You are on page 1of 10

Pamumuhay

ng
Sinaunang
Pilipino

Fonteriza Pasatiempo 2014
7-Love Tchr.Joylyn

.Edukasyon
.Musika
.Paniniwala
.Kasuotan

Edukasyon
Mayroong nalinang ang mga sinaunang Pilipino na sistema ng pagsusulat na
tinawag na Baybayin. Mayroon ito 17 simbolo na binubuo ng tatlong patinig
(A,E o I at O o U) at 14 na katinig (B,K,D,G,H,L,M,N,NG,P,S,T,W,Y). Sumulat ang
mga unang Pilipino sa mga kawayan , balat ng puno, at dahon ng mga halaman na
madaling masira kayat walang nagtagal sa mga ito . Ang kanilang panulat ay
matutulis na bagay o metal . Naniniwala si Padre Colin na ang direksyon ng
pagsusulat ay mula sa ibaba patungo sa itaas at mula kaliwa patungo sa kanan.Si
Padre Chirino naman ay naniniwala na ang direksyon ng pagsulat aymula itaas
patungo sa ibaba at mula kaliwa patungo sa kanan.
Karamihan ng mga tao na nakatira sa pamayanan na malapit sa baybayin ay
marunong bumasa at sumulat sapagkat ang mga pamayanang ito ay naging
sentro ng kalakalan. Ang pagsusulat ay ginamit sa pagtatala ng kalakalan. Sila ay
sumulat sa mga kawayan, balat ng puno at dahon gamit ang matutlis na bagay
gaya ng metal bilang panulat. Ginamit din nila ang dagta ng maga halaman bilang
tinta . May natagpuan ang mga arkeologo na tatlong artifact na naglalaman
Ng mga sinaunang paraan ng pagsulat : ang Calatagan Earthenware Pot sa
Batangas , Butuan Silver Paleograh at Laguna Copperplate. Sa tatlong artifact, Ang
Laguna Copperplate pa lamang ang nababasa. Ang pinakamahabang panahon sa
Kasaysayan .


Musika
Mahilig sa musika ang mga sinaunang Pilipino . Patunay nito ay
nakagawa sila ng maga instrumento sa musika tulad ng gitara , tambol,
gong at harpa. Ang mga Igorot ay may kalaleng na isang uring plauta at
kubing na isamng uri ng harpa. Nakagawa naman ang mga Negrito ng
bansic na gawa sa kawayan nan may apat na butas. Ang mga Ilokano ay
mayroong kudyapi at kutibeng na tulad ng isang gitara. Mayroon din
silang silbay o reed flute . Ang mga Bisaya naman ay tultogan na isang
uri ng drum. Ang mga taga-Panay ay mayroong instrumentong tinawag
na pasiyak na nilalagyan ng tubig at hinihipan. Ang mga Muslim sa
Mindanao ay may kulintang na binubuo ng mga gong na may ibat ibang
laki. Ginamit din ng mga sinaunang Pilipino ang tambuli na yari sa
sungay ng kalabaw.



Paniniwala
Naniniwala ang mga ninunong Pilipino sa mga Diyos, Diyosa, at espiritu sa
kalikasan. Sinasamba Nila ang mga bagay sa kalikasan gaya ng puno , ilog ,
bundok, buwan , araw , malaking bato at iba pa dahil naniniwala sila na ang
espiritu ng kanilang mga namatay na ninuno ay nasa mga bagay na ito .
Naghahandog sila sa mga espiritu upang bigyan silang magandang ani at
pagalingin ang kanilang mga sakit . Hinahandugan o inaalayan nila ang mga diyos
at espiritu ng panalangin, awitin at pagkain sa seremonya na tinawag na mag-
anito.
Ito ay isinasagawa kapag may isinilang na sanggol,mapagaling ang may sakit , may
magpapakasal at sa iba pang okasyon. Ang mga espiritu ay tinatawag na anito ng
mga Tagalog at diwata naman ng mga bisaya. Ang mga katalona o babaylan ang
namuno sa mga ritwal o seremonyang pang espiritwal . Walang tiyak na pook
sambahan kung saan isinasagawa
Ang mga seremonya , bagkus ito ay isinasagawa sa loob ng bahay. Ang kanilang
pangunahing diyos ay si Bathala (sa mga Taglog ), Abba sa (sa mga Cebuano) o
Laon (sa mga Bisaya).
Pinaniniwalaan na si Bathala ang lumikha sa mundo . Ang iba pang kinikilalang
diyos ng mga sinaunang Pilipino ay Idiyanale , diyos ng agrikultura ; Sidapa ,diyos
ng kamatayan ng mga Bisaya; Balangaw , diyos ng bahaghari,Siginarugan, diyos ng
impyerno ;Diyan Masalanta, diyos ng pag-ibig ng mga tagalog ;Mandaragan ,diyos
ng digmaan;Agni diyos ng apoy;Lalahon,diyos ng ani;ApoLaki diyos ng digmaan ng
mga Pangasinense; Hayo ,diyos ng dagat; Dallang , diyos ng kagandahan ng mga
ilokano ; Sisiburannen , diyos ng kasamaan sa mga Bisaya; at Malyari,diyos ng
kalakasan Zambal.

Kasuotan
Gawa sa telang seda , cotton , o fiber ng mga halaman ang kasuotan ng mga
sinaunang Pilipino . Sa kalalakihan , ang kasuotan sa itaas ay tinawag na kangan.
Ito ay kulay asul o itim na jacket na may maikling manggas at walang collar. Ang
pulang kangan ay para sa mga datu . Mayroon silang kasuotan sa pang ibaba na
hanggang tuhod ang haba .Mayroon ding isinusuot na isang piraso ng tela na
itinatali sa baywang at pagitan ng mga hita na tinatawag na bahag. Mayroong
inilalagay na isang piraso ng tela itinatali paikot sa ulo na tinawag na putong .
Nagsusuot din ang mga Pilipino ng salakot na isang uri ng pantakip sa ulo bilang
proteksyon sa init ng araw at patak ng ulan. Sa kababaihan, ang kasuotan sa pang-
itaas ay tinawag na baro o kamisa na isang uri ng blusana may malaking manggas.
Ang pang ibaba ay tinatawag na saya ng mga tagalog o patadyong ng mga Bisaya
Na isang maluwag at mahaba na palda .Naglalagay rin ng isang piraso ng puti o
pulang tela na tinawag na tapis na itinatali sa baywang .Gumagamit din ang
kababaihan ng pandong na isang uri ng balabal .Inaayos ng kababaihan ang
kanilang buhok sa pamamagitan ng ng pagpupusod sa likuran ng kanilang ulo.
Walang isinusuot na sapin sa paa ang mga sinaunang Pilipino . Subalit marami
silang isinusuot na palamuti sa kanilang katawan gaya ng kalumbiga na isinusuot
at nilalagay sa mga braso. Nagsususot din sila ng kuwintas, singsing,hikaw at
pulseras na tinatawag na ganbanes . Ang mga ngipin ay mayroon ding mga ginto o
pilak na palmuti . Ang kanilang mga palamuti ay gawa sa ginto , pilak ,agate,
perlas at iba pang mamahaling bato.



.Tirahan
. Pagkain
.Panitikan


Tirahan
Ang tradisyunal na tahanan ng mga sinaunang Pilipino ay ang Bahay kubo . Ito ay
kadalasan parihaba o parisukat na gawa sa kawayan ang sahig at haligi . Ang
bubong nito ay gawa mula sa dahon ng nipa na pinag sama sama at itinatali . Ang
haligi nito ay gawa rin sa kawayan at nipa Ang sahig ay gawa sa kawayan . Ito ay
mayroon lamang isa o dalawang silid . Mayroon itong batalan kung saan nagluluto
nakalagay ang mga kagamitan sa kusina. Mayroon ding silong ang bahay kubo.
Sa mga silong inalagaan ang mga alagang hayop.Angkop ang bahay kubo sa klima
ng bansa . Ito ay nagbibigay ng malamig na silungan sa mainit na klima . Madali rin
Itong itayo at ikumpuni pagkaraan ng bagyo o baha dahil gawa lamang ito sa mga
materyales na madaling makuha sa kapaligiran. Mayroon ding mga Pilipino na
gumawa ng bahay sa itaas ng mga puno. Ito ay pangkaraniwan sa mga sinaunang
Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan o kagubatan upang maging ligtas sa
mga mababangis na hayop, mga kaaway at sa pagbaha. Gumagamit sila ng
hagdanan na tinawag bahagun upang makaayat sa itaas ng bahay. Karaniwan ang
ganitong uri ng tirahan sa mga Gaddag at Tingguian sa hilagang Luzon at
Bukidnon ; Mandaya,Manobo at Tiruray sa Mindanao .




Pagkain
Payak lamang ang pagkain ng mga sinaunang Pilipino. Ang
kanilang pang araw-araw na pagkain ay bigas na iniluluto sa
mga palayok, dahon ng saging at kawayan. Ang kanilang ulam
ay karne , gulay at mga nakukuha sa tubig gaya ng isda, talaba,
tahong,hipon, seaweed, at iba pa.Kumakain din sila ng itlog ,
Kamote,tubo at gumamit din ng mga pampalasa sa pagkain .
Inilalagay nila sa mga dahon ng saging ang kanilang pagkain .
Kumakain sila gamit ang kanilang kamay.
Ang kanilangg baso ay gawa mula sa nilinis na baong niyog o
kawayan . Marunong din gumawa ng alak gaya ng basi ng mga
ilokano na gawa sa tubo ng asuka; pangasi ng mga bisaya na
gawa sa bigas;tapuy ng mga Igorot na gawa rin sa
bigas;lambanog ng mga Tagalogna gawa sa murang niyog ; at
tuba na mula sa niyog ang mga sinaunang Pilipino.



Panitikan
Mayaman ang tradisyon ng mga sinaunang Pilipino sa larangan ng
panitikan na sinasalamin sa mga awitin, bugtong, epiko, salawikain at
iba pa. Karamihan sa mga panitikang ito ay malaon nang naitala ng ilang
mga iskolar sa pagdating ng mga Espanyol. Isa sa unang uri ng panitikan
ng mga Pilipino ay ang awit.Kabilang ditto ang mga awit ng mga Tagalog
, gaya ng uyayi (awit sa pagpapatulog ng bata);soliranin (awit para sa
naglalakbay ); talindaw (awit para sa paglalayag sa dagat ); kumintang
(awit ng digmaan ); maluway (awit para sa paggawa);kundiman (awit ng
pagibig); at panambian (awit sa panliligaw).
Ang mga Ilokano ay mayroon ding mga tanyag na awit tulad ngf dallot
at duaya (awit ng pag-ibig) at dungaw (awit sa mga lamay).; Ang mga
Bontoc sa Mountain Province ay mayroon ding awit gaya ng bagbato
(awit sa pag- aani).

You might also like