You are on page 1of 1

FILIPINO

TITSER
-Liwayway Arceo
A. MAHAHALAGANG PANGYAYARI
o
o
o
o

B.

Dumating si Amelita sa bahay.


Dito malalaman na siya ay guro sa isang pampubikong paaralan.
Ang pagdating ni Mang Ambo at ang kanilang diskusyon ni Aling Rosa.
Mapapalawig ang pag-unawa sa situwasyon ni Amelita sa nobela.
Tatawagin si Amelita upang kausapin ng mga magulang. Magsisimula ang kumprontasyon sa pagitan ni Aling Rosa at ng anak.
Makikita rito na ipinipilit ng ina ang knayang kagustuhan kahit na napagpasyahan na ng anak ang nais gawin sa buhay.
Sasabihin ni Amelita na hindi siya maaaring magpakasal kay Osmundo kahit na ito ang kagustuhan ni Aling Rosa.
Ito ang wakas ng unang bahagi ng kwento at dito magsisimula ang tunggalian ng nobela.

HALAGANG PANGKATAUHAN / PANGKALAHATANG MENSAHE


o

C.

Hindi lahat ng bagay ay mabibili ng pera. Ang mas mahahalagang bagay sa mundo, tulad ng pag-ibig, tunay na kaligayahan at
kabaitan ay hindi ginagamitan ng pera upang makamtan.
o Mabuti ang sumunod sa mga magulang, ngunit may limitasyon ito. Dapat matuto ang isang tao na tumayo sa sariling mga paa dahil
hindi panghabangbuhay na nandyan ang mga magulang upang maggabay at tumulong.
o
Maging matatag upang makamit ang mga pangarap. Kahit anuman ang sabihin ng iba, huwag mawawalan ng loob dahil naghihintay
sa wakas ang tagumpay kung may pag-asa at nagsisikap ang isang tao.
o Walang sinuman ang may karapatang pumigil na maisakatuparan ang pangarap natin. Nasa atin ang kakayahan upang mabago ang
ating kapalaran, at wala sa iba.
PAGKAKAPAMAGAT
Ang akda ay pinamagatang Titser dahil isinasalay nito ang mga pangyayari sa isang guro. Umiikot ang nobela sa buhay ni
Amelita na nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Nakasaad dito ang mga paghihirap, kabiguan at tagumpay ng mga guro at ang mga
kontribusyon nila sa lipunan at sa pagbuo ng mga isipan ng mga kabataan.

Titser ni Liwayway Arceo


Talasalitaan:
1. Kahulilip- Kapantay
2. Himutok- Hinaing
3. Hapis- Lungkot
4. Banayad- Katamtaman
5. Nangatal- Manginig ang tinig sa pagsasalita dahil sa tindi ng takot.
Buod at Pagsusuri
Sa ating buhay, lagi tayong may pinagdadaanang pagsubok sa ating buhay.Mga pagsubok na bubuhog sa ating pagkatao at magpapatibay sa
ating mga kalooban. Bawat tao dito sa mundo ay mararanasan ang kahirapan ng buhay katulad ng pangunahing tauhan sa Titser ni Liwayway
Arceo.
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng
pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang
apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng
kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pagasa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Sa nobelang ito, lubos na ipinakita ang buhay mag-asawa ng dalawang titser. Ipinakita kung paano nila hinarap ang bawat pagsubok na dumating
sa kanilang buhay at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang mga desisiyon. Katuald ng buhay ni Amelita, ang kanyang inang si Aling Rosa ay
sobrang tutol sa kanyang kinuhang propesyon sa buhay pati ang kanyang dapat mahalin at pakasalan ay tutol ang kanyang ina. Lagi niyang
kunukumpara si Amelita sa kanyang mga kapatid na lubos ang pagasenso sa buhay sa Maynila.
Halos lahat sila ay titelyadong mga tao. Ayaw ni Aling Rosa na makasal si Amelita kay Mauro na isang titser din sa eskuwelahang kanyang
tinuturuan. Wala daw siyang mapapala sa isang tulad niyang titser ngunit sa huli, nanaig pa rin ang mga kagustuhan ni Amleita na mangyari sa
kaniyang buhay. Silang dalawa ay nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Rosalida. Ng magkaroon ng sakit si Aling Rosa, si Amelita lamang ang
nag-alagang anak sa kanya kung kayat nagkabati muli ang magkatampuhang sina Amelita at Aling Rosa. Para kay Aling Rosa dati, ang pagiging
Titser ay hindi isang titulo.
Sa totoong buhay, hindi rin maiiwasan ng ibang mga magulang na pumili ng mapa-nga-nga-sawahan ang kanilang anak, paminsan sila na ang nag
di-dikta ng ating kinabukasan. Sila ang nag-aayos ng kasal ngunit nasa anak pa rin ang huling desisyon kung pakikinggan niya ba ang kaniyang
magulang o ang puso at isipan niya ang kaniyang pakikinggan at susundin.
Makikita na isa sa mga suliraning panlipunan sa kwento ay ang kababaan ng tiningin ng mga tao sa mga guro. Sa kanilang palagay, hindi
isang tunay na propesyon ang pagiging guro dahil hindi ito humahakot ng sandamukmok na kwarta. Ngunit, kung ating susuriing mabuti, walang
magiging propesyonal na magagaling kung walang gurong magtuturo sa kanila. Ito ang nais ipahiwatig ng manunulat sa lahat ng mga mambabasa.
I.
Halagang Pangkatauhan
Ang mga mahahalagang pangatauhan na ating matutunghayan sa nobelang Titser ay:
Paninindigan sa sariling opinyon
o Makikita natin sa unang kabanata ang hindi pag payag ni Amelita sa kanyang ina na pakasalan nito si Osmundo. Hindi siya sumasangayon dito pagkat ang kanyang puso ay nakatira na sa iba, kay Mauro.
o Ang pagiging isang titser ay ayaw ng kanyang ina pagkat wala daw mabuting idudulot ito at wala rin daw itong de titulo. Ang kanyang
ibang anak ay mga duktor, parmasiyutika, inhinyero at abugado.
Pagpapahalaga sa pamilya
o Ang buhay ni Ameilta ay parang naka ikot sa mundo ng kanyang ina at ama. Pagkat nasuway na niya ang kanyang ina sa pagiging
isang titser, itoy patuloy parin niyang nirerespeto.
o Ilang beses na siyang dinidiin ng kanyang ina dahil sa kanyang trabaho, ngunit pinapabayaan niya nalang ito.
II.
Pamagat
Ang pamagat na Titser ay sadyang bagay sa nobela dahil ang buong kwento ay umikot sa buhay ng mga guro. Ang mga suliraning
panlipunang nababalot sa tula ay tungkol sa buhay ng mga guro, kung kayat wasto at angkop ang napiling pamagat ng manunulat.

You might also like