bagong lipunan ay higit na kinakailangan ng mga dayuhan. (Gebhard, 2012) (Sicat, 2011)Sa isang aralnaman na ginawa ni Dr. Rodrigo Sicat sa Tarlac Estado Unibersidad, isang unibersidad na tumatanggap ng mga foreign students, nilahad na may limang

pangunahing problema na niraranas ang mga dayuhang estudyante; nabibilang sa mga problemang ito ay ang akademikong wika na banyaga sa kanila, pag-uugali sa pagkain, kasanayan sa pansariling kalinisan, nananaig na relihiyon sa unibersidad at pangungulila sa bayan o homesickness. Ang mga problemang ito ay dala ng kasanayan sa kulturang kinagisnan ng mga dayuhan. Gaya rin ng Tarlac Estado Unibersidad, ang De La Salle University- Manila ay di lamang binubuo ng mga estudyanteng Pilipino, binubuo rin ang unibersidad ng ilang mga dayuhan kagaya ng mga Chinese, Korean at American. Ang mga dayuhang estudyante na ito ay nakakaranas rin ng mga problema ukol sa pag-adjust sa panibagong lugar. Kapansin-pansin na sari-saring faktor sa ibat ibang aral ang nakalap na nakakapekto sa pag-adjust ng dayuhang mag-aaral. Maaring pangunahing rason ang kultura ng naturang tao ang dahilan kung gano

kabilis o kadali para sa isang dayuhan ang pag-adjust niya sa naturang lugar. Masasabing depende sa kultura ng pinagalingang bansa ang pag-adjust ng mga dayuhang estudyante sa DLSU.

References
Aning, J. (2011, August 21). Philippines has 26k foreign students. Philippine Daily Inquirer . Cortez, F. (2011, August 18). Dayuhang mag-aaral dumadagsa Pinas. Remate . Gebhard, J. G. (2012). International Students Adjustment Problems and Behaviors. Journal of International Students , 184-193. Sicat, D. R. (2011). FOREIGN STUDENTS CULTURAL ADJUSTMENT AND COPING . IPEDR vol.5 .

You might also like