You are on page 1of 4

Lakandiwa

Isang paksang sa panahon ay talagang nababagay.


Ang sa ngayoy itatampok sa ngalan ng balagtasan;
Kailangan bang palawakin o palawigin ang termino
ng pangulo ng pilipinas?
Kayat sino mang naritong sa pagtula ay may hilig,
Aking inaanyayahang pumagitnang buong-kisig,
Ang nais ko sa pagbigkas ay may rima at himig,
Yaong tulang kung pakinggay lumilikha ng awit.
Kung ang iyong mga tula ay madiwa at mainam,
Sa tula mong bibigkasiy iyo ritong patunayan
Idolo mong panguloy nararapat sa upuan.
Hatin nang salubungin siya ng palak-pakan.
Sumasang-ayon
Maginoong lakandiwa, ako ngayoy sumasagot,
Iyang inyong paanyayay tinatanggap kong malugod,
Payag akong terminoy dagdagan
Upang ang mga kurap ay lalo pang mabawasan.
Kaya nga O, Lakandiwang may masusing paanyaya,
Ako ngayon ay tulutang makapanhik sa tribuna.
Gil Legaspi ang aking pangalan,
Ngayoy tutula para ang terminoy dagdagan

Lakandiwa
Kung ang iyong tula ay mainam at tuwiran,
Halina at umakyat ka ditto sa tanghalan.
Saka ditoy ipagtanggol ang panig mong buong sigla
Kung ikaw ay desido sa tula ay lumusob na,

Di Sumasang-ayon
Ginoong lakandiwa, tutol akot kasalungat
Sa sinabi ng kabilang panig na wari koy di dapat
O mahal na lakandiwa ako ngayoy naririto
Paulo Virata ang pangalan ko, Buong kisig na tutula sa inyo
Bakit niya pa daragdagan, ang terminong patapos na
Sapagkat sa ilalim niya, ang pera natin ay ubos na.
Lakandiwang ngayong umagay may anyayang mahinusay,
Kung ako ay tinatanggap, handa ako sa tulaan.

Lakandiwa
Yamang ditoy may makatang kapwa handang manaludtod
At ibig na magpasiklab sa maraming manonood
Itong panig nitong Dapat ang una kong itatampok
Atin natin siyang palakpakan sa kanyang paglusob.

Sumasang-ayon
Pagpapalawak at pagpapalawig sa termino ng Pangulo
Nawa sana ay unawain ninyo,
Sapagkat ang kanyang mga nasimulang proyekto
Anim na taon ay hindi pasasapat dito.
Bakit kaya hindi natin pagmasdan,
Kanyang mga kabutihang nagawa sa para bayan
Pagpapatalsik sa mga nagpapakasasang korap
Kanyang ginawa upang ang bansa ay maibangon sa hirap
Atin ngang tahakin ang kanyang matuwid na daan
At nang Makita natin ang kalalabasan
Botong sa kanyay ipinagkatiwala
Kailanmay hindi mababaliwala

Di Sumasang-ayon
Sa Ilalim ng Saligang batas nating umiiral,
Isang anim na taon lang ang para sa Presidente
Kung hihigit pa ritoy hindi na pupwede
Kayat huwag nang umasang ang terminoy gawing doble
Isang Pangulong puro salita lamang,
Pagsulpot ng mga anomalyay di mabilang
Kapag kapartido ang mga nasangkot
Pag aksyon ay tila ba nalimot
Mga sinabi sa SONA ay matupad kaya?
Trabahong ninanais ay maipagkaloob kaya?
Gayong paghihirap ay tila malabong malutas
Habang buhay na lang ba tayong magtitiis sa pait na dinaranas?

Lakandiwa
Lumalaoy gumaganda itong ating Balagtasan,
Kayat ng para di sila maabala sa pagsasagutan
Ang titindig ngayong muli sa pagbigkas na mahusay
Ay si Gil Legaspi, Palakpakan sa kanya ay ialay.

Sumasang-ayon
O tayoy nakapaswerte sapagkat tayoy may Presidenteng
Huwaran at nauunawaan ang ating dinaranas na kahirapan
Kaguluhan sa Mindanao ay kanyang inaksyunan at agad inagapan
Bang Samoroy ipinatupad upang tayong magkaroon ng kaisahan
Kakapusan sa kuryente, Kanyang agad inagapan
Upang tayo sa gabi ay mayroong matatanglawan
Pati narin ang trapikoy kanyang binawasan
At hanggang ngayoy patuloy niya pang pinaaalwan
O bakit ba natin pilit pintasan
Pangulo nating walang hangad kundi ang kaginhawaan
Sa ating mga matay ating tunghayan
Magandang kinabukasan sa kanyang kinauukulan

Di Sumasang-ayon
Sinungaling na balagtas! Paano mo masasabing payapa
Gayong sa balitay sigalot ay hindi parin humuhupa?
Ginagamit lamang siya upang sa kanilang armas ay may maipangbanto
Na wari bay parang isang mangmang na inuuto-uto
Heto ngat di matapos tapos ang mga pagwewelga
Dahil sa kuryenteng di matapos ang pagtaas-baba
Lalong-lalo na ang mga isyung siya ay nasasangkot
Sa Pork Barrel na animoy mga pera natiy isa-isang hinakot
Imulat na natin ang ating mata at paganahin ang ating mga ulo,
Na huwag nang pahintulutan ang ating panguloy magdagdag pa ng isang termino
Patuloy nalang ba tayong aasa sa kanyang mga pangako
Na ang mga katuparan naman ay tila ba Malabo.

Lakandiwa
Magsitigil kayo ngayon kung ayaw na mahambalos,
Dahil ang balagtasan ay dito na magtatapos
Kababayang kanina pang matiyagang nakatutok,
Paulanan ng palakpak ang dalawang nagpanuntok.
May matuwid si Gil sa pagtulang mabanayad
Na Si P-Noy ay magdagdag ng termino
Nguni't dito kay Paulo na ang diwa'y nagniningas,
Katwiran din na si P-Noy sa karagdagang termino ay di dapat.

Anupa nga't wala akong maitulak at kabigin


Kapwa silay may magandang ninanasa at layunin
Ang hiling ko'y palakpakan sila't huling tagubilin
Kayat mabuti pang kayo nalang ang humatol at ito sana ay baunin

You might also like