You are on page 1of 4

Ang Bibliograpi

Ito ay maingat at maayos na pagtatala ng mga


sangguniang magagamit sa pagkuha ng mga impormasyon
at tala. Matatagpuan ito sa katapusan ng papel at may
pamagat na "Talasanggunian". Kapag kakaunti ang
pinagkukunan o hanguan, hindi na ito pinapangat-pangkat.
Itinatala na lamang ito ayon sa alphabetong pasunodsunod. Isinasama sa talasanggunian ang tala tungkol sa
awtor, pamagat at publikasyon.
Halimabawa ng Talasanggunian:

San Andres, Teody. 1988. Rizal-Bayani ng Lahi: TCS-Publishing


house.
Goday, Renato. 1995. Gamiting Filipino: Rex Bookstore.
Mendoza, Elisa. 2004. Sining ng Komunikasyon at Linggwistika:
TCS-Publishing house.

Ang Paglika ng Konseptong Papel


Ang konseptong papel ay ang kabuuan ng kaisipan o ideyang
nabuo mula sa istraktura at buod ng isang ideyang tumatalakay sa
ibig linawin at patunayan. Ito ay binubuo ng apat na bahagi:
a.) Ang Rasyunal - Sa bahaging ito ipinapahayag kung saan
nagmula ang ideya at kung bakit napili ang isang paksa.
Ibinibigay din dito ang kahalagahan at kabuluhan ng
nasabing paksa.
b.) Ang Layunin - Sa layunin isinasaad ang nais matamo ng
riserts. Ito'y maaaring pangkalahatan at tiyak. Sa
pangkalahatan ipinapahayag ang kabuuang layon,
ang
gustong malaman ang riserts. Tiyak ito kung
ipinapahayag
ang ispesipikong layon sa pagririserts ng
paksa.
Halimbawa:
Pangkalahatang Layunin:

Alamin at suruin ang pinsalang maaaring magawa ng


protesta sa mga estudyante ng BulSU na taga-Bulacan.
Mga Tiyak na Layunin:
1. Alamin ang bilang ng mga estudyante sa BulSU.
2. Pag-aralan ang maaaring pinsalang pisikal na magagawa sa
mga estudyanteng nakatira sa Bulacan.
3. Ipakita ang maaaring magawang solusyon upang mapigil o
maibsan ang pinsala sa pamamagitan ng riserts.
c.) Metodolohiya - Ipinapakita rito ang prosesong gagamitin sa
pagkuha ng datos at pagsusuri sa napiling paksa sa
riserts.
Sa pagkuha ng datos, maaaring gamitin ang
sarbey,
interbyu, case study, questionaire,
obserbasyon, atbp.
Halimbawa:

Kukuha ng datos ukol sa protesta sa Bulacan mula sa mga


artikulo at dyaryo. Kukuha rin ng impormasyon ukol dito
sa
mga opisinang nasasakop ng ganitong lugar. Magiinterbyu
ng mga estudyante at mga propesor na nagtuturo
sa BulSA.

d.) Inaasahang Output - Ito ang inaasahang kalalabasan ng


riserts. Maaari ring sabihin dito kung ilang pahina ang
mabubuong riserts, at kung may karagdagang bahagi
tulad
ng bibliograpi at apendiks.
Halimbawa:
Inaasahang Output:
May tinatayang 40-50 pahina ang mabubuo mula sa riserts.
Kasama na rit ang pahina ng bibliograpi at apendiks.

You might also like