You are on page 1of 1

Ang mga Reyna

Tungkol sa isang presidente ng Pilipinas ang dulang Ang Kalungkutan ng mga Reyna ni
Floy Quintos. Naniniwala ni Presidenteng Yolanda na kinakailangan ng Pilipinas ang monarkiya
upang umunlad. Nagdeklara si Yolanda sa simula ng dula. Queen of the Island Kingdom of Mayi
ang tawag niya sa sarili niya. Naniniwala niya na gusto ng mga tao mayroon royalty sa
kanilang bansa dahail daw nagpipili sila ng presidente at hinidi nilang inaakala na ito ang
kanilang talagang ginugusto. Ipinatawag niya ang isang tagapaggupit na si Marcel de Alba upang
ayusin ang kanyang buhok. Naging tagapaggupit ng maraming maharlika si Marcel de Alba.
Naniniwala ni Yolanda na makakatulong ang kaalaman ni Marel tungkol sa mga pagkahari sa
kanyang layunin. Sabi ni Yolanda kay Marcel ang unang hakbang sa mabuting bansa ang
pagbabago ng kanyang hairstyle. Gusto ni Yolanda magbigay ng magandang impresyon sa mga
tao. Nang handa na lahat at gagawin na reyna si Yolanda sa koronasyon, naalaman nila na
mayroon maraming opposisyon at magkakaroon ng assassination. Bagamat alam na nila hindi
nila magawa ang kanilang layunin, hindi parin sila sumuko. Tinuloy nila at nagtapos ang dula sa
pagtataksil ng mga heneral ni Yolanda at ang manghimagsik ng mga tao. Sabi ni Yolanda na ayos
na kahit mamatay siya dahil mamatay naman siya ng maganda at may magandang impresyon
siyang maiiwan sa mga tao. Naniniwala niya mapagtanto ng mga tao sa kinabukasan na tama ng
pala siya at monarkiya nga ang kailangan nila.
Paulit-ulit pinapatugtog ang kantang Somewhere Over the Rainbow. Napaliwanag ng
dula kung bakit ito ang kanta na pinili. Pinili daw ito dahil sa kanyang kasikatan at upang
umudyok ang mga tao sa paghahanap ng bagong buhay at ang bagong Pilipinas. Ginamit niya
ang kanta upang magpropaganda niya ang kanyang gagawin. Maaari natin ikompara ito sa
edukasyon ng America. Ginagamit nila ang edukasyon upang maging mas loyal ang Pilipinas.
Gusto ni Yolanda na maganda ang itsura niya upang itago niya ang kanyang masamang
layunin. May mascara rin ang America. Mukhang maganda naman ang demokrasya, ngunit hindi
totoong layunin nila ito. Binili niya ang Pilipinas upang pakikinabangan nila ang kayamanan ng
Pilipinas. May tinatago.
Sa dula, ayaw na ayaw ang mga tao sa monarkiya. Isang itong inpluwensiya ng
kololialismo. Mahirap ang buhay ng mga tao sa panahong Espana at naging mabuti ang buhay
nila sa panahong America, kaya iniisipnila na mas maganda ang demokrasya kompara sa
monarkiya. Queen of the Island Kingdom of Mayi ang tawag ni Yolanda sa sarili niya. Ginamit
niya ang pangalan na Mayi, dahil sinusubukan niya tangaling ang epekto ng kololisasyon. Ang
Mayi ay isang tawag sa Pilipinas bago ito ay nasakop ng Kastila. Ang pangalan na Pilipinas ay
binigay ng Kastila sa atin. Ipinangalan ito sa pangalan ng hari ng Espana, King Philip. Tinatangal
ang epekto ng kolonisasyon at gusto niya maging unang royalty ng Pilipinas.

You might also like