You are on page 1of 2

Nang at Ng

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang NANG ay ginagamit na:
1. Kasingkahulugan ng NOONG
2. Kasingkahulugan ng UPANG
3. Pinagsamang NA at ANG
4. Pinagsamang NA at NG
5. Pinagsamang NA at NA
6. Nagsasaad ng PARAAN
7. Pang-angkop ng pandiwang inuulit
Mga halimbawa:
1.1 NANG (noong) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo.
1.2 Sariwa pa sa aking alaala ang mga tagpo NANG (noong) ako ay bata pa.
2.1 Mag-aral kang mabuti NANG (upang) makatapos ka sa yong pag-aaral.
2.2 Tawagin mo ang doktor NANG (upang) magamot na ang mga may sakit.
3.1 Labis NANG (na ang) panglalait ang natamo niya.
3.2 Itigl NANG (na ang) pangaabuso sa mga maralita!
4.1 Isinagad NANG (na ng) tsuper ang kanyang apak sa silinyador.
4.2 Napahamak NANG (na ng) tuluyan ang kanyang anak NANG (noong) itoy kanyang iwan.
5.1 Ikakasal ka NANG (na na) hindi ka pa handa?
5.2 Umalis ka NANG (na na) hindi man lang nagsuklay.
6.1 Inabot niya NANG patingkayad ang dumi sa ibabaw ng tokador.
6.2 Manalangin ka NANG taimtim NANG (upang) makamit mo ang iyong minimithi.
7.1 Kain NANG kain pero payat, tulog NANG tulog pero puyat.
7.2 Iyak NANG iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya.
Ang NG naman ay ginagamit kung:
1. Sinusundan ng pangngalan (noun)
2. Sinusundan ng pang-uri (adjective)
3. Sinusundan ng pamilang (counting nouns)
Mga halimbawa:
1.1 Ang tokador ay puno NG damit.
1.2 Ang balon NG tubig ay tuyo na.
2.1 Bumusina nang malakas ang tsuper NG taksi.
2.2 Kumuha siya NG malamig na tubig.
3.1 Kumuha siya NG isang basong tubig.
3.2 Nagsama siya NG sampung kawal.
May mga pagkakataon na parehong tama ang paggamit ng NANG at NG sa pangungusap (grammatically
correct) ngunit magkaiba ng pakahulugan at kagamitan (usage).
Halimbawa:
1. Kumuha ka NANG papel. (Pagtatama: Ito ay isinusulat ng "Kumuha ka NA NG papel [get the paper already).
2. Kumuha ka NG papel. (Get some paper, get a piece of paper, to distinguish it from "get the paper" which
means "get the newspaper").
Parehong tama ang dalawang pangungusap ngunit magkaiba ng pakahulugan. Ang unang pangungusap ay
nagbibigay ng diin na dapat ngayon na o sa sandaling ito dapat ng kumuha na ng papel ang inuutusan. Maaaring
isulat ito na Kumuha ka NA NG papel. Samantalang ang ikalawang pangungusap ay naguutos lang na
kumuha ng papel.
- mula kay G. ACGavino

Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap
dahil halos magkasingtunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang
tamang gamit ng "nang" at "ng".
A. NANG
a. Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
b. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
c. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.
B. NG
a. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
Sapat nang tandaan ang gamit ng NANG upang hindi malito sa wastong paggamit ng NANG at NG.
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din
ang gamit sa unahan ng pangungusap.

Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami
sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating
paggamit sa ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.
Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o
nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang
nang ang sa isang pangungusap:
Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes.
Si Marko ang siga ng Maynila.
Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain.
Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.

You might also like