Tayo ay naging tanton sa mga makabagong teknolohiyang ginagamit natin
ngayon panahon.kahit saan na lang nating itong nakikitang ginagamit.ni hindi man lang natin alam ang mga epekto nito sa ating buhay,kung ito ba ay makakabuti ,o hindi.Ano ba kaya ang mga epekto nito sa ating buhay? Ang medya ay nakakatulong sa atin upang tayo ay magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa mga bagay na nangyayari sa paligid natin.tayo rin ay nagiging updated sa mga bagay-bagay.nakakatulong rin ang medya sa pagboboto ng mga senador at pangulo ng gating bansa,dahil alam nating ang mga bagay na ginagawa nila.kung sila ba ay karapat dapat nating iboto.ito din ay nakakapagbawas ng oras,at minsan ay dito nagkakaroon ng oras sa pamilya.dahil ito ay nakakalibang.lalong-lalo na ang mga teleserye na gumising sa ating utak at puso. Ngunit minsan nagagamit ito sa maling paraan nagagamit ng ibang bata ang nakikita nila sa telebesyon,tulad ng karahasan,pananakit ng iba,at nakakahikayat na bumili ng ibat ibang bagay na nakikita nila dito.kayat dapat natin silang gabayan ng maigi upang maiwasan ito. Isa sa patok na makabagong teknolohiya ngayon ay cellphone.nakakatulong rin ito na mapabilis ang mga bagay bagay. Kung kayat halos lahat tayo ay may mga cellphone na Marami na rin itong mga modelo na mas lalong nakakahikayat sa kabataan upang bilhin at tangkilikin ito.Isa sa mga features nito ay ang usong-uso na ngayon na text messaging,ito ay ang pinakamabilis na paraan ng komunikasyon.isang pindot mo lang ay maipapadala mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kalian mo gusto. minsan rin ay sa text mo na lang inilalabas ang iyong mga nararamdaman.hindi tulad noon na kailangan mo pang sumulat ng telegrama,at ipapadala sa post office.Ang cellphone rin ay may multimedia,na pwede mong ipadala ang iyong mga litratong nakunan kahit saan.pwede ka na rin mag-internet gamit lang ang iyong cellphone.pwede rin kayong magtawagan boung magdamag,kahit saan lang man siya.. Isa rin ay ang computer,na halos saan lang natin nakikita,lahat siguro ng tahanan ay may roon na nito.marami kasing gamit ang kompyuter,sa mga kabataang tulad ko.kung ikaw ay may internet maraming website na pwede mong bisitahin.isang halimbawa nito ay ang google.isang pindot mo lang ay makukuha mo na ang iyong sagot.at halos lahat ng impormasyon ay nakukuha dito,hindi kagaya noon na kailangan mo pang manghalungkay ng iyong mga libro.may mga ibang ibang bagong natutunan din tayo.Sa kompyuter din ay mayroong Microsoft Excel,Word,at Powerpoint,at iba pa na nakakatulong na mapadali ang report at research works sa trabaho man o sa paaralan.mas madali kasi itong gamitin.pwede ka ring mag-Skype o Video chat . nakakatulong ito sa komunikasyon lalong-lalo na sa mga kamag-anak o mga mahal mo sa buhay na malayo sa inyo.hindi niyo gaanong ma-miss ang isat isa kasi para lang kayong nagkikita araw araw.pwede ka na ring magdownload ng mga video games at iba pang mga laro. Paggawa ng account sa Facebook,Twitter,Instagram,at Youtube,ang iba pang mga networking sites nakakatulong ito sa panghahalubilo sa ibang tao,at komunikasyon rin.pwede ka maglike,commentat share sa facebook at Instagram ,magtweetsa twitter.like unlike shareat comment sa youtube at magpost. Sa sobrang pagkahilig ng cellphone at iba pang teknolohiya ay nagiging adik na nito sa sobrang paggamit at nagiging tamad na ,minsan ay mas inuuna pa ng pagtetext o pag-iinternet kaysa sa mga takdang aralin o gawaing bahay.at dahil sa mga laro na pwede nang idownload at laruin sa kompyuter.ay nakakalimutan an gang mga laro sa labas ng bahay.tulad ng mga basketball,luksong baka,piko at iba pa.at nagiging dahilan ng pagiging lampa,pakasakit ng ulo at mata ng mga bata.at ang iba ay dumedepende na lang sa pagkuha ng impormasyon sa internet,at nakakalimutan ng gamitin ang mga libro. Kailangan nating pahalagahan ang ibat ibang laro at instrumento.hindi ko naman sinasabing huwag gumamit nito.huwag lang dapat natin itong abusuhin.at huwag dumepende na lang dito sa mga teknolohiya na mayroon tayo ngayon. Bilang konklusyon,masasabi natin na napakarami ng naitulong ng medya at teknolohiya sa atin buhay.Lahat ng sector sa ating komunidad ay nadarama ang kagandahan ng makabagong teknolohiya sa ating pang-araw-araw na ating pamumuhay.Ang mga bagay na imposibleng gawin noon ay nagging madali at mabilis na lang gawin ngayon.kailangan lamang natin na magkaroon ng disiplina sa sarili,upang ang ating bansa ay umunlad.at bago natin ito gamitin ay dapat isipin muna nating kung ito ba ay makakatulong o hindi sa ating bansa.