You are on page 1of 18

Roxenette Gil B.

Pangilinan
BSN 1-1
Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa himig ng pambansang
awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba
nagsimula ang wikang Filipino? Kusa lamang ba itong sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay pinagsamasamang mga salita mula sa ibat-ibang kultura?
May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000 pangunahing wika. Isa
sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o
Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia.
Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang Malayo-Polynesian. Sa mga
sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay na Tagala.
Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol, Waray o Samar-Leyte,
Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na
gumagamit, nagasalita, nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang dayalekto,
gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa.
Gauyundin sa Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon
naman ay mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweo, Ilongo, at iba pa. Ang Bicol ay mayroong Naga, Legaspi,
Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateo, at iba pa. Samantala ang Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan,
Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.
Ang alif-ba-ta at abecedario
Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may sarili ng
alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na alibata o alif-ba-ta sa Arabo. Ang matandang alpabeto ng
mga katutubo ay syllabic at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants). Ang patinig ay
mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may iisa lamang tunog na lubhang nakalilito. Bawat isa sa mga
katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na
kudlit, o isang uri ng marka na ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa
ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig
ay nagiging e o i.
Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang kulturang pangkatutubo ng mga
sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa
sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng
alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.
Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang patakarang
ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga
pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang
pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.
Ang Surian ng Wikang Pambansa
Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmea bilang pangalawang Pangulo,
binig-yan pansin ang isyung nasyonalismo. Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang
pangkalahatang pambansang wika na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng
pambansang pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong
wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa.
Ang Unang Pambansang Asemblea noong ika-13 ng Nobyembre, 1937, ang siyang bumuo sa Institusyon ng Wikang
Pambansa. Ang mga naging kasapi sa komiteng ito ay sina Jaime de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano),
Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez (Samarnon), Felix Sotto (Cebuano), Cecilio Lopez (Tagalog), Hadji Butu
(Maranao-Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampango), Jose Zulueta (Pangasinan), at Lope K. Santos
(Tagalog).
Nang binuo ang Commonwealth Constitution, ang wikang Tagalog ang siyang naging pambansang wika ng Pilipinas, ayon
na rin sa Executive Order Bilang 134. Ang mga naging batayan nito ay ang: pagiging lingua franca nito, o paggamit ng

Tagalog sa maraming sangay ng komersyo at kalakalan; ang dami ng katutubong nagsasalita nito, sa dahilang ang wikang
ito ay ang pangunahing ginagamit sa lungsod ng Maynila gayundin sa mga kalapit probinsya nito, at; ang karamihan ng
panitikang Pilipino ay nakasulat sa Tagalog. Ngunit dahil sa ilang pagtutol ng mga kinatawan ng ibat-ibang bahagi ng
bansa matapos ang tatlong taon, ang naturang konstitusyon ay hindi klinasipika ang wikang Tagalog bilang opisyal na
wikang pambansa, ngunit bilang isang pormal na dayalekto ng ating bansa lamang.
Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog, isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na
siyang nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang a lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat
katinig para sa tunog nito.
Nung panahong din ito, umusbong ang mga salitang ginamit sa Balarila at ito ay ang mga: balarila (grammar), pandiwa
(verb), pangngalan (noun), pang-uri (adjective), pang-abay (adverb), pangatnig (conjunction), patinig (vowel), katinig
(consonant), panaguri (predicate), simuno (subject), pang-ukol (preposition), paningit (inclitic).
Samantala, nakasaad din sa Konstitusyon ng Komon-welt na ang wikang pambansa ay dapat na kumatawan sa lahat ng
lalawigan ng bansa. Ibig sabihin, ito ay dapat na ginagamit sa halos lahat ng mga lalawigan. Hindi lamang iyan, ang
naturang pambansang wika ay dapat may mga elemento ng ibat-ibang dayalekto na siyang ginagamit ng ibat-ibang
lalawigan sa buong bansa.
Ang Tagalog bilang Pilipino
Bago naisagawa ang pangalawang konstitusyon noong dekada 70, higit na sa kalahati ng mga mamamayan ng bansa ang
gumagamit na ng wikang Tagalog, kumpara noong nakaraang apat-naput taon na kung saan ay may halos dalawamput
limang porsyento lamang ng mga Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog. Isa sa mga kadahilanan ng paglaki ng bilang na ito
ay nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig, ipinag-utos ng mga mananakop na Hapones na Tagalog ang
wikang gamitin sa mga paaralan at maging sa mass media.
Dahil dito, ang mga nationalists academics ay nagkaisang magtulong-tulong upang magbigay daan tungo sa pagtatatag
ng isang opisyal na pambansang wika, na siyang tatawaging Pilipinona kung saan ay tanggap ng karamihan bilang ang
wikang Tagalog.
Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan noong
ika-30 ng Hulyo, 1976, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram na titik. Ang naturang
revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, , q,
rr, v, x, at z. Ngunit dahil sa hindi naging malinaw ang paggamit sa mga letrang ito, ang naturang alpabeto ay dumaan uli
sa panibagong pagsususog.
Noong mga panahong din iyon, isinagawa ang ibat ibang paraan nang pagpapayaman ng pambansang wika. Pinilit ng mga
dalubhasa na gawin itong maka-katutubo, na kung saan ang mga salitang hiram o mga salitang galing sa mga
banyagang wika ay unti-unting tinanggal at pinapalitan ng katutubong salitang katumbas nito. Isang halimbawa ang
salitang Espanyol na silyana siyang pinalitan ng salitang salumpuwit. Ngunit sa kadahilanang ang mga salitang madalas
na nating ginagamit ay hiram na halos sa mga banyagang salita tulad ng Ingles, Espanyol, Intsik, Hapon, at kung anu-ano
pa, hindi na naging epektibo ang mga naturang hakbang ng mga nasyonalista sa larangan ng akademya.
Ang makabagong Filipino
Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang
pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na
Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang Filipino ay nag-bibigay halaga sa mga
salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi
lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino.
Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang
naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng
alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayonna siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang
Filipino.
Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng ibat ibang paaralan sa Pilipinas.
Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang Filipino bilang ang wikang pambansa, at ang Tagalog
bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng
mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng
ibat-ibang lenguwahe ng ibat ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine

Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa.
Imperyalismong Tagalog
Kahit na dumaan na sa maraming salin o pagbabago ang tawag sa wikang pambansamula sa Tagalog, na naging Pilipino
(na base pa rin sa Tagalog ), na ngayon ay Filipino namarami pa rin ang nasanay na sa pagtawag ng Tagalog bilang
pambansang wika, mapabanyaga man o katutubong Pilipino. Ang kaisipang ito ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes na
Tagalog Imperialism.
Ang pangyayaring ito ay ikinasama rin ng loob ng ilan nating kababayan na di-Tagalog. Sa tingin nila, hindi nabibigyan ng
pansin ang ilan pang malalawak na gamiting wika tulad ng Ilokano at Cebuano. Nagbigay daan din ito sa pagpapalit ng
mga konsepto ng wikang pambansa.
Sa ibang bansa, napansin ninyo ba na mas kilala ang salitang Tagalog kaysa sa Filipino bilang pangunahing wikang
pambansa ng Pilipinas? Ang salitang Filipino para sa mga banyaga, ay isa lamang klase ng pang-uri. Ngunit ang ganitong
pagkakakilanlan nila sa salitang Filipino ay hindi nagbibigay ng malaking pagkakaiba sa salitang Pilipino at Tagaloggaya
ng pagkakakilanlan ng mga Amerikano at maging ng mga Canadian.
Pilipino o Filipino?
Ngayon, malinaw na ba sa isipan ng lahat ang pinagkaiba ng salitang Filipino sa Pilipino? Para sa mga naguguluhan pa, ang
wikang Filipino ay tinaguriang Tagalog-plus na kung saan ito ay binubuo ng ibat-ibang banyagang salita maliban sa
Tagalog. Ito rin ang nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong diksyunaryong Filipino, na kung saan ang salitang Ingles na
Dictionary at Espanyol na Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang diksyunaryo. Ngunit para sa
mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na purist, ang salitang dictionary ay ang talatinigan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon, okasyon, indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles
tulad ng computer, qualification, occasion, individual, at syphilis.
Ngunit para sa mga eksperto, mas maiging tawaging Filipino at hindi Tagalog ang sarili nating wika. Ito ay upang
magbigay galang o konside-rasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit ang wikang Tagalog bilang kanilang
pangunahing salita.
Ang hinaharap ng wikang Filipino
Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa
ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging
intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan
para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na
pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang
isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagkat maraming termino sa agham, matematika,
algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o counter-part sa Filipino. Isa pa, ang mga
kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga
diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng
wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.
Ito ang dilemma ng pagiging intelektwalisado ng wikang Filipino: Kailangang palitan ng Filipino ang wikang Ingles bilang
pinakagamiting wika sa ating bansa; ngunit para mangyari ito, kailangan munang maging intelektwalisado ang wikang
Filipino.
(Revisyon ng DECS Kautusang Pangkagawaran Blg. 81. s. 1987)
I. Ang Alfabetong Filipino
Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U,
W, Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, , Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.

Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa
(enye) na tawag-Kastila.
A /ey/

G/ji/

L /el/

NG

S /es/

B /bi/

M /em/

/enji/

T /ti/

/doboly

C /si/

/eych/

N /en/

O /o/

U /yu/

u/

D /di/

I /ay/

P /pi/

V /vi/

X /eks/

E /i/

J /jey/

/enye/

Q /kyu/

Y /way/

F /ef/

K /key/

R /ar/

Z /zi/

II. Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbaybay


A. Ang Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na
pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pangagham, atb.
Pasulat - Pabigkas
Salita
boto /bi-o-ti-o/

vinta /vi-ay-en-ti-ey/

plano /pi-el-ey-en-o/

jihad /jey-ay-eich-ey-di/

Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/


Pantig
it /ay-ti/
kon /key-o-en/

pa /pi-ey/

trans /ti-ar-ey-en-es/

tsart /ti-es-ey-ar-ti/

MERALCO (Manila Electric Company)

ARMM (Autonomous Region of Muslim

Akronim

/em-i-ar-ey-el-si-o/

Mindanao)

LEDCO (Language Education Council)

/ey-ar-em-em/

/el-i-di-si-o/

ASEAN (Association of Southeast

PANDAYLIPI (Pandayan ng

Nations)

Literaturang
Pilipino)

/ey-es-i-ey-en/
Daglat

/pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-

Bb. (Binibini) /kapital Bi-bi/

pi-ay/

G. (Ginoo) /kapital ji/

Gng. (Ginang) /kapital ji-ay-en-ey-

Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key-

en-ji/

ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar/

Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel Luis Quezon) /em-el-kyu/
CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/
JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/
LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey-ji-ey/
Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino /key-dobolyu-ef/
PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster Pilipinas) /key-bi-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod Ng Maynila) /pi-el-em/
MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/
NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/
Simbolong Pang-agham Pang-Matematica
Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eich-tu-o/
NaCl (sodium) /en-ey-si-el/
lb. (pound) /el-bi/
kg. (kilogram) /key-ji/
v (velocity) /vi/
Ang Pasulat na Pagbaybay
Manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.
Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong (8) dagdag na letra
Ang panghihiram
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba pa pang wika para
matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng
modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayang
nanghihiram ng mga salita anumang varayti ng wika ang ginagamit, pasalita man o pasulat.

Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino. Nililimitahan nito ang
panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, , J, Q, V, X at Z)
doon lamang sa mga sumusunod:
Pantanging ngalan
Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa
alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito
Salitang pang-agham at teknikal
Simbolong pang-agham
Kung kayat napapanahon lamang ang pagrevisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang kraytirya para matamo ang
isang efisyenteng sistema ng ispeling:
1.

kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra, at

2.

fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika.

Batay rito, pinaluluwag ng nirevisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra sa lahat ng hiram
na salita.
Mga Tuntunin sa Panghihiram
Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita:
Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Hiram na salita/Filipino
attitude saloobin
rule tuntunin
ability kakayahan
wholesale pakyawan
west - kanluran
Kumuha ng mga salita mula sa ibat ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
Hiram na salita/Katutubong Wika
hegemony - gahum (Cebuano)
imagery - haraya (Tagalog)
husband - bana (Hiligaynon)
Muslim priest - imam (Tausug)

Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa
Filipino.
Halimbawa:
Kastila/Filipino
cheque tseke
litro litro

economics ekonomiks

liquido likido

radical radikal

educacin edukasyon

Iba pang wika/Filipino

quilates kilatis

coup detat (French) kudeta

Ingles/Filipino

chinelas (Kastila) tsinelas

centripetal sentripetal

kimono (Japanese) kimono

commercial komersyal

glasnost (Russian) glasnost

advertising advertayzing

blitzkrieg (German) blitskrig

Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayong pa man, sa pagpili ng salitang gagamitin isaalang-alang din ang mga
sumusunod: (1) kaangkupan ng salita, (2) katiyakan sa kahulugan ng salita, at (3) prestihiyo ng salita.
1.

Gamitin ang mga letrang C, F, , J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na
kondisyon:
Pantanging ngalan

Valenzuela City

Doa Monserat

Tao

Gusali

Pangyayari

Quirino

Ceeza Bldg.

First Quarter Storm

John

State Condominium

El Nio

Lugar

Sasakyan

Canada

Qantas Airlines

Salitang teknikal o siyentifiko


Halimbawa:
cortex

Marxism

vertigo

enzyme

x-ray

infrared

quartz

zoom

filament

joules

Salitang may natatanging kahulugang kultural


Halimbawa:
caao (Ifugao) pagdiriwang

hadji (Maranao) lalaking Muslim na

seora (Kastila) ale

nakapunta sa Mecca

masjid (Maguindanao) pook dalanginan,

at init, yari sa palmera o dahon ng saging

moske

ifun (Ibanag) pinakamaliit na banak

vakul (Ivatan) panakip sa ulo bilang

azan (Tausog) unang panawagan sa

pananggalang sa ulan

pagdarasal ng mga Muslim

Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi
katumbas ng tunog.
Halimbawa:

champagne

bouquet

plateau

rendezvous

monsieur

laissez-faire
Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit.
Halimbawa:
taxi
exit
fax
Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga
salitang hiram
Halimbawa:

Halimbawa:

fixer fikser

cornice

subject sabjek

cell

vertical vertikal

reflex

zipper ziper

requiem

Gamitin ang mga letrang C, , Q, X sa mga salitang

xenophobia

hiniram nang buo.

catalua

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra


Letrang C
Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
calculus

carbohydrates

chlorophyll

de facto

cellphone

corsage

Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino
ang hiram na salitang may letrang C.
cs

participant partisipant

central sentral

magnetic magnetik

census sensus

card kard

circular sirkular

cake keyk

ck

empirical empirikal

Letrang Q
Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
quo vadis
quotation
quad
quartz
quantum
opaque
Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa
Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
q kw
quarter kwarter
sequester sekwester
equipment ekwipment
qk
quorum korum quota kota querida kerida
Letrang
Panatilihin ang letrang kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.
La Tondea
Santo Nio
El Nio
Malacaang
La Nia
coo
Palitan ang Letrang ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang .
ny
pia pinya

pao panyo

cariosa karinyosa

baera banyera

caon kanyon

Letrang X
Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
axiom
wax

xylem

export

praxis

exodus
Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
x ks
experimental exsperimental
taxonomy taksonomi
texto teksto
exam eksam
Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Tofu (Nihonggo) tokwa
Futbol
French fries
Fasiliteytor
Lifeguard
Fraterniti
Fuddul (Ibanag) maliit na burol
Foto
Fokus
Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
jam
juice
majahid (Arabic) tagapagtanggol ng Muslim
jantu (Tausog) puso
sabjek
jaket
jornal
objek

bajet
Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
vertebrate
varayti
verbatim
volyum
video
valyu
Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
zebra
magazin
zinc
bazaar
zoo
bazuka
Iba Pang Tuntunin
Mga Diptonggo
Ang mga salitang may diptonggo o magkasunod na patinig ay baybayin ayon sa mga sumusunod:
Magkasunod Ilang na Patinig/Halimbawa

ia - ya
ortografia ortografya, ortografiya
dialecto dyalekto, diyalekto
iya
cristiano kristyano, kristiyano
sentencia sentensya, sentensiya

ie - ye
tiempo tyempo, tiyempo
iye
enmienda enmyenda, enmiyenda
pie - pye, piye

io - yo

divorcio diborsyo, diborsiyo


iyo
exportacion eksportasyon, eksportasiyon

ua - wa
guapo gwapo, guwapo
uwa
aguador agwador, aguwador
cuarto kwarto, kuwarto
santuario santwaryo, santuwaryo
estatua estatwa, estatuwa

ue - uwe
cuento kwento, kuwento
suerte swerte, suwerte
absuelto abswelto, absuwelto

ui - wi
buitre bwitre, buwitre
uwi
perjuicio perwisyo, peruwisyo

Mga Digrapo
Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang tunog. Gamitin ito sa
mga sumusunod:
Digrapong Ch
Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
chopsuey
chips
Chavez
charter
Palitan ang digrapong ito ng CH kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
chalk tsok
cochero kutsero
checklist tseklist

chocolate tsokolate
channel - tsanel
Digrapong SH
Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
Sharon
Shampoo
Sheik
shangri-la
shamrock
Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
workshop worksyap
shooting syuting
censorship sensorsyip
scholarship iskolarsyip
Ang NG
Panatilihin ang NG para sa tunog na /ng/ sa dahilang mahalagang ambag ito ng palatunugang Filipino. Ang tunog na ito ay
maaaring nasa inisyal, midyal at final na posisyon.
Ngayon

Panginoon

Ngipin

Payong

Pangalan

tanong

Ang Pantig at Palapantigan


Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
a-ko

sam-bot

i-i-wan

mang-ya-ya-ri

it-log

ma-a-a-ri

Kayarian ng Pantig
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P
para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.

Kayarian Halimbawa
P: u-pa

PKK: eks-perto

KP: ma-li

KKPK: plan-tsa

PK: is-da

KKPKK: trans-portasyon

KPK: han-da

KKPKKK: shorts

KKP: pri-to
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig.
Salita - Mga Pantig
aalis: a-a-lis
maaga: ma-a-ga
totoo: to-to-o
Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una
ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
buksan: buk-san
pinto: pin-to
tuktok: tuk-tok
pantig: pan-tig
sobre: sob-re
kopya: kop-ya
kapre: kap-re
tokwa: tok-wa
Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay
kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
eksperimento: eks-pe-ri-men-to
transkripsyon: trans-krip-syon

Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang
unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
asambleya: a-sam-ble-ya
alambre: a-lam-bre
balandra: ba-lan-dra
simple: sim-ple
sentro: sen-tro
kontra: kon-tra
Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig ng
sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
Ekstradisyon: eks-tra-di-syon
Eksklusibo: eks-klu-si-bo
Ang Pag-uulit ng Pantig
Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.
Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis: a-a-lis
i-wan: i-i-wan
am-bon: a-am-bon
eks-tra: e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
mag-alis: mag-a-a-lis
maiwan: ma-i-i-wan
umambon: u-ma-am-bon
mag-akyat: mag-a-ak-yat
umekstra: u-me-eks-tra
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig
lamang ang inuulit.

Halimbawa:
ba-sa: ba-ba-sa, mag-ba-ba-sa
la-kad: la-la-kad, ni-la-la-kad
tak-bo: ta-tak-bo, nag-ta-tak-bo
lun-dag: lu-lun-dag, mag-lu-lun-dag
nars: mag-na-nars
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring
gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa:
plan-tsa pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
pri-to - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
ku-wen-to ku-ku-wen-tu-han mag-ku-ku-wen-to
Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig.
Halimbawa:
plan-tsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
pri-to pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwen-to ku-ku-wen-tu-han mag-ku-ku-wen-to
Ang Gamit ng Gitling
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw

sari-sarili

isa-isa

kabi-kabila

apat-apat

masayang-masaya

dala-dalawa
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi
ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
mag-alis

pang-ako

nag-isa

mang-uto

nag-ulat

pag-alis

may-ari

pag-asa

tag-init
Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang
pagitan nito.
Halimbawa:
dalagambukid (isda)
buntunghininga
Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o
simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos

mag-pal

maka-Rizal

maka-Johnson

maka-Pilipino

mag-Sprite

pa-Baguio

mag-Corona

taga-Luzon

mag-Ford

taga-Antique

mag-Japan

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na
unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-3 n.h.
ika-10 ng umaga
ika-20 pahina
ika-3 revisyon
ika-9 na buwan
ika-12 kabanata
Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
limat dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon
Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.

You might also like