You are on page 1of 3

Course Description- Bsed Filipino

FIL 101 (Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika)


Tumatalakay sa mga teoryang (sikolohikal, sosyolohikal, antropolohikal, linggistik,
atb.) na nakaiimpluwensya sa pagkatuto/pagtuturo ng wika.

FIL 102 (Panimulang Linggwistika)
Nagbibigay-diin sa mga batayang kaalaman at simulain sa linggwistika at
nagpapakita ng aplikasyon ng mga ito sa pagkatuto/pagtuturo ng Filipino.

FIL 103 (Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon)
Tumatalakay sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa
pagpapatupad ng nireistrukturang kurikulum sa Filipino. Inaangkopang kurikulum sa
mga kondisyon at sitwasyong lokal.

FIL 104 (Istruktura ng Wikang Filipino)
Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng fonolohiya,
morfolohiya, semantics at sintaks.

FIL 105 (Pagtuturo ng at Pagtataya sa Pakikinig at Pagsasalita)
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga methodo sa pagtuturo at mga
uri/pamamaraan sa pagtataya ng mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita na
gumagamit ng ibatt ibang uri ng diskors at gawain (tasks).

FIL 106 (Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat)
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain at mga metodo sa pagtuturo at mga
uri/pamamaraan sa pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat na
gumagamit ng ibat ibang uri ng diskors at gawain (tasks).

FIL 107 (Paghahanda at Evalwasyon ng Kagamitang Panturo)
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain, pamaraan, paggamit at
evalwasyon ng kagamitang panturo kasama ang mga materyales para sa
alternatibong pagtuturo at pagkatuto.

FIL 108 (Introduksyon sa Pagsasalin)
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain at teknik sa pagsasalin ng mga
tekstong literari at di literari.

FIL 110 (Introduksyon sa Pamamahayag)
Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa pamamahayag at paglilinang ng mga
kasanayan sa pagsulat ng ibat ibang uri at anyo ng sulating jornalistik, kasama na
rito ang paghahanda at pamamahala ng pahayagang pampaaralan.

FIL 111 (Panitikan ng Rehiyon)
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akda sa mga rehiyonal na wika.
Maaaring orihinal o salin sa Filipino ang mga tekstong susuriin at pahahalagahang
kultural. (Magbabagu-bago ayon sa locale ng TEIs at walang duplikasyon sa
panitikang rehiyonal na bahagi ng GEC-Lit.1).

FIL 112 (Kulturang Popular )
Sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng ibat ibang kulturang popular, e.g. pelikula,
musika, komiks at pahayagan, mga programang panradyo, pantelebisyon na
nakakaimpluwensya sa paghubog ng sariling katalinuhan o identidad.

FIL 113 (Sanaysay at Talumpati)
Pag-aaral ng pangkasaysayang pag unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat
ng mga kontemporaryong anyo nito, pati na ang pagsasanay sa pagsulat at
pagbigkas na talumpati.

FIL 11 4 (Panunuring Pampanitikan)
Tumatalakay sa mga teorya, simulain at pamamaraan ng pagbasa, interpretasyon at
pagsusuri ng panitikan mula sa Bagong Kritisismo hanggang sa Post modernismo.

FIL 115 (Maikling Kwentong Filipino)
Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayangn pagunlad ng maikling kwentong
Filipino na may pagbibigay-diin sa mga sangkap at pagkabuo nito sa pamamagitan
ng pagsusuri ng piling maiikling kuwento mula noong Gintong Panahon (1904- 1920)
hanggang sa kasalukuyan.

FIL 116 (Panulaang Filipino)
Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pagunlad ng panulaang Filipino na
nagbibigay-diin sa mga sangkap ng tula sa pammagitan ng pagsusuri sa ilang piling
tula na kumakatawan sa bawat panahon.

FIL 117 (Pagbasa ng mga Obra Maestrang Pilipino)
Tumutukoy sa mas malalim at mas mabisang pagbasa at pagsusuri ng mga obra
maestrang Pilipino na itinuturo sa hayskul, i.e. Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli
me Tangere, El Filibusterismo at iba pa tungo sa ganap na pagpapahalaga ng mga
ito.

FIL 118 (Pagtuturo ng at Pagtataya sa Panitikan)
Tumutukoy sa pag-aaral ng mga kontemporaryong dulog at metodo sa pagtuturo ng
ibat ibang anyo ng panitikan upang makabuo ng mga angkop na pamaraan sa
pagtataya ng mga kaalaman at kasanayang natamo.

FIL 119 (Pagpapahalagang Pampanitikan)
Sumasaklaw sa pagtugon bilang pagpapahalaga sa binasang akdang pampanitikan
sa pamamgitan ng ibat ibang intelehensya tulad ng sabayang pagbigkas, madulang
pagbasa, readers/chamber theater, pantomima, aplikasyon ng multi-media, pinta, at
iba pa.

FIL 120 (Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa)
Sumasaklaw ito sa pahambing na pag-aaral ng mga representibong akda mula sa
mga umuunlad na bansa na isinalin sa Filipino.

You might also like