You are on page 1of 4

Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Kahulugan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao. Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano. Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan. Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika. Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena,ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral,

maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.

Sulating Pananaliksik
Kahulugan ng Pananaliksik Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin. Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano. Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik. Uri ng Pananaliksik 1. Emperikal o mala-siyentipiko - Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at paktwal na datos. Ito'y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko. 2. Applied Research - Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito'y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang ito'y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa nito'y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling. 3. Pure Reseach - Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Palararawan (Descriptive Method) - Ito'y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito'y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarangt nilinang. Uri ng Paglalarawang Paraan 1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) - ang paraang ito'y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon. 2. Sarbey - Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey 2.1. Sensus - isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon. 2.2. Sarbey - ilang bahagi lamang ng populasyon. 3. Mga Pag-aaral na Debelopmental - sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental 3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan - Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon. 3.2. Kros-Seksyunal na Paraan - (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba't ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon. 4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) - Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral. Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika. 5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis) 6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) - Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan. 7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba't iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon. B. Eksperimental na Paraan - Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis. Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito: 1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago. 2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago. 3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat. Dalawang Uri ng Pananaliksik na Pakikipanayam a. Balangkas na Pakikipanayan - ang mga tanong ay nakalahad ng tiyak sa permanenteng listahan at ang interbyuwer ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon a

pagkakasunud-sunod sa listahan. b. Di-binalangkas na Pakikipanayan - Ang kumakapanayan ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang sundin ang pagkakasunud-sunod nito. 2. Ang kwestyoner/Talatanungan - kung hindi posible ang personal na pakikipagtanungan, sinusulat ng mananaliksik sa papel ang mga tanong at pinasasagutan ito sa mga respondent. 3. Ang Tseklist - binabalangkas na instrumento para sa pagtatanong 4. Ang Critical Incident Technique - nagpapahintulot sa respondent na pimili ng mga pangyayari na mahalaga o kritikal sa kanya. Mga Hakbang sa Paraang Pagtatanong 1. Pagtiyak na ang pamaraang patanong ay angkop sa suliranin. 2. Pagkilala sa lawak ng paksa sa pagtatanong. 3. Pagkilala sa buong lawak ng mga tiyak na mga katanungan na maaaring itanong. 4. Paunang klasipikasyon ng posibleng mga tanong na maaaring sabihing kritikal o hindi kritikal sa pananaliksik. 5. Pagkilala sa mga kailangan sa suliranin ng mananaliksik para sa interaksyon ng mananaliksik at respondent. 6. Pagkilala sa mga limitasyon ng pakikitungo sa respondent. 7. Pagpili ng interaksyon ng mananaliksik sa respondent. 8. Pagpapasya sa mga uri ng mga tanong na gagamitin at ang porma ng mga sagot. 9. Pagpili ng teknik o paraan ng pagtatanong. 10. Pagdedebelop ng instrumento para sa pagtatanong. 11. Mga panimulang pag-aaral para matiyak ang katangian ng instrumento. 12. Implementasyon ng plano sa pagkuha ng datos. 13. Implementasyon ng plano sa pagsusuri ng datos. 14. Paghahanda ng ulat ng pananaliksik.

Layunin ng pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena. 2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. 3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. 4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. 5.Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements. 6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,edukasyon pamahalaan at iba pang larangan. 7. Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik. 8. Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.

You might also like