You are on page 1of 1

Verbal

Isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa


pamamagitan ng mga salitang simbolo na
kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay.
Sangkot sa prosesong ito ang pagsusulat,
pagbabasa, pagsasalita at pakikinig.
Ito rin ang tawag sa komunikasyong ginagamitan ng wika, pasulat man o pasalita
na siyang kumakatawan sa mga ideya at saloobin ng isang tao.
Komunikasyong Extra-Verbal
gumagamit ng tamang tono o timbre ngboses sa pagsasalita o pagpapahayag ng
damdamin.
a.
Mababa at malumanay na tinig paggalang sa matatanda
b.
Malakas na boses, mataas na tono at mabilis na ritmo pagbibigay ngbabala o paghingi ng
tulong.
Di- Verbal na Komunikasyon
Hindi ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita angmensaheng nais iparating sa kausap
sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.
Tumutugon sa mga kabatirang dala ng tagapaghatid sa tagatanggap nang walang ginagamit na
mga salita
Ibat ibang anyo ng komunikasyong di-berbal
1.
Oras (Chronemics) ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan
ng mensahe.
2.
Espasyo (proxemics) maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa
pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public

Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.

3.
Katawan (kinesics) kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at
kilos, kumpas ng kamay
4.

Pandama (haptics) paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe


Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo

5.

Simbulo (Iconics) mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp

6.

Kulay (Chromatics) maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

7.

Paralanguage paraan ng pagbigkas sa isang salita

8.

Bagay (objectics) paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon

You might also like