You are on page 1of 7

Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanon

g ang tao ng ganito:


Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao?
Papaano nalikha ang unang salita?
Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito?
Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong bagay?
atbp.
*Mga Teologo(Theologians)
*Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.
*Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.
*Sinasabing ang pagkakaroon ng iba t-ibang wika sa daigdig ay parusa ng Diyos sa p
agmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I).
*Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay h
indi nasiyahan sa mga ganong paliwanag ng simbahan.
*Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.
*Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang kanilang halos walang katapusang pagta
talu-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ng wika.
Mga mambabalarilang Hindu
*Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.
*Nang panahong iyon, naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos ang ginamit sa mata
tandang banal na himno ng Ebreo.
*Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga hi
mno kahit nakaiwanan na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diy
os ang anumang isasagawang pagbabago dito.
*Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na Hindu.
*Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa nasabing mga himno sa palatun
ugan, palabuuan, palaugnayan, sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa ng
halos di maunawaang mga himno.

*Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng


mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.
*Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mamba
balarilang Hindu na hangggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong m
ambabalarila at linggwista.
Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan n
ito, sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinan
g at lumaganap nang puspusan sa Europa ng panahong iyon.
*Mapapansing kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaan
yo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika.
*Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics
* Ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon.
* Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham wika.
Panahon ng Kalagitnaang Siglo

(Middle Ages)
Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga pal
aaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
Panahon ng Pagbabagong Isip (Renaissance)
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba t
-ibang panig ng daigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at puspusan ang
pagsusuring panlinggwistika sa mga wikang Griyego at Latin dahil sa napakarami
at iba t ibang karunungang sa dalawang wikang ito lamang matatagpuan.
*Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin ay nakaimpluwensya sa iba t-ibang wi
ka sa Europa.
Wikang Ebreo
-orihinal na wikang kinasusulatan ng MatandangTipan.
-pinaniniwalaang siyang wikang sinasalita sa paraiso kaya t inakalang la
hat ng wika y dito
nag-ugat, pati na ang Griyego at Latin na
syang un
ang mga wikang kinasalinan ng nasabing Bibliya.
Pagsapit ng ika-19 siglo
*Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang aghamwika.
*Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika na humantong sa pagpapa
pangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang angkan.
*Ang pagsusuri sa mga wika ay hindi lamang palarawan (descriptive) kundi sumasag
ot pa rin sa bakit ng mga bagay-bagay tungkol sa wika.
*Lumitaw ang iba t-ibang disiplina sa linggwistika.
*Sa panahong ito y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na labis na nakaimp
luwensya sa larangan ng linggwistika sa Europa:
-Bopp (Sanskrito)
-Grimm (Aleman) at
-Rask (Islandic)
Ang mga linggwistang ito y sinundan ng marami pang iba tulad nina:
Rappf
Madvig
Bredsdorff
Muller
Schleicher
Whitney
Curtios
at marami pang iba.
Tinangka nilang ihambing ang mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego, Latin, Ital
yano, Espanyol, Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na itinuturing ngang pinakasimula
ng lahat ng wika sa daigdig ng mga panahong iyon.
Ang mga pananaliksik sa larangan ng linggwistika sa teknikal na kahulugan nito,
ay alam nating karakarakang nauunawaan ng mga hindi linggwista.
*Muller at Whitney (1860-75)
-nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham
na ito upang mapakinabangan ng mga paaralan.
*Sa paglakad ng panahon, iba t-ibang modelo o paraan ng paglalarawan sa wika ang l
umaganap sa daigdig.
*Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraan ngunit masasabing nananatiling
hindi nagagalaw ang makalumang pamamaraan.
Hal. Hanggang sa ngayon ay wala pang kinikilalang pamamaraan na maaaring higit n
a mabuti sa pamamaraan ni Panini sa paglalarawan ng gramatika ng Sanskrito.
Gayundin sa gramatika ng Ebreo na nalinang noong Kaligatnaang Siglo at sa gramat

ika ng Klasikang Arabiko at Intsik.


Linggwistikang Historikal (Historical Linguistics)
*Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatoto
o na ang mga wika sa daigdig ay mula sa iba t-ibang angkan.
*Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitan
g magkakaugat (cognates) sa mga wika.
*Sa payak na pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga sal
itang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa palatunugan, palabuuan, at pa
laugnayan ay pinapangkat sa isang angkan.
Blumentritt
-Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng i
ba t-ibang wika sa Pilipinas.
-Sinasabing sya ang nakaimpluwensya kay Rizal upang magtangka ring magsagawa ng
ilang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog.
Sumunod kay Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina:
Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas Chretien, Carlos Conant, H
arold Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilip
inas. (cf. Gonzales, et. al., 1973)
Linggwistikang Istruktural (Structural Linguistics)
-Sinundan nito ang Linggwistikang Historikal.
-Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang
salita o pangungusap.
-Iba t-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Austra
lya at sa Amerika sa ilaim ng disiplinang ito.
*Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mga pangungusap sa iba t ibang wika ay nangan
gailangan ang mga dalubwika ng mga simbolong pamponetika at pamponemika upang ku
matawan sa iba t ibang tunog
*Taong 1870 lumitaw ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumamagamit ng
hindi kukulanging 400 simbolo.
*Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliranin hindi lamang sa mga dalubwika ku
ndi gayundin sa bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik.
-Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kung papaano nila magagawang payak ang kan
ilang isinasagawang paglalarawan sa mga wikang kanilang sinusuri.

PONEMA
*Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes) na naging palasak na palasak ha
nggang sa kasalukuyan.
*Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa palatunugan ng isa
ng wika sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
*Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas na simbolo pati mga alopono ng isang ponema
kaya t lubhang napakarami ang ginagamit na mga simbolo.
*Ang ponema ay itinuturing na panulukang-bato ng linggwistikang-istruktural.
*Gumagamit din ang mga instrukturalista ng katawagang morpema (morpheme) sa pags
usuri sa palabuuan ng mga salita ng isang wika.
*Ang linggwistikang istruktural ay naging popular noong 1925 hanggang 1955.
-Namukod-tangi sa panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng Amerika.
-Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na i
larawan lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap.
-Inisip din nilang kailangan ding alamin kung bakit at kung paano nagsasalita ang ta
o.

*Ang mga pantas (philosophers), mga sikologo (psychologists), antropologo (anthr


opologists), at maging mga inhinyero (engineers) ay nangangailangan ng isang wik
ang inilalarawan sa pamamagitan ng isang maagham na pamamaraan upang kanilang hi
git na maipahayag ang kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na
paraan.
Logical Syntax
-Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag n
a transformational o generative grammar .
Linggwistikang Sikolohikal(Psycho-linguistics)
-Sinasabing bunga o resulta ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan ang p
angangailangan sa larangan ng sikolohiya.
Si Harris ang kinikilalang transitional figure
istikang heneratibo.

mula sa istruktural tungo sa linggw

Anthropological Linguistics
Pinangungunahan nina Boas, Sapir, Whorf, Malinowski, Kroeber, at Trager.
Tagmemic Model
ni Kenneth Pike
Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at ng gamit
(function).
Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko ay itinuturing na isang yunit n
a may sariling lugar o slot sa isang wika.
Ang isang yunit ay may iba t-ibang antas:
Antas ng Ponema (phoneme level)
Antas ng Morpema (morpheme level)
Antas ng Salita (word level)
Antas ng Parirala (phrase level)
Antas ng Sugnay (clause level)
Antas ng Pangungusap (sentence level) at
Antas ng Talakay (discourse level).
Phrase-Structure Transformational Generative Model
-Masasabing nag-ugat sa logical syntax .
-Dito y namukod-tangi ang pangalan ni Chomsky.
-May pagkakahawig sa linggwistikang sikolohika- ang pagtarok sa
sabi ng nasasalita sa kanyang sariling wika.

sinasabi at

di sina

Modelong Generative-Semantics
*Sinundan nito ang transformational-generative.
*Kung ang una ay nagbibigay-diin sa form o anyo, ang huli naman ay sa meaning o
kahulugan.
*Dito y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb.
*Sa Pilipinas, masasabing ang pinakapalasak na modelo ay istruktural pa rin.
*Bukambibig na din ang modelong transformational-generative ni Chomsky at ng kan
yang mga kasamang tulad nina Jacobs at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito y
hindi makapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan.

*Ang modelong generative-semantics ay nagsisimula nang pumalit sa modelong trans


formational-generative, gayundin ang modelong Case for Case ni Fillmore.
*Panahon lamang ang makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ang totoh
anang papalit sa modelong istruktural.

*Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika.


Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematikal
-Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at gamiti
n sa mga darating na araw .
-Tinatawag din itong computational linguistics .
-Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito y magiging pal
asak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer sa lahat halos ng laran
gan ng pag-unlad.

You might also like