Barangay Igdalaguit, Tobias Fornier, Antique, lugar na nagmula sa mayamang
kasaysayan ng kultura at katapangan ni Datu Marikudo. Hindi lang ito kilala sa
kwento ng kanyang pinagmulan, kundi kilala din ito sa mga bagay na talagang maipagmamalaki ng kanyang mga tubong Igadalaguitnon tulad ng Mandaraguit Festival na idinadaos tuwing kanilang Barangay Day na hindi lang kilala sa mga karatig barangay, kundi maging sa ibang mga lugar na din. Ang Mandaraguit Festival ay binubuo nang tatlong tribu, ito ay ang mga tribu ng Daguitnon, Kalibugan at Pungtudnon. Kilala din ang Igdalaguit sa palarong basketball ng mga kababaihan, kilala din ang Barangay Igdalaguit sa kanyang magagandang tanawin lugar. Kilala rin ang Barangay Igdalaguit sa kanilang SEARCH FOR MISS MANDARAGUIT FESTIVAL at SEARCH FOR IGDALAGUIT NEXT TOP MODEL. Tara na at pumunta, bumisita sa Barangay Igadalaguit nang matuklasan niyo kung gaano kasaya ang bumisita sa pinagpalang lugar na ito! Kiritaay kita kag magkasadya sa Igdalaguit!!!