You are on page 1of 6

Filipino Reviewer 2nd Term

I. Nobela
A. Kaligiran Pangkasaysayan
mahabang salaysay tungkol sa higit isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan (involving) ng isa o higit pang mga
tauhan.
paggaya ng realidad na binubuo ng mga bahagi na tinatawag na mga kabanata.
Maari umikot ang mga kabanata ng nobela sa mga tauhan.
Mahaba, hindi natatapos sa sandaling panahon.
Kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.
Pedro Paterno: unang nagsulat ng nobela
Valeriano Hernandez Pea Ama ng Nobelang Tagalog.
-Nagsimula siyang sumulat sa pahayagan El Renacimiento Filipino (Muling Pagsilang).
-Kinilala na kaniyang obra maestro ang nobelang Nena at Neneng na nalimbag noong taong 1905.
B. Layunin
Gisingin ang diwa at damdamin ng mambabasa.
Mapukaw at matawag ang guni-guni at damdamin ng mambabasa.
Magbigay aral tungo sa pagbabago ng sarili.
Nagbibigay daan para sa pagbabago sa lipunan.
Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.
Nagbibigay detalye sa kasalukuyang kalagayan ng mga tao sa isang lugar ng isang bansa.
C. Katangian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaring magsalaysay ng tuloy-tuloy ang nobela ng mga pangyayaring maaaring
hango mula sa totoong buhay.
May isa o higit na tauhan
Maraming magagandang tagpuan kung saan mas makikilala ang mga tauhan.
Nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa
D. Uri
1. Nobelang Tauhan- umiikot ang mga pangyayari/bawat kabanata sa isa o ilang tauhan
2. Nobelang Banghay pinagtahi-tahi ang ibat ibang pangyayaring may kinalaman sa tema ng nobela
3. Nobelang Kasaysayan- tumatalakay sa isang panahon ng kasaysayan na nilalahukan ng ilang tauhan(piksyon)
4. Nobelang Romansa- tungkol sa pag-ibig at relasyon ng mga tauhan
5. Nobelang Pangkapaligiran- tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa lipunan
6. Nobelang Katatakutan may layuning sindakin at takutin ang mambabasa
7. Nobelang Pakikipagsapalaran may mga tauhang dadaan ng paglalakbay na may maraming pagsubok at hamon
(adventure)
8. Nobelang Katatawanan libangin at patawanin ang mga mambabasa
E. Elemento
Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa isang nobela
Tagpuan- lugar at panahon ng mga pinangyarihan sa nobela
Banghay- pagkakasunod-sunod ng baway pangyayari sa nobela
Pananaw- panauhang ginagamit ng may-akda sa kwento
Tema- paksang diwa na binibigyan diin sa nobela
Pananlita o Dayalogo- dayalogong ginagamit sa nobela upang mas makilala ang mga tauhan
Simbolismo- mga pangyayaring may mas malalim na kahuluhan sa tao
Damdamin- nagibibigay kulay at buhay sa bawat pangyayari sa nobela
Pamamaraan o Istilo- istilo ng pagsulat ng makata
F. Tatlong Sangkap ng Nobela
Paggamit ng Malikhaing Guni-guni- sangkap ng nobela kung saan gamit ang imahinasyon ng makata, napapadaloy ng
maayos ang bawat pangyayari sa isang nobela; tumutulong upang hatakin upang patuloy na magbasa ang mambabasa

Kuwento o Kasaysayan- sangkap ng nobela na tumatalakay sa istorya o mga impormasyon sa paligid ng mga
pangyayari
Pag-aaral sa kilos at gawa- sangkap kung saan pinag-aaralan ang bawat kilos, gawi, at takbo ng isip ng bawat tauhan.
G. Kasaysayan
1. Panahon ng Kastila
-sinusuri ng Commission Permanente de Censura ang mga akdang pampanitikan nilalathala upang walang ano mang
paglaban sa pamahalaang Kastila.
a. Nobelang Pangrelihiyon/Pangkristiyano: nagbibigay diin sa kabutihang aral
hal. Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
b. Nobelang Panghimagsik: nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, at diwang nasyonalismo
hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena
2. Panahon ng Amerikano (1900-1921) Panahon ng Aklatang Bayan
-sumulat ang mga nobelista sa tulong ng mga pahayagan na hinahati ang mga nobela tulad ng pagbuo ng mga
kabanata.
-sinimulan ito ni Lope K. Santos
hal. Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos at Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pea
3. Panahon ng Amerikano (Ilaw at Panitik 1922-1934)
-hindi umunlad ang nobela sapagkat nagsulat ang mga nobelista ng mga tula at maikling kwento
4. Panahon ng Amerikano (1934-1942) Panahon ng Malasariling Pamahalaan
-tuluyang bumaba ang kalidad (quality) ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga nobelista sa pagsulat ng tula at
maikling kwento
5. Panahon ng Hapon
-hindi umunlad ang nobela dahil kulang ang materyales na papel
-lumiit ang letra sa magasin Liwayway
Mga nobelang nalimbag (print):
a. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
b. Lumubog ang Bituin ni Isidro Castillo
c. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
6. Panahon ng Republika
-walang nabago sa pagsulat ng nobela at nagging tradisyunal
hal. Dekada 70 ni Lualhati Bautista, Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez at Sa Mga Kuko ng Liwanag ni
Edgardo Reyes
7. Panahon ng Bagong Lipunan
-noong panahon ng Batas Militar (Martial Law) hanggang sa kasalukuyan, ang paksa ng nobela ay tungkol sa
reporma, pamilya, pag-ibig, at araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
II. Titser Liwayway Arceo
-Amelita: isang guro, bunso ni Aling Rosa at Mang Ambo
-Aling Rosa: ina ni Amelita, ayaw niya na maging guro si Amelita, gusto niyang mapapangasawa ni Amelita si Osmundo
(mayaman)
-Mang Ambo: sinusuporta si Amelita
-Osmundo: mayaman at nais niyang mapangasawa si Amelita
-Norberto: inhinyero (engineer)
-Jose: abogado (lawyer)
mga kapatid ni Amelita
-Lourdes: parmasiyutika (pharmacist)
-Felisa: doktora (doctor)
-fountain pen: simbolo ng dedikasyon sa kanyang trabaho
III. Buhay at Pag-ibig ni Jose Rizal
Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda
Nickname: Pepe
Isang doktor ng mata
Anak ni Francisco Mercado at Teodora Alonzo
Isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
Ikapito ng 11 na magkakapatid
Mahilig magsulat at ang unang nakapansin nito ay ang kanyang ina, si Teodora

Ang una niyang guro ay ang kanyang ina, Teodora Alonzo


May dugong intsik
Masmaraming nasulat na tula kaysa nobela
Nakamit ang Bachelor of Arts degree sa Ateneo Municipal de Manila
Nagaral ng medisina sa UST
Nakamit ang Licientiate in Medicine sa Universidad Central de Madrid
Tumulong sa pagkatuto ni Jose Rizal ng ibat ibang wika ang mga minamahal niyang kababaihan
Segunda Katigbak: nakatuon na sa iba (engaged to another)
Hindi nagkatuluyan si Jose Rizal at si Leonor Rivera sapagkat silay malayong magkamag-anak
Nellie Boustead: hindi nagkatuluyan dahil ayaw ni Rizal maging Protestant
Josephine Bracken: nagkaanak sapagkat itoy isang stillborn baby

IV. Noli Me Tangere


A. Kasaysayan
-Hinango sa Bibliya na ibig sabihin ay huwag mo akong salingin
-base sa (based on) The Wandering Jew ni Eugenio Sue at Uncle Toms Cabin ni Harriet Bleecher Stowe
-nakatuon (dedicated) kay GOMBURZA (Padre Gomez, Burgos at Zamora; 3 pari na pinatay sa paraan ng garrote)
B. Kabanata 1 (Pagtitipon)
Nasa Anloague ang bahay ni Kapitan Tiago
Sinasalubong ni Tiya Isabel ang mga bisita na dumadating
Inaabot ang sigarilyo at pipa (pipe) sa mga bisita na dumadating
Ginagamit ang mga magandang pinggan
May makikitang maraming antigo (antique) sa bahay
May linagay na imahen ng Birheng Maria sa pintuan (imahe ng Nuestra Seora de la Paz de Buenviaje)
-makikita sa Antipolo; patron of good voyage
Nagbigay ng pagtitipon para kay Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiago: palaging may pagtitipon dahil ayaw na tawagin siyang indio o mangmang
Padre Damaso: dating kura ng San Diego (Pransiskano)
Padre Sibyla: bagong kura (Dominikano)
mangmang: walang alam; sinasabi na mangmang ang mga indio (Pilipino)
Nakipagkaibigan si Kap. Tiago sa pamahalaan (Tenyente Guevarra) at sa simbahan (mga prayle; Padre Damaso,
Pabre Salvi, etc)
Prayle: paring kastila
Tenyente: head of the military
Alcalde: mayor
Nakahiwalay ang mga babae sa mga lalaki
Nagtakip ng paypay sa mukha ang mga kababaihan
Binigyan ni Tenyente Guevarra si Padre Damaso ng isang sulat. Nagalit si P.Damaso dahil pinalipat siya ni Tenyente
Guevarra sa ibang bayan
Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa tungkol sa pagpapahukay ng pari sa bangkay ng isang marangal na tao
(Don Rafael)
Nagalit si Damaso kay Padre Sibyla dahil pinag-usapan ang masaklap na nangyari sa pari at mayroon daw siyang
mga nawawalang kasulatan
kapag nababagot (tired) sa salu-salo sa tahanan ni Kap. Tiago
bukas-palad si Kap. Tiago sa lahat na bumubisita sa kanya
C. Kabanata 2 (Crisostomo Ibarra)
Ang pakikipagkamay sa bagong kakilala ay isa sa mga magagandang katangian ni Crisostomo Ibarra.
ikinatuwa ng mga Pilipinong bisita ang pagiging magalang at masayahin si Crisostomo
Binabantayan ni Tenyente Guevarra si Crisostomo
Crisostomo Ibarra: pitong (7) taon nag-aral sa Espaa
Inaya ni Kapitan Tinong si Crisostomo Ibarra sa kanyang tahanan sa Tundo. Tumanggi (declined) si Ibarra dahil
tutuloy siya sa San Diego kinabukasan.

Umuwi si Ibarra dahil gusto niyang malaman kung ano ang nanyari sa kanyang ama (isang taon na hindi nagsulat si
Don Rafael) at magpapatayo siya ng paaralan (para sa edukasyon at tanggalin ang stigma na mangmang ang mga
indio)
Isang ideyalista
D. Kabanata 3 (Hapunan)
Ang handa ay tinola
Napansin agad ni Crisostomo Ibarra na hindi nila kasamang kakain sa mesa si Kap. Tiago
Nag-kunwari si Padre Damaso na ibinibigay niya ang upuang kabiserang kanina pa nilang pinag-aagawan
Ang umupo sa kabisera ay si Kap. Tiago at si Ibarra
Pakpak ng manok ay napunta kay Padre Damaso
Nakikisawsaw sa popularidad ni Ibarra si Don Tiburcio at Doa Victorina
Ayon kay Crisostomo, mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng baying pupuntahan at paano ito umunlad.
Batay sa pagsusuri ni Ibarra, ang pagdarahop o pag-unlad ng isang bayan ay may kaugnayan sa kalayaan at kagipitan
ng mga tao.
E. Kabanata 4 (Erehe at Filibustero)
Pinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael at pinalipat sa libingan ng mga Intsik
Dahil umuulan ng malakas, tinapon nalang ang katawan ni Don Rafael sa tabing ilog.
Patuloy na sumusulat si Don Rafael sa kaniyang anak mula sa bilangguan
Malagim (dark) ang katapusan ng kanyang buhay
may sariling paniniwala tungkol sa dogma at relihiyon erehe (sumasalungat sa simbahan)
-hindi siya sumusunod sa simbahan, hindi nangungumpisal
nakulong siya dahil nakapatay ng isang Kastila na nananakit sa isang batang indio
ipinahuli si Don Rafael at ginawan ng mga pekeng paratang (accusations) tulad ng pagiging filibustero
(sumasalungat sa pamahalaan)
maraming alam tungkol sa mga masamang ginagawa ng mga prayle at mga nasa gobyerno
ang pagsuot ng barong tagalog at pagbabasa ng El Correa de Ultramar ang nagging sanhi upang maparatangan
(accused) na siya ay filibustero
1. may isang artilyero (kastila) na naniningil ng buwis, sapagkat siyang isang mangmang (hindi marunong magbasa at
magsulat)
2. nalaman ito ng mga Pilipino, kaya tawag sa kanya ay bobo (tanto/tanga)
3. isang araw, may mga bata na nakita siya, at tinukso nila ang kastila
4. nagalit ang kastila at hinagis niya ang kanyang baston sa mga bata.
5. Natamaan at nahulog ang isang bata. Lumapit ang kastila at sinimulan niyang sipain ng husto ang bata.
6. Dumaan si Don Rafael at nakita niya ito. Pinagalitan niya ang kastila.
7. Nagalit ang kastila at inaway si Don Rafael. Walang magawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
8. Nadulas ang kastila at nadapa. Nabiyak ang kanayang ulo sa isang malaking bato at sumuka ng dugo.
9. Hindi na kumibo ang kastila at hinuli at ibinalanggo si Don Rafael.
10. Hindi nakalabas si Don Rafael dahil pinagbintangan siyang isang erehe at filibustero.
11. Tinulungan ni Tenyente Guevarra si Don Rafael
12. Humina ang katawan ni Don Rafael dahil sa sobrang lungkot. Siyay nagkasakit at namatay. Malapit na sanang
mapalaya si Don Rafael kaya lang namatay ito.
F. Kabanata 5 (Tala sa Karimlan)

Tumuloy si Ibarra sa Fonda de Lala, isang sikat na hotel sa Maynila

Sa bintana, nakikita ni Crisostomo ang isang ilog.

Nakatulog at nanaginip.

Inisip niya si Maria Clara. Nais niyang makita si Maria Clara sapagkat madami siyang mahalagang
aasikasuhin.

Napanaginipan na si Don Rafael ay sa madilim na piitan na may maduming pader.

Naririnig niya ang kalansing (tunog/sound) ng isang tanikalang bakal (iron chains) sabay ang pagdaing
(wail/cry) ng kanyang ama na umiiyak at humihingi ng tulong.

Masakit ito kay Crisostomo sapagkat hindi man lang niya natulungan ang kanyang ama
G. Kabanata 6 (Kapitan Tiago)

Don Santiago De Los Santos


Mayaman at bukas palad
Isang indio
Kaibigan ng maraming tao
Asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
Isang mangmang dahil sabi ng kanyang mga magulang na kung ikay mayaman, hindi mo na kailangan mag-aral.
Nagpapamisa, nagpapakain at nagpapadasal upang maligtas ang kanyang kaluluwa
Palaging nagsisimba at nangungumpisal
May maraming imahe ng mga santo at Birheng Maria sa kanyang bahay
Kasosyo (partner) ng intsik sa pagbenta ng opio (opium)
May ari ng maraming legal at illegal na negosyo
Malapit sa mga opisyales ng gobyerno at mga prayle
Tumakbo bilang gobernadorcillo at nanalo
maraming nasira na prak, sombrero at baston
prak- jacket
sombrero- hat
sinusuot ng mga nasa gobyerno/symbol of power
baston- cane
asawa ay si Pia Alba
6 years na, wala pa rin silang anak
Sinabi ni Padre Damaso na sumayaw sila sa Obando kay Sta.Clara
One year later Nanganak si Pia Alba Maria Clara (kamukha daw si San Antonio)

H. Kabanata 7 (Suyuan sa Balkonahe)


Maaga pa lamang, nagsimba na si Tiya Isabel at si Maria Clara
Umuwi sila at si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay habang si Maria Clara ay nagtatahi
Noong marinig ang pangalan ni Crisostomo Ibarra, nabitawan ni Maria Clara ang kanyang tinatahi
Lumabas sila sa azotea (balconahe) upang makapag-sarili at maiwasan ang alikabok na galling sa pagwawalis ni Tiya
Isabel
Dati, binigyan ni Maria Clara si Crisostomo ng dahon ng sambong
Binigyan ni Crisostomo ng sulat si Mara Clara tungkol sa kanyang pagpunta sa ibang bansa.
Ngayon, Ipinakita nila na hindi nila nakalimutan at gaanong importante ang isa't isa sa pamamagitan ng paglabas ng
mga dahon at liham.
Sila ay nag-usap at nagkwento. Huminto si Crisostomo dahil naalala niya marami siyang kailangang gawin.
Nagpaalam si Crisostomo at hindi napigilan ni Maria Clara ang kanyang luha
sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay. (light 2
candles and offer them so Ibarra will have a safe trip)
I. Kabanata 10 (San Diego)
Eibarramendia Don Saturnino Don Rafael Ibarra Crisostomo Ibarra
Napakaganda at napakamayaman sa pananim at magandang tanawin
Umunlad ang San Diego dahil kay Don Rafael (nayon bayan)
Nagkaroon ng kurang indio. Nang namatay siya, Si Padre Damaso ay pumalit sa kanya
1. May dumating na misteryosong matandang Espaol sa bayan ng San Diego
2. Namigay ng alahas at damit ang matandang Espaol sa mga nakatira sa doon
3. Biglang nawala ang matandang Espaol at nagpatuloy ang tahimik na buhay sa San Diego
4. May naamoy na mabaho at natagpuan nila ang bangkay ng matandang Espaol na nakabigti (hanging) sa isang
puno sa gubat
5. Dumating at nagpakilala ang binatang si Don Saturnino na anak ng matandang namatay sa gubat
6. Dinala ni Don Saturnino ang pamilya niya sa San Diego upang dito na manirahan
J. Kabanata 11 (Mga Makapangyarihan)
Padre Salvi: bagong kura ng San Diego at ginagaya niya ang ugali ni Padre Damaso
Alperes: asawa ni Doa Consolacion, katunggali ni Padre Salvi, masmataas kay Tenyente Guevarra
-isang mangmang

-pinapasara ang mga bintana ng kanyang bahay dahil ayaw niya na makita ng mga tao si Doa Consolacion (dahil
marami siyang pasa at siya ay isang indio)
-inaabuso niya si Doa Consolacion
Palaging dumadating sa gitna ng misa ang Alperes
Pinapasara ni Padre Salvi ang pinto ng simbahan at binubuksan lamang tuming sermon na
May tinatagong pagnanasa kay Maria Clara si Padre Salvi
Si Padre Salvi at ang alperes lamang ay ang dalawang may kapangyarihan (power) sa San Diego

K. Kabanata 14 (Baliw o Pilosopo?)


Don Anastacio o Pilosopo Tasyo
Matalino at maraming alam tungkol sa pulitika at lipunan.
Nag-aral ng pilosopiya at huminto dahil gusto ng ina niya na siya ay magpari
Nag-asawa siya at nilisan (left) ang Colegio de San Jose
Wala pang isang taon, namatay ang kanayang asawa at siyay nabiyudo (widowed)
Upang makalimot, siya ay nagbasa ng mga aklat hanggang naubos ang kanyang kayamanan
Dahil hindi siya naiintindihan ng mga mangmang, tawag sa kanya ay Tasyong baliw
L. Kabanata 15 (Mga Sakristan)
Magkapatid na sakristan si Basilio at Crispin
Nagpapatunog ng kampana
May multa (fine) kung hindi tumunog ng maayos ang kampana
Nagtatrabaho at ang sweldo nila ay P2
Walang trabaho ang kanilang ina (Sisa) at walang ginawa kundi magsabong (gamble at cockfights) ang ama
Sinasabi ng sakristan mayor na nagnakaw si Crispin ng dalawang onsa ng ginto (halaga ay P32 isang onsa)
Ang talagang nagnakaw ay ang sakristan mayor. Naniniwala sa kanya ang pari dahil ang mga magulang ni Crispin at
Basilio ay hindi mapagkakatiwalaan.
Inaabuso sila ng sakristan mayor
noong hindi tumunog ng maayos ang kampana, hinatak ng sakristan mayor si Crispin palabas at pababa ng hagdanan.
Naririnig ni Basilio ang kalabog ng katawan ni Crispin at ito ay nakakabingi dahil alam niyang nasasaktan si Crispin
subalit wala siyang magawa.
Pamaya-maya ang mga iyak at sigaw ni Crispin ay nawala na.
M. Kabanata 30 (Sa Kumbento)
Maraming taong nais magsimba, sobrang siksikan
Nagtutulakan dahil ang lahat ay nais makahawak ng agua bendita
Kahit mainit, tumitiis ang mga tao sa loob ng simbahan dahil gusto nilang marinig ang sermon na pinagkagastusan
ng P250
Sabi ni Pilosopo Tasyo na dahil sa napakalaking halaga na ginugol sa sermon na ito, ito raw ay katumbas na ng
ikatlong bahagi ng kabayaran sa mga nagpalabas ng komedya sa loob ng tatlong gabi
guest priest si Padre Damaso
kininditan niya si Ibarra nagpapahiwatig na kasama siya sa kanyang sermon
Masaya ang tingin niya kay Padre Sibyla
Tinging patuya ang binigay niya kay Pari Manuel Martin, ang paring nagbigay ng sermon noong nakaraang araw.
Pinapakita ang masamang ugali ni Padre Damaso

You might also like