You are on page 1of 2

Desamito, Rujin A.

19-06869
CE 3101

Ito Kami, Batangueno na Ipagmamalaki


Noong unang panahon, ang mga misyonerong Espanyol ay unang namalagi sa lalawigan ng
Batangas. At sa taong 1581, napagkasunduan ng mga ito na italaga ito bilang isang nayon. Tinawag nila
itong “Batangan” bilang pagtutulad sa salitang “batang” sa lugar na ito na nangangahulugang malalaking
troso na siyang yaman ng lugar. Ang unang gobernadorcillo ng nayon ay itinalaga din ng mga nasabing
Espanyol, at ang taong ito ay si Don Agustin Casilao. Sa paglipas ng panahon, ang nayon ay nahati pa sa
maliliit na bayan at ang lungsod ng Batangas ay ang kabisera na lungsod sa lalawigan ng Batangas dito sa
ating bansa. Ang lungsod ay tanyag sa bilang na mga bagay na siyang matatalakay sa mga susunod na
bahagi ng artikulo na ito.
Ang bayan ng Batangas ay kilala sa napakasarap na Kapeng Barako, na siyang dinarayo ng
napakaraming turista mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, at kung minsan ay mula sa ibang bansa. Ang
napakabango nitong amoy ay siyang nakapukaw sa puso ng mga taong mahilig sa kape o ikan ga ng iba ay
“coffee lovers” isa pa ay ang matapang ngunit mahagod nitong pakiramdam ay maihahalintulad sa pagiging
barako naming mga Batangueno. Isa pang kilala dito sa aming bayan ay ang balisong. Ang napakagandang
likhang ito ay nagmula sa bayan ng taal noong mga taong 1900, at sumikat ito. Ang likhang ito ay parte ng
opisyal na selyo ng aking bayan bilang pagsimbolo sa pagkakakilanlan ng bayan dahil dito. Ang salitang
baliong ay nagmula sa mga salitang ‘ baling sungay ‘ sapagkat ang mga unang balisong na nalikha ay gawa
mula sa buto ng kabayo o mula ssa sungay ng kalabaw at ang talim ay gawa sa bakal na parte ng sasakyan,
kung kaya’t ito ay madaling mangalawang at di hamak na mas mura kumpara sa magagandang bakal na
ginamit sa ibang yari ng balisong. Ang presyo ng isang balisong ay nakadepende sa materyales at laki nito.
Sabi ng nakararami, maaari mod aw sbuukan ang talim ng iyong balisong kung hahawakan mo ito ng
pabaligtad at isasaksak mo ito sa baryang piso, kung magkakaroon ng butas ang barya ay panigurado ang
ganda ng kalidad ng iyong balisong. At ang isa pang tanyag sa Batangas ay ang napakasarap na pagkain,
ika ng marami ay bagay na bagay sa taglamig at tag ulan, ang bulalo. Isa ang Batangas sa malking
tagasupply ng baka sa iba’t ibang lugar. Ang bulalo ay gawa buto buto ng baka na pinakuluan at titimplahan
ito gamit ang paminta, sibuyas, bawang, at minsan nilalagyan ito ng gulay na repolyo, petchay baguio,
patatas. Ngunit may iba’t iba ding baryon ang bulalo sa iba’t ibang parte ng lalawigan. Sa mga kabukiran
naman ng aming lugar, ay hindi dapat palampasin ang sikat na lambanog, na gawa sa pinurong sabaw ng
niyog. Kung ikaw ay mapapadaan sa grupo ng mga nagbabarik ay hindi maaari na hindi ka tatagay.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga ip[inagmamalaki dito sa aming bayan sa Batangas, ngunit,
hindi lamang ang mga ito ang dahilan kung bakit napakaganda at ipinagmamalaki ko ang bayan na ito. Ang
mga lugar dito at mga tanawin ay isa pa sa dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang lugar. Mula sa bundok,
o tanaw ng dagat, o ang malinaw na tubig ng mga ito. Ang panghuli ay ang mga tao. Kaming mga Batangueno
ay kilala bilang mga “barako” at mattapang sabi ng iba, hindi naman ito maitatanggi, ngunit, sa kabila ng mga
ito, ang mga batangueno ay malalambing at isa sa mga pinaka mabubuting taong nasilayan ko sa aking
buhay.
Ano pa gang iyong hiniintay? Parine na sa Batangas!
Batayan:
Philippines Cities. (2017, July 27). Batangas City, Batangas History - Tourist Spots - Festivals.
Retrieved July 5, 2022, from https://philippinescities.com/batangas-city-batangas/

Rivera, D. J. (2014). BATANGAS | Balisong: Few Things About this Famous Knife from Taal.
Pinoy Travelogue | A Philippine Travel Blog by DJ Rivera. Retrieved July 5, 2022, from
https://www.pinoytravelogue.com/2017/08/balisong-taal-batangas-famous-knife.html

Dimen, Y. (2020, January 8). Bulalo: The Signature Soup of Batangas, Philippines. The Poor
Traveler Itinerary Blog. Retrieved July 5, 2022, from
https://www.thepoortraveler.net/2012/03/batangas-bulalo/

You might also like